Chapter 33 : First Move

29 4 0
                                    

Chapter 33 : first move

Krexia's POV

"mukhang wala pa ata Yung apat na asungot na yun ? " sabi ni Scarlet . Tyaka siya nagpalinga linga para hanapin ang apat na asungot na yun. Kanina pa kami andito at kanina pa namin sila hinihintay lalong lalo na si Zack. Ngayon ko na uumpisahan ang plano ko para sa kanya. At sisiguraduhin kong pagsisihan niya ang kanyang naging desisyong panliligaw sa akin ! I'll make him feel all the things he hasn't felt yet. I'll make sure he'll suffer and regret everything!

"Papunta na rin siguro sila dito. Maghintay lang tayo " sabi ko sa kanila. Tiyaka ko sila nginitian. Tinignan ko rin si Kenji na kanina pa tahimik. Hinawakan ko ang balikat niya , kaya naman napalingaw siya sa akin . Nginitian niya ako pero alam ko sa ngiting yun may halong lungkot at kaba. Nginitian ko din siya tyaka ko hinawakan ang kamay niya ^_^ !
.
.
.
lumipas pa ang ilang minuto at dumating na silang apat ! Napatingin agad ako kay kenji at sa mga kaibigan ko . Nginitian ko ulit sila tyaka ako lumapit sa apat na asungot. Lalapitan ko lang naman si Zack , at ngayon ko na uumpisahan ang plano ko ^____^ !
"Good morning Zack " tyaka ko siya hinalikan sa pisngi niya . Dampi lang yun ah !! Mukha namang nagulat siya sa ginawa ko. hindi lang siya dahil kita sa mga mukha ng mga kaibigan niya na gulat na gulat sila sa nakita nilang ginawa ko kay Zack. Nilibot ko ang tingin ko sa loob ng classroom namin , kita mo sa mga mukha ng mga tao dito na nagulat sila , yung iba parang gusto nang sumabog dahil sa inis. ! Ngumisi lang ako sa kanila . Kahit ako nagulat sa ginawa ko. Anu bang pumasok sa kokote ko at ginawa ko ito grrr. Wala ito sa plano . Pero bakit ko ginawa ito ? TT.TT

"go-od...Good morning din Krexia " sabi ni Zack . Tyaka niya hinawakan ang pisngi niyang hinalikan ko. Halos hindi siya makapagsalita ng maayos dahil sa ginawa ko. ! Iniwan ko na sila dun at bumalik na sa upuan ko. Nakakahiya ang ginawa ko. ! Bahala na ! nangyari na eh. Anu pa nga bang magagawa ko ?

"Ang landi niya ... " sabi ng isa kong kaklase. Hindi ko na lang sila pinansin . Isipin na nila ang gusto nilang isipin. Malandi na kung malandi ! -_____- ! Derederetso lang ako sa paglalakad ng hindi lumilingon sa ibang deriksyon. Alam ko kasi na ako nanaman ang mga pinagbubulong bulungan nila !
.
.
.
Umupo na ako sa tabi ni Kenji. Tinignan ko siya ng may halong katanungan sa aking mga mata. Mukhang nakuha naman niya agad ang ibig sabihin ng tingin ko sa kanya. Ngumiti lang siya tiyaka niya hinawakan ang dalawa kong kamay. " may tiwala ako sayo krexia . " sabi niya . Nakakainis naman ! Feeling ko dahil sa ginagawa ko ngayon nasasaktan ko siya. Kahit hindi niya ipakita sa akin na nasasaktan siya , alam ko at ramdam ko yun. Kung ako rin ang nasa posisyon niya magagalit din ako at magseselos . pero si kenji kasi yung taong Mabait , maintindihin , at mapagpasensya. Kaya siguro hindi niya magawang mainis sa akin ngayon. Nakakakonsensya talaga mga pinaggagawa ko ngayun >____< !

Tiyaka na ako kumilos ng maramdaman kong bumalik na siya sa kinauupuan niya . Nilingon ko siya ng may nakakalokong ngiti . Tiyaka ako umiwas ng tingin agad ! Hindi ko siya kayang titigan  ng matagal. Hindi ko alam kung bakit. Sa tuwing titingin ako sa kanya , biglang bumibilis ang tibok ng puso ko ! Lalo na yung kanina.nung hinalikan ko siya sa pisngi niya , biglang bumilis ang tibok ng puso ko . Sa kanya ko kang naramdaman ang ganito . Ewan ang weird ! Abnormal na ata itong puso ko eh !!
.
.
.
.
.
.
.

After 1 hour natapos na rin ang klase namin sa Math. Nag ayus na rin kami ng gamit namin.

"Bhessy hintayin ka namin sa labas " si Scarlet . TumangO lang ako sa kanila .

"Brad duon na rin kami sa labas sasamahn lang namin yung mga chixs na kaibigan ni Krexia " natatwang sabi ni Ishaan. Tssk babaero talaga sila . Kakapal ng mukha !

Dadalhin ko na sana ang mga libro ko at ang bag ko ng biglang nagpresenta ang dalawa kong suitor !!

"Krexia ako na lang magdadala ng bag mo " sabay na sabi ni Zack at Kenji.  Nasa gitna nila akong dalawa . Nagpapalit palit lang ako ng tingin sa kanilang dalawa . At yung tingin nila sa isat isa parang gusto na nilang magpatayan ! Parang gusto ko tuloy na biglang maglaho dito huhu ! Ang hirap din pala magkaroon ng maraming suitor !! Nakakabaliw ! Dalawa lang sila pero sobra ng nakakabaliw . Naisstress ako sa kaniang dalawa ! -_____-

MY IDEAL MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon