Prologue

147 4 0
                                    

Normal ang buhay ko, school - work - bahay, ganito palagi ang flow ng araw araw kong gawain....

Mag-isa nalang ako sa buhay simula nung namatay ang parents ko sa isang car accident 5 years ago, simula nuon natuto akong mabuhay mag-isa at ako rin ang nagpapaaral sa sarili ko.

Hindi ko na piniling sumama at manirahan ulit sa mga kamag-anak namin dahil ayokong maging pabigat sa kanila. At hindi rin ako humihingi ng tulong sa kanila kapag nangangailangan ako ng pera dahil ang gusto ko pinagpapagudan ko ang lahat ng mararating ko sa buhay at naiintindihan naman nila iyon at nirerespeto ang naging desicion ko kaya nga naisip kong umalis ng province namin at makipagsapalaran sa ibang lugar.

Naging masaya nomal at peaceful naman ang mga panahong namamalagi ako dito....... pero bigla nalang sa hindi inaasahan pagkakataon may umatake sakin habang nagtratrabaho ako at may dumating na anim lalaki na naka suit na pilit akong isinakay sa kotse at dinala ako sa isang napakalaking mansion sa isang mahalaman at mabundok na lugar.

"You look so beautiful now, my daughter" At bigla akong niyakap ng isang nasa middle age na lalaki.

"What? Daughter??!"

Paano nalang kapag nalaman mo na anak ka pala ng President ng pinakasuccessful na company ngayon, hindi lang dito sa Pinas maging sa ibang bansa, at isa sa mga pinakamayamang tao sa mundo. At nalaman mo pa na nasa danger ang buhay mo dahil ikaw pala ang tinatagong one and only child niya. At dahil nga sa magulong pangyayaring ito binigyan ka ng isang personal bodyguard na 24 hours per day mong makakasama!

 "ARE YOU KIDDING ME???!!!!!"

Ano na ang mangyayari sa normal and peaceful days ko?!!!

MY PERSONAL BODYGUARD: Sweet and Perfect Bodyguard?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon