CHAPTER 4: Seenzone

75 14 0
                                    

Chapter 4 : Seenzone

Krexia's POV

10:00 am na , ngayon na yung flight nila mama . Nandito na kami sa airport ngayon para ihatid sila . Hindi na rin ako pumasok sa school para maihatid si Dad and Mom . Nagpaexcuse na lang ako sa mga kaibigan ko .

"Anak , magpakabait ka dito huh. Mag ingat ka. Lalo na't wala kami ng Daddy mo dito " niyakap ko ng mahigpit si mama at hinayaan ko ng tumulo ang mga luha ko. Mahirap kasing magpigil lalo na't yung taong napakahalaga at mahal mo eh malalayo nanaman sayo ng matagal

"Mom,Dad pwde pa namn kayong hindi umalis diba. Pwde namang icancel niyo muna flight niyo " pagmamakaawa ko kina Daddy. Pwde naman diba ? Gusto ko pa silang makasama.

"Anak gustuhin man namin. Hindi pwde ..." hinawakan ni Daddy kamay ko tyaka sya umupo para mapantayan ako. Nakaupo rin kasi ako

"Lahat naman ng ito para sayo eh . Tyaka pagbalik namin dito ng mama mo . Papasyalan natin lahat ng gusto mo :) mahal na mahal ka namin anak. Mahirap man lumyo sa prinsesa namin. Pero kailangan namin gawin ito " hinalikan ni papa yung Forehead ko . Kaya naman mas lalo pa akong napaiyak. Niyakap ko sila ni mama ng napakahigpit . Mamimiss ko ang lahat ng kakulitan nila.

"Mamimiss ko po kayo Daddy , Mommy . Lagi niyo pong tatandaan na mahal na mahal ko po kayo. Tapos yung pagaaral ko .mas lalo ko pa pong pagbubutihan . Lahat ng iyon para sa inyo po "

Patuloy parin ako sa pagiyak . Hindi ko mapigilan eh . Nasasaktan ako sa pag alis nila.

MY IDEAL MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon