MGC 2 : Weird Girl

1.3K 25 9
                                    

Chapter TWO

(Weird Girl)

[Xedrick’s POV]

Hay! Baliw na manghuhula. Kung anu-anong pinagsasabi.

Hay! Sa pangalan pa lang ng booth nya, "Hula mo, Hula nating Lahat", hindi na kapanipaniwala yung pagsasabihin nya. Lalo pa yung pangalan nya. Magtitiwala ka ba sa pangalan na "Madam Charing"? Nako talaga! At Lalong lalo na yung pagmumukha nya! Hindi kapani-paniwala!

Nagstop na yung bus sa harapan ko... Agad na akong umakyat sa loob nun. Isang bus lang yung layo ng school sa bahay ko. 

"May makikilala ka na makakapagpabago ng buhay mo..." 

Makakapagpabago ng buhay ko? Ibig sabihin yung tahimik kong buhay, magugulo? Argh!!!! Ano ba yan?

Ba't ko pa ba iniisip yung pinagsasabi nung pekeng manghuhula na yun???

"Makikilala mo sya at for the rest of your life ay hinding hindi mo sya makakalimutan dahil sya ang magbibigay kulay sa buhay mo..."

For the rest of your life?! For the rest of your life nya mukha nya!!!

  

Nagstop na yung bus na sinasakyan ko sa bus stop na malapit sa bahay. Mag-isa lang ako dun sa house ko since nasa states yung parents ko for business thing kasama yung sister ko na model dun sa America. Panget naman yun e, ewan ko ba kung panong naging model yun. Tss.

Bumaba na 'ko. "Hay, Walang kwentang araw..."

I'm walking down the road... Few blocks na lang naman yung layo nung bahay ko dun sa binabaan kong bus stop e.

O.O Ano 'yon? Parang may gumagalaw sa likuran ko? Pagkatingin ko... "Hmmmm... Wala naman... Guni guni ko lang siguro...” Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad...” 

Maya-maya. May naramdaman na naman ako. T@e! Ano ba ‘to! Binigla ko yung pagtingin ko sa may likuran ko and...

O_______O

M-may babaeng nasa likuran ko na... Sinusundot yung nakasabit na "angry birds key chain" dun sa bag ko...

?_____?

Waaaah! Baliw ata 'to! Kelan pa nagkaroon ng baliw dito sa village namin?

Teka. Pero impossible namang baliw ‘to... Parang dyosa yung itsura eh. Hindi ko nga lang makita yung mukha kasi tingin na tingin sya dun sa key chain e. Pero nakatirintas yung buhok nya tapos nakasuot ng kulay cream na dress. Baka kakalabas nang mental... o.O 

Hay! Baka nagwagwapuhan 'to sa'ken, ugh! alam kong gwapo ako at ito ata yung ginagamit nyang style ng pagpapapansin... Tsk! Ugh! Wala akong time sa baliw na 'to! Badtrip ako ngayon.

"Miss! Ano bang ginagawa mo?" I asked her.

Unti-unti syang nag-angat ng mukha at.. S-she's like, she totally looks like an angel. Kaso naman.. Hindi ako pumapatol sa anghel na baliw.

"U-uhmmm..." sabi nung baliw. "Ano kasi... Ang cute e. ^_______^ " dugtong nya pa habang nakangiti.

"Tss!" Nilagay ko sa tapat ko yung bag ko sa tapat ko at tinanggal ko sa pagkakasabit yung angry birds... "Oh!" inabot ko sa kanya yung key chain...

"Salamat!" Tapos abot tenga na yung ngiti nya at masaya nya pang inikot ikot yung key chain.

Tumalikod na ko para maglakad ulet. Malapit na ako sa bahay ng biglang---.

My Girlfriend is a Cyborg (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon