Maingay na hiyawan, pito at kaluskusan ng mga sapatos ng manlalaro ang naririnig ko sa paligid.
Lumingon ako at na abutan kong papunta saakin ang bola, tumalon ako't kinuha ang bola sa ere, mas lalong nag hiyawan ang mga tao sa paligid. Binalewala ko iyon at mas nag focus sa bola.
Pinatalbog ko ang bola at sa bawat talbog ng bola andami kong naalala.. Memoryang hindi ko dapat maalala pero bigla ko nalang na aalala.
Bakit.. kailangan pang bumalik ng lahat? Bakit kailangan pang- "Lucas!! Makukuha na yung bola!" Sigaw ng ka team mate kong iritado na sa akin.
Nawawala nanaman ako sa sarili ko. Napa iling ako't nag focus muli sa bola. Bakit ba ganto nalang parati ang nararamdaman ko sa tuwing finals na? Halos lahat ng mga alalang hindi naman dapat alalahanin biglang bumabagsak sa akin?
Napa hawak ako bahagya sa ulo ko at mariin kong pinikit ang mga mata ko para mag focus muli sa bola pero imbis na bola ang nakikita ko.. Ang mukha niya.. Ang mukha ng Ex girlfriend ko.
"Mr. Bolton are you alright na?" Tanong saakin ng babaeng naka kulay puting uniporme.
Nasilaw ako sa puting ilaw saaking harap atsaka ko binalingan ng tingin muli ang babae.
"Anong ngayri? Bakit ako nandito?" Sabi ko habang kinukusot ko ang mata kong nanlalabo. Medyo masakit rin yung ulo ko pag gumagalaw ako. Ano bang ngyari?
Pinasadahan ko ng tingin ang paligid at na pag tantong nasa clinic ako at naka higa sa isang malambot na kama.
"Ayon sa nag dala sayo dito kanina na walan ka daw bigla ng malay habang nag lalaro, Isa pa wag ka mag alala nanalo team niyo." ngumiti sakin yung nurse habang sinasabi niya iyon.
Kung ganoon ay mabuti, mabuti at nanalo kami. Pero hindi pa rin mawala wala sa isip ko yung mga naalala ko kanina habang nag lalaro ako.
"Iiwan muna kita dito may pupuntahan lang ako saglit." lumabas na ang nurse at ako nalang naiwan dito sa loob ng clinic.
Wala pa akong balak bumalik ng room kaya nag prisinta akong mag pahinga muna kahit ilang minuto.
Huminga akong malalima't pinag salikop ang aking daliri, pagod kong pinikit ang aking mga mata ng may bigla akong narinig na babae. Umiiyak at nag mamakaawa sa harap ko.
Kumunot ang noo ko't nalito. Ilang araw na itong bumabagabag sa akin, pero kahit ganoon ay pinanindigan ko ito ngayon at pinakinggan ang babae.
"Lucas naman please wag ganto o! Wag naman ganto!" Sabi ng babaeng nasa harapan ko, unti unting umaagos ang mga luha niya sakanyang natural na mapupulang pisngi.
"Ayoko na, pwede ba? Nag sisi na akong pinasok ko 'to, masyado ka ng storbo sa buhay ko! Gusto ko ng tapusin ang meron tayo at kung ayaw mong sumangayon sa gusto ko? Bahala ka sa buhay mo!" Walang pag dadalawang isip kong iniwan ang babaeng umiiyak sa harap ko.
Gusto ko siyang balikan pero parang may tumutulak sa akin na layuan siya, pero kahit ganoon pinanindigan ko ang sinabi ko sa babae, tapos ay tapos. Babae lang 'yan at marami pang iba dyaan.
Unti unti kong binuksan ang mga mata ko at bumulong sa sarili ko. "Hindi ko pala siya kayang iwan." Shit!
Nawindang ako sa sarili kong sinabi. Babae lang 'yon! Marami pa dyan! Shit! Ano ba 'to?!
Kelan ba ako naging ganto?May kung anong pumasok sa isip ko't agad akong bumangon at binuksan ang pinto.
Masakit pa rin yung ulo ko at nanlalabo paren mga mata ko pero kailangan ko tong gawin para sa ikatatahimik na buong konsensya ko.
Ilang sandali pa ng pag hahagilap ay nadatnan ko siya mag isa naka upo sa bench at walang pag dadalawang isip na tumakbo ako papalapit sakanya.
Natigilan ako bigla ng makita ko mga mata niya na biglang nag lapat sa akin.
Yung mga mata niyang pinaiyak ko noong araw na 'yon, mga matang walang kamalay malay.
Para akong nag ugat sa kinatatayuan ko at ayaw gumalaw ng mga paa ko.
Hell! Natatakot ba akong humarap sakanya? Fuck! Oo natatakot akong humarap sakanya dahil natatakot akong hindi niya na ako muling tanggapin pa pag katapos ng mga binato kong masasakit na salita sakanya!
Hindi ako maka paniwala na ganto ka lakas ang impluwensya saakin ng babae ito. Is it possible? Sa isang katulad ko? Mag habol muli sa babaeng inayawan na? Shit!
Matatakot ka pa ba ngayon? Ngayong naka tingin siya sakin at sumisigaw ang mga mata niya ng pag tataka?
Pag tataka? Bakit? May nararamdaman pa ba siya saakin pag ka tapos ng lahat? Fuck! Hindi ko na kaya ang mga tanong sa utak kong 'di na ako sinagot! Dahil alam ko, isa lang ang makakasagot ng mga tanong ko.. kundi siya.
Wala na akong pake kung ano pang sasabihin ng mga tao sa paligid namin at dumeretso ako papunta sakanya.
Habang papalapit ako sakanya ay bakas sakanyang nga mata ang mga katanungan. Maraming katanungan. Oo, Aya katulad mo marami din akong katanungan.
Ng makalapit ako sakanya ay agad ko siyang sinalubong ng mahigpit kong yakap.
Her skin.. Her scent.. Her hair.. Everything about her.. fuck! Hindi ko akalaing hahanap hanapin ko ito! Paano ko siya nagawa iwan?
Ilan sandali pa at binaon ko ang aking mukha sakanya balikat, hinilig ko ang aking labi sakanyang tenga't bumulong ako..
"Mahal pa rin kita.. Aya please come back.."