CHAPTER TWO

35 2 0
                                    

Monday na naman! Pasok mode na nga ako ee. Sana lang walang traffic para hindi malate. Pinakamasamang part dun yung pag nahihinto yung sasakyan mo sa tapat ng Jollibee.Hhaha. Nakakapang-akit lang!

Sa awa naman ng Diyos nakarating ako sa school ng ligtas! Pero yung eardrums ko basag agad! At mukang kaaga-aga maninermon ako ahh!Pano ang kalat sa labas

 Grabe tong mga classmate ko.. SUPER INGAY TALAGA. Happy naman ako kasi kahit maiingay yang mga yan, sinusunod pa rin naman nila ako. Maganda nga kasi ako! haha. JOKE!haha.

[ A/N; miss ko na mga classmtes ko nung 3rd year ohh ]

" KYYAAHH! GIRL! ANG GWAPO NI KISLER! DI BA? DI BA ? " yan ang pabungad sakin ni En. I forgot to tell you guys na bakla yan. Malanding bakla! haha. But I love him.

" BAKIT BHE? NAKITA KO? NAKITA KO? KASAMA NIYO KO? KASAMA ? HINDI DI BA ? " sarcastic kong sagot sa kanya. Hindi ko nga kasi nakita ee.

" AHHY OO NGA PALA . K.J. ka nga pala! " sagot naman niya sabay walk-out!haha. Yaan mo nga siya.

Parang curios tuloy ako kung ano ba talaga ikinagwapo nung Kisler na yun ee. Sayang kasi hindi ko nakita. CHOOSS!!

At dahil sa pagiging curios at mapang-asar ko. Pinilit ko si En na ibigay sakin yung number nung Kisler para makilala ko. Pero niloloko ko lang naman siya. Nagalit nga kasi aagawin ko na naman daw gaya ni Eros na type na type niya na naging ex ko.

Syempre! Dahil sa ayaw talaga niya. Hindi ko na pinilit napipikon na ee! Atska hindi naman ako interesado. CURIOS LANG!

--

Half day lang pala klase namin ngayon kaya we decided na kila Jane nalang kami maglalunch! Pero syempre bibili kami ng sarili naming mga ulam. Hindi naman ganun kakapal mukha namin ee! Medyo lang!

Habang naglalakad kami, pinipilit ko sila na bilisan maglakad. Kasi naman ang init-init kaya. Wala pa akong umbrella-ella-eeh-ehh. 

 At dahil sa sobrang alibadbad ko sa sobrang kainitan, sinisi ko na lang yung buhok ko. haha. Kaya ayun niyaya ko yung mga tropa ko sa hair clinic para magpagupit ng buhok.haha. Kaya nga kawawa hair ko pag tag-init.

Habang bino-blower yung buhok ko. May napapansin akong guy mula dun sa reflection sa salamin. Parang familiar yung mukha niya. Parang nakita ko na. Hindi ko naman maituro sa mga tropa ko kasi busy sila sa pag boboy's hunting sa labas nasa tapat lang kasi kami ng isa pang school. Sorry naman. Hobby na nila yan ee.

Natatawa nga ako sa baklang nag gugupit sakin kasi panay tanong kung san daw mas maraming Pogi . Sa school daw ba namin o dito sa kabilang school. Loko neh! Tapos nagulat siya nung sinabi kong may bestfriend ako jan sa campus na yan na lalaki na gwapo. Ilakad ko daw siya. PATAWA. Takot nga sa bakla yung bessei ko na yun ee.

--

 Medyo hapon na pala. Pagkatapos namin kumain kila Jane, nagharutan nalang kami dun. Ang kalat nga ng bahay nila ee. Nung magdidilim na nagkayayaan na kaming umuwi.

 Naglalakad na ko sa abangan ng sasakyan para makauwi na pero inaalala ko pa rin yung face nung guy na tumitingin sakin kanina. Yung sa hair clinic. Nakita ko na talaga yun ee!HMMP ! BAHALA NA NGA..

--

Kinabukasan, pagpasok ko sa room namin agad na sinalubong ako ni Chris hawak-hawak yung cellphone niya.

" Hoy! kinukuha ni Kisler yung cell number mo kagabi sa cp ko! Parang tanga!  Tinatago ko na nga kinukuha pa din.Pero di ko pa rin binigay. bahala siya!" agad na sabi niya.

Si Kisler, yung pinsan niya? Pano naman niya ko nakilala?

" Pano naman niya ko nakilala ee hindi pa nga kami nagkikita ? " naguguluhang tanong ko sa kanya habang nilalapag ko yung bag ko sa desk ko.

