(AN: Sorry kung natagalan yung updated ng Chap3, sarreh. AND PS. Ang story na ito ay walang kilig, couple momments etc. yung Chapter na to tungkol lang sa problem ng Mag amang si Lucas at Sir Lorens yun lang! You can skip this Chap. if you want pero kung gusto niyo basahin mas malilinawan ko sa mga susunod na chapters yun lang TY!)
---------------------------------------------
LUCAS's POV
"Pa, bakit umuunti allowance ko sa banko?"kunot unoo kong tanong ko kay Papa.
Walang imik sa Papa at tinignan niya lang ako.
"Pa, ano ba? Bakit nga?" Tinanong ko ulit.
"Come" pinalapit ako ni Papa papunta sakanya.
"Pa, could you please tell me nalang? You're wasting my time--"
"Listen, Lucas ang pera mo ay limitado na"seryosong sabi ni Papa sakin.
"What?!"Gulat kong reasyon sa sinabi ni Papa. Is he kidding me?! Kasi napaka samang biro nun!
Limited na ang pera ko?! And knowing na napaka yaman ng pamilyang to tapos ganto? No way!"Yes, masyado ka ng magastos, Lucas, buti sana kung kagaya ka ng mga kapatid mo tinutulungan nila ang kompanya natin lumago sa oras ng kinakailangan e ikaw? Hindi! Imbis na nakakatulong ka dagdag ka pa sa problema, listen very carefully Lucas, matagal na kitang inaaya tumulong sa company natin dahil kinakailangan ka doon, so please? Tulungan mo kami ng mga kapatid mo or else habang buhay ng limitado ang allowance mo, is it a deal?" Tanong ni Papa.
"Ano ng ngyare sa pera na inipon ni Mommy? And what do you mean? Bumabagsak na ang company natin?"
"Oo, malapit na kaya hangga't maari tumulong ka. Marami kaming pinapasok na tauhan last day kaya kumunti ang pera, at kung sasangayon kaman sa deal na sinabi ko, lalago ulit ang company natin"
"Pag iisipan ko pa"matipid kong sagot.
"Pag isipan mong mabuti Lucas, alang-alang sa Mommy mo"
Ugh! Stress na nga sa School pati ba naman sa bahay? Tch.
Pumunta na ako sa kwarto ko at ni lock ang pinto.
Binuksan ko ang phone ko..
"Kung andito ka lang.. Sana maayos pa ang lahat.." Bulong ko sa phone kung san may litrato ni Mommy.
Hindi ko maiwasang maluha sa tuwing makikita ko ang mukha niya.. Andaming ala-ala na bumabalik.. Yung masasaya.. Yung walang problema.. Lahat ayos pa..
"Kung andito ka lang 'di sana maayos pa ang lahat *sniff*" Hinayaan kong nalang tumulo ng tumulo ang mga luha ko sa mga mata ko.
*buzz* *buzz*
Text Message From Unknown.
Pinunasan ko ang pisngi kong may luha ng nakita kong may nag text sakin, viniew ko ang text message nayun at ikinagulat ko naman ang mga nabasa ko sa text nayun..
From Unknown,
Uunahan na kita hangga't maaga pa tutal malapit na ang loob niya sakin at kung May plano kang sirain ang plano ko.. Well, May the best man wins, Lucas."What the hell?! Sino to?!"Halos madurog na ang phone ko sa galit na nararamdaman ko ngayun.
From Lucas,
Whoever you are, hinding hindi mangyayari ang pinaplano mo, mark my words.
