Somaya:
Lahat ng nabubuhay sa mundo ay may Kalayaan.
Pero bakit ako? Wala akong kalayaan?
Para akong isang ibon na nasa loob ng hawla...
Labing anim na taon akong hindi nakikita ang labas...
Dahil ba malas ako?
Bakit?
Anong ginawa ko? Bakit hindi ako pwede sa labas...
Lahat ng tao ay may kalayaan.
Bakit ang isang tulad ko ay wala?
Ni hindi ako makatapak sa luntiang lugar sa harap ng bahay namin.
Mahawakan ang magagandang bulaklak.
Tumakbo kahit saan.
Umupo sa mataas na puno.
"Somaya Eris Sakura! Bumaba ka na maghahapunan na tayo!" mama
Tumingin ako sa salamin nakita ko ang malapilak at maalon kong buhok na sinabayan ng Kulay abo kong mga mata pag nasisinagan ako ng buwan.
Buti pa ang buwan nasa itaas malayang lumilibot sa mundo...
Bakit? Bakit nararamdaman kong may hinahanap parin ako.
Bakit nararamdaman kong kulang ako?
Bumaba ako.
Nakita ko siya na nakakunot ang noo na tila alam na ang sasabihin ko.
"Hinara gusto kong lumabas, gusto kong makita ang labas! Bakit ayaw mo kong makita ang mundo?!" Sigaw ko sa kanya.
Galit na galit ako!
Hindi ko alam kung ano itong mga nararamdaman ko!
Halo halo na.
Lalong nangunot ang kanyang noo at nagdilim ang kanyang muka.
"Hindi ka kakain ngayon Somaya! Umakyat ka na sa taas!"
Tumakbo ako patungo sa aking kwarto at umiyak.
Sa bawat pag-tulo ng luha ko nagiging perlas ito.
Nagiging perlas lang ang luha ko kapag malungkot ang nararamdaman ko.
Bakit ganto ako? Bakit? Bakit meron akong siyam na puting buntot? Bakit meron akong silver na mga mata at buhok? Kaya ba ayaw niya akong makita ang labas?
Gusto kong makita ang labas...
Gusto kong magkaroon ng tinatawag nilang kaibigan...
Pumasok sa academya na nakikita ko sa mga libro...
At yung tinatawag nilang Pagmamahal gusto kong makita...
Dahil ito daw ang pinakamakapangyarihang bagay sa mundo. Sobrang ganda ba nito?
Dahil ito daw ang makapagbibigay sayo ng kasayahan na walang hanggan.
Gusto ko makita para magkaroon ako ng Kasayahan.
Ang mundong ito na puno ng mahika.
Bakit hindi ako pwedeng lumabas?!
Dahil ba hindi ako normal?
BINABASA MO ANG
The Nine Tailed Fox
FantasySomaya Eris Sakura a girl that is hoping to step on the grasses and have a freedom. Until, One Day her dreams came true. And being on faith gives her the right fate. -Fantasy Romance