Chapter 1

111 1 0
                                    

“1 2 3, 1 2 3 4 okay CUT!”

“OKAY! That’s it for today!” Sigaw ni Kelly

Nandito nga pala ako ngayon sa drama/ musical club namin, nag rehearsal para sa isang malaking play. At si Kelly ang President / Director ng drama club sa school namin. Sosyal to pang international ang talent at nakapagplay na din ito sa international plays and theatre.

“Hay sa wakas natapos din! Nakakapagod.... after this trabaho naman....” >____<

“Cindy sasama ka ba samin ngayon, magkakaraoke kami.” Pag-aaya sakin ni Rue

Si Rue ang bestfriend ko at member din siya ng musical club kagaya ko. Kaming tatlo nina Kelly at Rue ang palaging magkakasama.

“Naku hindi pwede eh, may work ako ngayon sa may restaurant. Sorry.”

“Araw araw ka nalang may work ah. Wala ka man lang bang day-off? Pati weekends din ata may work ka.”

“Ahaha. Alam mo namang self support ako. Kung hindi ako magtatrabaho wala akong perang magagamit para sa sarili ko.”

“Eh bakit ba kasi hindi ka pa humingi na lang ng tulong sa relatives mo sa province nyo?” Sabi naman ni Kelly

“Kilala nyo naman ako di ba? Ayoko talaga ang umaasa lang sa ibang tao, gusto ko pinagsisikapan ko lahat.”

“Naku wag ka naman masyadong nagpapakapagod. Kung gusto mo pwede ka na namang mag quit dito sa drama club natin para naman may oras ka para makapagpahinga.” Sabi ni Kelly habang may pag-aalala sa mukha niya.

“Ano ka ba naman President, alam mo naman na ito ang hilig ko di ba? Wag kayong mag-alalang dalawa kayang kaya ko na ang sarili ko. Hehehe”

“Kahit kelan talaga....”

“Sige, uuna na ako sa inyo, may work pa ako eh.”

Pagkarating ko ng Clifton Restaurant kung saan ako ng tatrabaho, dali dali agad akong nagpalit ng uniform sa may locker room namin at nagpunta agad sa may counter para kunin ang gamit ko ng makapag-umpisa ng magtrabaho. Sobrang busy ngayon sa dito na pinagtatrabahuhan ko dahil sa dami ng mga customers.

“Cindy, sa table 7 kunin mo ang order nila” Sabi ni Manager

 “Okay po”

Nagpunta agad ako sa table 7 para kunin ang orders nila. Pagdating ko sa table 7, bumungad sakin ang tatlong lalaking naka suit.

“Ang gagwapo naman nila sobra.... at ang ho-hot pang tingnan...."

(人´∀'*)"mukhang may business dinner ata sila..."

"Ui cindy, narito ka para kunin ang order nila, okay?” 

“Excuse me, can I take your orders?” Sabi ko naman sa kanila ng makabalik na ako sa tunay na mundo. hahaha

“Oh yes.” Sabi nung lalaking nasa gitna na sobrang gwapo pero napakaseryoso ng itsura

“wow, what an elegant man.... shet nararamadam kong mamumula na ako, kailangan kong kumalma”

“Spaghetti Scoglio” Sagot naman niya habang nakatingin pa din sa menu

“how about the two of you sir?” Tanong ko naman sa iba niyang kasama

“hmm anong pwede mong irecommend?” Sabi naman nung isang guy na nasa kanan na ang cool guy.

MY PERSONAL BODYGUARD: Sweet and Perfect Bodyguard?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon