The Tale in Lunar

156 6 0
                                    

"Tanggapin mo na ang iyong kapalaran Artemya!"

Sa bawat sigaw ng malademonyong nilalang umaalingawngaw sa magandang kapaligiran ng palasyo.

Ang dyosa ng Archemya na si Artemya tagapagbantay ng Mahika.

Tumatakbo ang isang dyosa na puno ng takot at pagaalala.

Takot hindi para sa sarili niya kundi sa kahihinatnat ng lahat kapag nakuha ng iba ang Diamond Elestair.

Pinakawalan niya ang Malakas na force upang masaksak ang masamang dyos.

"Gorrrrrrr" daing ng demonyo

Ang Dyamante na makakapag-pabago ng lahat.

Ito ang buhay ng napaka-makapangyarihang palasyo sa Lunar.

Ito ang nagbibigay buhay sa kapaligiran na makulay at luntian.

"Tumakbo ka na artemya hanggang may nalalabi pang oras"

Isang halakhak ang pinakawalan ng napakasamang dyos.

Dahil gusto niya na siya ang maghari.

Maging dyos ng mga dyos.

"I'mi ahure sumi yura"

Ang binigkas ng dyosang si Artemya para masumpa ang kasamaang gustong kumuha sa Dyamanteng Elastair.

"D'oit Foxeri von Sik!" Sinusumpa ko ang Prinsesa ng Archemya! Babalik ako artemya! Babalik ako!"
Sigaw ng pinakamasamang dyos.

Naging bato ito at kinulong sa napakalayong sulok ng Lunar.

Pumasok si Artemya sa Ginawa niyang portal.

Ang solar kung saan ang mga dyos at dyosa ang naninirahan.

Bago siya pumasok binigkas nya ang pangontra sa sumpa ng demonyo.

Ang basbas ni Artemya sa isisilang palang na sanggol ng Archemya.

"Foxeri tejema'i"

At pumasok sa portal patungong solar.

----------------

Sa ibang sulok ng Lunar...

At sa tahimik na hating-gabi umiiyak ang kasisilang lang na sanggol na mayroong pilak na mga buhok at luhang nagiging perlas.

Habang nasa piling ng sanggol nakita ng mag-asawa ang kakaiba dito.

Pinakita ng dyosa kung paano ito nasumpa ni Keshka.

Ilang taon ang lumipas...

Nawala nalang bigla ang anak ng Hari at Reyna at nagsimula ang paghahanap sa kaniya ilang taon na ang lumipas...

The Nine Tailed FoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon