Ace's POV
"Matagal pa ba?" Inip na inip na tanong ko kila Marjorie.
Ready to go na kasi kami ni Aiza pero yung lima, nagme-make up pa.
"Sandali nalang 'to!" Sagot ni Marjorie.
"Tsk. School ang pupuntahan natin, hindi bar. Bakit kailangan niyo pang magpaganda ng ganyan?"
Ainie rolled her eyes before answering me.
"Like duh! First day kaya natin ngayon. Malamang sa atin mapupunta ang atensyon ng mga estudyante doon."
"Who cares about attention?" Bored kong tanong. Tsk. Inaantok na ko!
"Us? And besides, first impression lasts kaya so dapat maganda na agad tayo sa unang kita palang nila sa atin." Erica explained.
Nasabi ko na ba na bukod sa pagiging gangster, sumaside-line din sila sa pagiging bitch? Tss. And take note, they're so proud of being one.
"Whatever! Dalian niyo na nga lang. Maghihintay na kami ni Aiza sa kotse namin." Sabi ko sa kanila saka tumungo sa parking lot with Aiza.
Today is Monday. Meaning, ngayon ang unang araw namin sa Demori. Naayos na ni Marjorie ang mga papel namin without the help of Kanika. Okay na pala kasi talaga 'yun bago pa kami magkita ni Kanika.
"Basta tandaan mo Ace, ah? Hindi muna tayo Dark Angels ngayon, Wild Flower muna ang name ng gang natin." Pagpapaalala sakin ni Aiza.
Wild Flower kasi yung sinubmit na gang name ni Marj sa registrar ng Demori. Hindi kasi nila pwedeng malaman na kami ang Dark Angels ng California.
"Oo na, oo na. Kanina niyo pa 'yan sinasabi sakin." Ganun ba ko kalala pagdating sa memorization?
"Ang lala mo kasi pagdating sa memorization eh." Tinaasan ko ng kilay si Aiza.
Wow Aiza! Thank you for answering the question in my mind. Tss.
"We're ready!" Masayang sigaw ni Gel ng makalabas sila ng bahay.
"Finally." Bulong ko sa sarili ko. "Tara na!"
Sumakay na rin sila sa kotse nila at nagdrive na kami papuntang Demori.
***
"Who are they?"
"New girls?"
"Ang angas ng dating ah."
"May maibubuga kaya?"
Nandito kami sa tapat ng registrar at inaantay ang schedule namin na hindi pa maasikaso kasi may kausap pa yung in-charge.
Kanina pa rin ako inis na inis sa mga tsismosa at tsismoso na dumadaan at pinag-uusapan kami. Seriously, is this a school for gangsters or a school for gossip girls?
"Oh gosh, nakita niyo ba yung lalaking kakadaan lang?" Tanong ni Heide samin.
Kung ako inis na inis na, sila naman ay tuwang-tuwa sa mga nakikita nila. Hindi talaga halatang kaya nilang pumatay ng tao sa way ng pananalita at pagkilos nila.
"Oo nga, nakita ko rin 'yun! Ang hawt!" Sagot naman ni Gel.
Whooo! Bakit ba ganito ang mga kaibigan ko?
"Demison, Madroñal, Pelias, Mase, Quino, Fernandez, and Clarkson?" Mahinang sigaw ng babaeng kakalabas lang sa registrar, sapat lang para marinig namin.
"Yes ma'am?" Nagtaas si Marjorie ng kamay para malaman nung babae na nandun kami.
"Here's your schedule. Pumunta na agad kayo sa klase niyo." Sabi nito pagkaabot samin ng mga papel saka iniwan na kami.
BINABASA MO ANG
He's My Gangster
AksiNabalitaan ng Dark Angels, isang maliit ngunit kilalang gang sa California, ang magaganap na malawakang gang fight sa Pilipinas. Dala ng matinding pagkabagot, napagkasunduan ng gang na pumunta sa Pilipinas at makigulo sa nasabing sagupaan. Death, le...