Chapter 4

66 2 0
                                    

“Saang floor at anong number ang apartment mo?”

Bigla akong napatingin sa kanya nung narinig ko yung tanong niya.

“A-ano....?”

“Sabi ko anong number at floor ng apartment mo. Kailangan ko pa ba iyong ulit ulitin?”

“ang tapang at sungit talaga nito..... para siyang menopause na eh.... tsk.... tanda!”

“Ibig kong sabihin bakit mo tinatanong sa akin ang number ng apartment ko? At ano ang laman ng mga luggage na yan?” tanong ko sa kanya.

“Mga gamit ko”

“Para saan?”

“Simula ngayon titira na ako kasama mo.”

“A-anong sinabi mo?!”  ━Σ(゚Д゚|||)━

“Is this some kind of joke or what?!” Pagpapatuloy ko.

“anong sinasabi ng matandang ito...! siya, titira kasama ko sa apartment ko...?! ARE YOU KIDDING ME?!”

“Wag mong sabihin na hindi mo pa alam?”

Umiling iling ako na akala mo matatanggal na ang ulo ko, habang naguguluhan pa din ako sa pinagsasabi ng matandang ito.

“Talaga? Baka naman nagkukunwari ka lang.” Pagpapatuloy niya

“Mukha ba akong nagkukunwari....? Yang mukha mo mukhang joke.” Sabi ko ng mahina

“May sinasabi ka?”

“Wala.”

“Pero bakit walang sinabi sa aking ganito si Mr. George at si Dad?” Pagpapatuloy ko

“Anong malay ko sayo.”

Tapos bigla akong nagring ang phone ko at sinagot ko naman ito.

“Hello po?”

“Anak”

“D-Dad”

“Sorry anak, may nakalimutan pala akong sabihin sayo, from now on Rylance will be living with you and as what you have known he will be with you 24 hours per day so I made some arrangement regarding this matter.”

“Bakit ngayon nyo lang po sinabi sa akin ang importanteng bagay na ito?”

“Pasensya ka na anak, nawala kasi sa isip ko. Don’t worry mabaet naman yang si Rylance at sobrang maaasahan kaya wala ka talagang dapat ipag-alala. Sige na anak madami pa akong gagawin, Bye. I love you.”

“W-ait lan--- binaba na niya.....”

“ano tapos ka na bang makipag-usap dyan? Tara na sa loob at pagod na pagod na ako.” Pagoorder niya sa akin.

“eh....?”

Tapos bigla niya akong hinigit papasok ng building habang bitbit niya sa kabilang kamay ang dalawang bags niya.

“Saang floor ka?” Tanong niya ulit sa akin

“S-sa 5th floor....”

“Room number?”

“506...”

“Okay.”

MY PERSONAL BODYGUARD: Sweet and Perfect Bodyguard?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon