Chapter 2

80 5 0
                                    

Somaya:

"Somaya..."

Sino ka?

"Somaya..."

Ano ba itong nararamdaman ko?

"Imulat mo ang iyong mga mata somaya"

Dahil sa napakalambing na boses na nanggagaling sa aking bintana binuksan ko ang mga mata ko.

Nakikita ko ang liwanag sa aking bintana.

"Lumapit ka sakin somaya"

Umalis ako sa higaan ko at pumunta sa bintana.

Nanlaki ang mga mata ko dahil ang ganda niya isa ba siyang dyosa?

"Ako ang Dyosa na si Harume ang dyosa ng busilak na puso..."

"Dahil sa kabutihan ng iyong puso..."

Nanatili akong nakatitig sa kanya.

"Pagbibigyan ko ang iyong hiling na makita ang hinahangad mong mundo"

Ang lakas ng pintig ng puso ko.

Totoo ba talaga ang sinabi niya? Mapagbibigyan niya akong makita ang mga larawan sa mga libro?

"Oo, Halika... tanggapin mo ang aking mga kamay at ipikit ang iyong mga mata palalayain na kita sa kadiliman somaya..."

Tinanggap ko ang kanyang kamay at pumikit.

Pakiramdam na mainit pero masarap sa pakiramdam.

Humahangin at lumilipad ang aking buhok.

Hanggang sa naramdaman ko ang mga paa ko ay nakatapak sa napakalambot na sahig... Hindi ito sahig kundi mga DAMO! Ganito pala ang feeling sa damuhan!

"Imulat mo ang iyong mga mata at tuklasin ang iyong pagkatao..."

Iminulat ko ang aking mga mata.

Kahit madilim na at malalim ang gabi nakita ko kung gaano napakaganda sa paningin ko ang mga nakikita ko.

Dati hanggang tingin nalang ako.

Naluluha ako sa sobrang saya.

Di ako makapaniwala na nakalabas ako sa mansyon na yon.

"Pumasok ka sa munting bahay na yan Somaya sya ang makakatulong sayo, Paalam, sana makamit mo na ang iyong mga kahilingan"

And with that, She kiss my forehead at nawala na.

Iginala kong muli ang aking paningin.

Nararamdaman ko na ang sariwang hangin.

Matagal ko ng inasam at nabigyan na ako ng pagkakataon.

Namulat akong walang alam sa lahat.

Kinupkop niya ako pero hindi ko naramdaman sa kanya ang pagiging ina.

Bagkus, Ikinukulong niya lang ako sa malaking bahay na yon.

Ngayong nandito na ako.

Hinding hindi na ako babalik sa lugar na yon.

Paalam Hinara sana hindi na tayo magkita.

Lumakad ako papunta sa bahay na tinuro sakin ng dyosa at kumatok.

Binuksan ng isang matandang babae na may mahaba at puting buhok ang pinto.

"Halika iha, Matagal na kitang hinihintay"

Matagal ng hinihintay?

Paano niya ako nakilala?

"Ako si Presila ang babaylan ng bayan na ito. Ipinakausap ka sakin ni Haruma siguro ay nakausap mo na siya" Presila

Tumitig ako sa kanya.

May kakayahan akong makita ang Aura ng isang tao.

Puti ito , Isa siyang mabuting nilalang. Nasa mabuting kamay ako.

"Nakita ko sayong mga mata ang kalungkutan at naranasan mo sa loob ng labing anim na taon" Ms.Presila

"Para matuklasan mo kung ano ang hinahanap mo, Ito ang makakatulong sayo" Ms.Presila

Binigay niya sakin ang locket na kulay pilak at may nakalagay na Artemis.

"Para saan po ito Presila? Sino si Artemis"
Sinuri ko muna ang locket bago ito isinuot.

"Iyan ang magpapabago ng katauhan mo sa oras na makarating ka na sa bayan pero tandaan mo Somaya hindi nito mapipigilan ang sumpa sayo kapag nasisinagan ka na ng buwan" Presila

Tumango ako pero...

"Pano pong pagbabago?"

"Magiging kulay itim ang buhok mong pilak maging ang kulay ng iyong mga mata ay magiging kahel lalong lalo na ang----"

Naputol ang sasabihin ko ng naramdaman kong yumayanig ang lupa.

"Lumabas ka na dito Somaya bilisan mo! Dalhin mo narin ang dagger na ito magagamit mo yan sa kanila mga itim na babaylan. Naramdaman ng mga itim na babaylan ang malakas na Awra mo kukuhanin nila ito. Tumakbo ka na somaya!" Ms.euna

Lumabas ako ng bahay niya at Tumakbo ako ng sobrang bilis.

Presila: Gabayan ka ng dyosa mong si Artemis. Paalam magkikita pa tayong muli...

Kayang kaya kong tumakbo kahit gaano kabilis.

Nakakarinig at nakakakita ako ng malinaw kahit malayo.

Nakita ko ang buwan na tumatama sa akin. Patay.

Lalabas na naman sila.

Naramdaman ko nalang na may sugat ang isang braso ko.

At may gawa nito?

Paglingon ko nagulat ako.

Yung pangit na babaylan!

Bago ko pa naingatan ang balat ko? Putlang putla na kaya ng balat ko! Kauri ko na si Snow white :3 Ilang taon ba naman ako nakakulong sa lugar na yon -,-

"Gusto ko ang awra na meron ka. Hi.hi.hi"

Umaalingawngaw sa buong kahuyan ang tawa nila.

Nang akmang hahawakan na niya ako nahiwa ko sya ng dagger.

"Hindddeeeeee ipaghiganti mo ako aking kapatid!!!"

At biglang naging abo siya naramdaman ko namang mga lagaslas ng mga damo na tila papalayo.

"Dont.Dare.Touch.Me" Sabi ko. Ayoko sa lahat hinahawakan ako.

Umupo ako at nagpahinga.

"Uggghhh!"

Ang sakit.

Sobrang sakit ng pagkakasaksak niya sa isa sa mga buntot ko.

Ito ang nagpapahina sakin, ito ang ginagamit ni Hinara saking parusa kapag lumalabag ako sa mga gusto niya.

Tumakbo pa ako.

Ang Siyam kong puti na mga buntot ang kahinaan ko.

Hinang hina na ako.

Pag nasisinagan ako ng buwan kumikinang ang buong katawan ko lumalabas ang mga puti na buntot ko.

Ito ako kapag lumalabas na ang buwan.

Mabuti nalang lumiliwanag na.

Kaya nawala na sila nagbago narin ang anyo ko.

Nakita kong itim narin ang buhok ko.

Napaluha ako sa sakit at tumulo ang mga perlas galing sa mga mata ko...

Bago ako mawalan ng malay...

Nakita ko ang pares na bughaw na mga mata at nagdilim na ang buo kong paligid.

The Nine Tailed FoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon