PROLOUGE

63 1 0
                                    

Mahigit 3 months na din pala kaming hiwalay ni Kisler.

Noon palang alam ko ng mahirap mag move on. Tama naman di ba? Kaya nga naiinis ako sa sarili ko kung bakit pumasok pa ako sa isang relasyon. Alam ko namang masasaktan lang ako ng PAULIT-ULIT . Sabi nga ng teacher ko sa Values Ed, wala naman daw talagang madaling break up. Pero nasa sa'yo kung papadaliin mo yung pag momove-on mo. Dapat laging nasa isip mo na LIFE MUST GO ON.

Laging nagtataka yung mga kaibigan ko kung bakit hindi ko pa siya nakakalimutan ee pansamantala lang naman yung relasyon namin ng Ex ko. 2 weeks nga lang ata na naging kami at long distance pa.haha. Funny right ? NOT !

Nagtataka rin ako kung bakit ako pumayag sa hinihingi sakin ng mga kaibigan ko na ishare ko daw yung mga nararamdaman ko. Ito daw kasi ang best way to get things over. Para maging malinaw na rin lahat sakin. Naguguluhan pa rin kasi ako kung mahal ko ba siya kaya namimiss ko siya o namimiss ko lang siya pero hindi ko naman na talaga siya mahal? Ang gulo noh !!

Siguro kung nandito siya ngayon, magiging malinaw lahat para sakin. Kaso hindi ee. Wala siya dito. Kailangan ko siya. Ako kaya kailangan pa rin niya o may iba na siya?

PansamantagalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon