Chapter 3

63 2 0
                                    

Nagresearch ako tungkol kay Mr. Robert Spencer na aking tunay na ama sa net at nagulat ako sa natuklasan ko. Siya pala ang President ng Spencer Corporation, na binubuo ng mga bigating hotels at resorts at siya din pala ang may ari ng Grande Town Mall na isa sa pinaka amazing na shopping mall sa buong mundo. Marami din siyang hotels and resorts maging sa ibang bansa.

“Amazing....”

“I can’t believe my father is a famous person.”

Halos hindi na ako makatulog nung gabing iyon sa nalaman ko. Parang isang joke lang ang lahat ng mga nangyari ng araw na ito.

Pagtingin ko sa orasan nakita ko na pass 3 o’clock na pala at bigla akong nakaramdam ng pagkaantok at tuluyan ng nakatulog sa pagkakaupo ko sa harap ng computer.

Puyat na puyat ako ng pumasok sa school dahil sa iilang oras lang akong nakatulog. At pagpasok na pagpasok ko for my first class sinugod agad ako ni Rue.

“Ano bang nangyari sayo kahapon? Bigla bigla ka nalang nawala tapos hindi pa namin macontact ang phone mo.” Sabi ni Rue habang inaalog alog niya ako

“T-tama na Rue, nahihilo ako.”

“So-sorry. Pero ano ba talaga ang nangyari sayo?”

“paano ko ba ito sasabihin.... hindi ko naman kasi pwedeng sabihin sa kanya ang totoo.”

“Ah! Yung kahapon ba? Hehe.” Sabi ko habang nag-iisip ako ng ipapalusot

“Bigla kasi akong nag LBM kahapon at dahil sa hindi ko na makayanan ang sakit ng tiyan ko umuwi na agad ako sa amin ng hindi nag-papaalam sa inyo. Pasensya na kayo ah. Hehehe” Sabi ko habang kinakamot ko ang ulo ko

“pasensya ka na Rue pero kailangan kong mag-sinungaling sayo...”

Naniwala naman sa akin si Rue at tumigil na sa pagtatanong sa akin. At nag-umpisa na nga ang class namin. Sa maghapong ito wala naman ibang nangyari para pa din dati. Iniisip ko tuloy kung isa lang talagang panaginip ang lahat ng nangyaring iyon.

Habang naglalakad ako papunta sa restaurant kung saan ako nagpapart-time job. May nakita akong isang familiar na audi na kotse na naka park duon.

“masyado lang siguro akong nag-iisip.... impossible naman kasi talaga iyon... maybe everything were just a dream.”

Pagpasok na pagpasok ko at matapos kong makapagpalit ng uniform bigla akong tinawag ng manager ko.

“Cindy. Can I have a word with you?”

“Yes po.”

“Totoo bang magreresign ka na dito due to some personal issue?”

“Po?” Sobra akong nagulat sa sinabi niya.

“Nanghihinayang ako sayo dahil ang sipag mo pa naman at magaling kang humandle ng mga costumers natin. Natutuwa pa naman ako sayo, sayang nga lang at aalis ka na.”

“Nagkakamali po kayo. Hindi po ako magreresign. Saan nyo po ito nalaman?”

“Three good looking guys came to tell me these things. At hinihintay ka nila duon sa may table 10”

“sino naman kaya ang mga iyon????”

“Sige po manager kakausapin ko po sila.” Sinabi ko ito kahit na hindi ko alam kung sino iyong mga taong kakausapin ko.

MY PERSONAL BODYGUARD: Sweet and Perfect Bodyguard?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon