Umiihip ang preskong hangin saaking mukha habang naka upo ako dito sa bench, tapat ng hardin ng school namin.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga estudyanteng abala at nag bubulungan tungkol sa naganap sa basket ball court.
May naganap kasing labanan kanina, dati ay hilig kong manood pero ngayon ay nawalan na ako ng gana simula ng ngyari saami ni Lucas, hangga't maari ay iiwasan ko na siya. Masyado akong nasaktan sa mga binato niya saaking salita noong huling araw ng mag usap kami.
Nahagip ng mata ko ang kaibigan kong hingal na hingal kakatakbo na si Kath, Palagay ko'y may balita siyang sasabihin mula sa game na pinanood niya, inaya niya akong manood pero hindi ko pinaunlakan ang imbita niya, ayoko lang talagang makita muna si Lucas dahil sariwa pa ang mga memorya saakin.
"Congrats!" Ani ni Kath na nag tatalon. Na mumula ang kanyang pisngi at pawis na pawis pero mukha hindi pa rin siya na uubusan ng energy. Kumunot ang noo ko. Congrats?
"Nanalo team ng boyfriend mo! Pa burger ka naman jan ,Aya!" Kinindatan niya ako't pumakpak pa.
"Kath? Tigilan mo ako. He's not my boyfriend.. E-Ex ko siya okay?" Ani ko't nag iwas ng tingin.
Alam niya ang ngyayari sa talambuhay ko, walang labis at walang kulang, Para na kaming mag kapatid dahil masaydo nanaming kilala ang isa't isa. Alam niya ang ngyari saamin ni Lucas pero kahit pa man masakit ang pinag daanan namin ni Lucas ay boto pa rin siya kay Lucas para saakin.
Dream guy namin si Lucas ever since, tinitilian, iniistalk at pinag aagawan namin siya noon pa man at sa maswerteng palad ng tumungtong ako sa Grade 9 ay napansin niya ako, hindi naman iyon ginawang big deal ni Kath aniya'y mas mahal niya daw ako kesa kay Lucas kaya pag papaubaya niya na daw ito saakin.
Masaya ako na ang dream guy ko ang unang lalaking nanligaw saakin, ang swerte ko diba? Minsan lang yan pumara sa buhay ko. Pero hindi ko alam ang dream guy ko ay siya rin palang unang wawasak ng puso ko.
"Joke lang! Napaka talaga neto pag dating kay Lucas! Bitter lang ateng?" Pangangasar sakin ni Kath.
"S-Sinong nag sabi? Hindi no!" Inirapan ko siya't panay ngisi naman siya.
"Eh na balitaan mo na ba yung ngyari kay Lucas? Na walan siya kanina ng malay habang nag lalaro."
Ha? Nawalan ng malay si Lucas?! Bakit? Anong ngyari? Bakit? Kamusta siya kung ganon?
Biglang may sumagi sa isip ko. Aanhin niya nga ba pag aalala ko? Kung sa gayong storbo lang ako sa buhay niya? May biglang kung anong kumirot sa puso ko.
"Eh ano? Kaya niya na sarili niya." Ani ko ng may tabang ang aking tono. Nag iwas ako ng tingin kay Kath na mukhang inaasahan ang pag ka bigla ko sakanyang balita.
"Check him kaya? Balita ko nasa clinic daw siya ngayon, Wala naman yun magiging malisya just to check him kung okay lang siya diba?"
Tumikhim ako. "Kath, h-hayaan nalang natin siya okay?"
"Okay?" Nag taas siya saakin ng kilay. "Gutom na ako Aya! Na pagod ako kaka cheer sa Silver Knight! Kain tayo?" Alok ni Kath sa akin.
"Kakakain ko lang, ikaw nalang muna hintayin nalang kita dito." Tumango siya't tinalikuran na ako.
Huminga akong malalim. Biglang sumagi sa isip ko si Lucas. Kamusta na kaya ang kalagayan niya? Huminga muli ako ng malalim at tinignan ang kamay kong pinag lalaruan ang ID ko.