" Nakita ka na daw niya ! " sabi naman sakin ni Chris.

Ako? Kelan? Siya siguro yung guy na nakita ko sa hair clinic.Agad ko naming tinanong kay Chris kung san ako nakita nung pinsan niya. At yun! Mali yung hinala ko. Kasi nakita lang daw niya ko sa pic. Nakadisplay kasi yung picture ko sa bahay nila Chris. Picture namin nung Prom night.

" Ahh.. Ikaw ? bahala ka. " sagot ko sa kanya. Nakita kong dumating na si En kaya naman agad akong sumigaw.

" AHH SIGE BIGAY MO KAY KISLER YUNG NUMBER KO KUNG HINIHINGI NIYA ! "haha. Pang-aasar ko  kay En. Agad siyang lumapit sakin at sinabunutan ako!

" Akin lang si KISLER!  AKIN LANG ! "  haha. pasaway talaga. Sarap asarin  ee. Ganyan lang talaga kami mag lambingan.

Si Chris naman agad lumayo samin tapos singaw niya na ayaw daw niyang ibigay kasi baka daw isumbong ko sa pinsan niya yung mga kalokohan niya. Okay lang naman sakin kahit hindi kami maging magtextmate nung Kisler na yun.i don't care. Pinipikon ko lang naman si En.haha

--

Ngayon na yung araw ng family reunion nila Chris at gaganapin daw yun dito sa malapit na resort samin kaya pinipilit niya kong pumunta daw dun. Ayaw ko naman kasi nga Family Reunion nila yun! Anong ganap ko din? CHIMAY? haha.

Pero ayun, Magtatampo daw siya pag hindi ako pumunta kaya wala rin. Napapunta din ako.

That time ko nakilala si Kisler personally. Nagulat nga ako nung iniwan kami bigla ni Chris sa cottage. As in kaming dalawa lang. As usual tahimik. At dahil ako'y madaldal talaga. Ako na nag open ng topic. Hindi ko alam pero parang alam niyo yung AWKWARD? haha. I feel that.

Maslalo pang naging AWKWARD nung lumapit samin halos yung mga kamag-anak niya at tinanong kung gf daw ako ni Kisler! OHH MYY . For sure parang natapunan na ng red paint yung muka ko sa sobrang hiya. Kainis kasing Chris na toh! Dinala pa ko dito!

AT MAS AWKWARD PA! nang lumapit samin yung mommy miya. And guys ! Yung mommy niya. Yun yung girl na katabi ko sa hair clinic so it means !

SI KISLER TALAGA YUNG GUY NA NAKITA KO !

 Hayy. Hindi ko na kinaya yung happenings kaya iniwan ko si Kisler sa cottage at naligo ako sa dagat. Agad kung nilapitan si Chris na nakikipag harutan sa mga pinsan niya. Binulungan ko siya na umalis na kami dito.

Agad naman siyang umahon. Pero sabi niya samahan ko daw muna sila mag stroll ni Kisler para mabinyagan na daw yung bagong motor ni Kisler! OHH GOD! Take me now ! Gusto ko sanang tumaggi kasi talagang nahihiya ako kay Kisler. Ewan ko kung bakit! Pero wala ee.I

---

Kung san-san lang naman kami napad-pad. Masaya grabe ! Kahit na tanghaling-tapat tapos hindi pa ko nakakapag banlaw. Di ba nga kasi naligo din ako ng dagat. Nag aasin na yung balat ko ee. Kaya bago ako umuwi nakibanlaw muna ako kila Chris. Nanghiram nalang din ako ng damit.

Nakabalik na kami sa resort. Pero umalis din ulit si Kisler kasi may inuutos daw tito niya sa kanya.Pero bago siya umalis kinuha niya muna number ko at h'wag daw muna akong aalis dahil ihahatid daw niya ko pauwi.

At dahil makulit ako. Hindi ko sinunod yung sinabi niya. haha. Nakakahiya kaya.Pero nung naglalakad na ko pauwi. Kamalasmalasan, nakasalubong ko naman siya. Kaya ayun mahaba-habang usapan. Pinipilit niya ko na ihahatid niya nga daw ako. EE ang lapit nga lang ng bahay namin!

In the end ! ako panalo sa dibate! haha. Pinabalik ko nalang siya dun sa resort.

Yan yung day na una kaming nagkakilala. Pero unang nagkita matagal na pala.. haha. Grabe talaga. Siya yung guy sa hair clinic .

PansamantagalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon