Simula nung day na nagkakilala kami ni Kisler, naging malapit na kami sa isa't-isa. Bawat araw na darating maslalo ko siyang nakilala. Mabait pero gago, tahimik pero loko-loko, magala,mabarkada, may mga bisyo din siya. Hindi ko nga alam bakit.. hmmm. Lets say i'm starting to like him. Hindi ko alam kung bakit pag hindi ako nakakarecieve ng text niya, parang hindi kumpleto yung araw ko.
Lalo na nung pumunta siya sa Pampanga. Bago siya umalis nun nag volunteer siya na ihatid si Chris sa school para makapag paalam din daw siya sakin.haha. Parang kami ahh! Pero kinilig ako dun huh! CHOOSS!!
Bago siya umalis bigla kong kinuha yung sombrero niya at ipinalit ko sa gamit kong cap.
Pero nagtaka ko dahil the following days, hindi na siya nagtext sakin. Syempre concern lang din ako sa tao kasi baka may masamang nangyari. Si Kisler kasi, when it comes to the way he dress up. Para siyang gangster kaya talagang hatak siya sa away. Oh di ba? Ganun ko na siya agad kakilala.
--
One day, I heard na nakabalik na raw siya sa kanila. Pero hindi pa rin niya ko tinitext.
Nagulat nalang ako nang bigla niya kong tinext at sinabing nasa malapit daw siya sa bahay naim. Dali-dali naman akong bumaba. At yun . Nandito na nga siya.
Nagsorry siya sakin dahil nung nasa Pampanga daw siya, nalowbat daw cellphone niya at naiwan daw pala niya yung dharger niya. I told him na okay lang yun sakin.
Gusto daw niyang makabawi kaya niyaya niya kong gumala. Pumayag naman ako. Pero sabi ko sa kanya na daanan naming si Chris sa bahay nila para may kasama kami. Hirap naming gumala ng kaming dalawa lang di ba ?
Habang nasa bahay kami nila, binulungan ako ni Chris na nandito din daw yung girl na may gusto kay Kisler. I just gave her I-DONT-CARE-LOOK ! Ano namang paki-alam ko. Hindi ko naman inaagaw si Kisler di ba?
Bago ako umagkas sa motor ni Kisler, nakita ko yung girl na sinasabi ni Chris, parang galit na nakatingin sakin. At dahil mabait ako. I also gave her that MAMATAY-KA-SA-INGGIT-LOOK ! haha.
--
Nag gala lang kami. Ang dami ko ngang tawa nung huminto kami para bumili ng iinumin. Pano tong baliw na Kisler nagtanong ba naman ng softdrinks sa GASOLINE STATION . Hay naku ! Hanggang pag-uwi ko sa bahay hindi ko makalimutan yung kalokohan niya na yun .
Then another day, nagkayayaan kami nila En na pumunta sa bahay nila Chis kasi nga daw namimiss niya si Kisler NIYA ! haha. Hindi ko pa rin naikkwento sa kanya na close na kami nung boylet niya.Sorry naman.
Pagdating namin sa bahay nila. Agad na nakita ko si Kisler sa labas ng bahay nila. Bagong gising nga lang ata pano singkit yung mata. Sabagay singkit naman po talaga siya! Yung tipong pag ngumiti wala ng mata.
[ A/N; ohh how I miss his smile. His eyes TT__TT ]
Okay. Nagpakaemo si miss author. Sakit nga naman kasing balikan ng nakaraan ..
Lets go back to the story!
Nakita kong niyayaya si Kisler nung mga kapit-bahay nila na mag shot daw. Ano naman sakin di ba? Alangang pigilan ko. Ano ako girlfriend.
Tapos nagulat ako nung bigla siyang pumasok sa loob. Sa parang garahe kasi sila nag iinuman.
Pagpasok niya kumuha agad siya ng kawali. Magpprito ata siya ng itlog. Bigla siya sumigaw kung nasan daw yung mantika.Hindi naman sugot si Chris kasi war daw sila. Dahil saan? ewan. haha.
Nagulat nalang kaming lahat nang biglang may naamoy kami na something na maalat. Agad akong pumunta dun sa kusina. At lokong Kisler! Ginamit na mantika yung PATIS ! guys! I repeat PATIS as in FISH SAUCE ! whahahaha.
Yun na ata yung pinaka malakas na tawa ko sa buong buhay ko. WOW. O.A. ko NAMAN! Then maya-maya. Inutusan niya yung kapatid ni Chris na bumili ng asin. At lokong bata ang binigay kay Kisler DALAWANG YELO! Naku naman! At dahil sa puro kapal-pakan hindi nalang siya nag luto. Wawa naman,
Sandali lang kaming nag stay nun sa bahay nila. Natawa lang din ako dahil bago ako umalis titig siya ng titig sakin kaya ayun sumabit yung slippers niya dun sa mga wire. Tinawanan tuloy siya ng mga kainuman niya.Ako naman palihim lang din na tumatawa, kausap ko kasi yung kainigan ko sa phone that time.
OKAY. BUO NA ARAW KO. CHOSS!
Pag-alis namin dun. Tumambay muna kami nila En sa Baywalk. Nung medyo mag gagabi na nagtext sakin si Kisler na hwag daw akong aalis kung nasan ako dahil siya daw maghahatid sakin pauwi sa bahay. Syempre hindi ako pumayag kasi nga nakainom siya tapos kaming dalawa lang. NO WAY!. Pero nung sinabi niya sakin na magtiwala daw ako sa kanya dahil hindi niya ko ipapahamak. Pumayag na ko.
Mabilis siyang magpatakbo nung gabi na yun. Binulungan ko pa nga siya na masyado siyang nagmamadali baka kako may date siya. Pero sabi niya wala naman daw.
Nakauwi naman ako ng ligtas at agad siyang nagtext sakin na pagkatiwalaan ko nga daw siya dahil hindi niya ko ipapahamak.
Simula nung araw na'yon, maslalo kaming nagging close sa isa't-isa. Nakakagala na kami ng kaming dalawa lang. I think its safe that I gave it to him.. YUNG.
.
.
.
.
.
TIWALA KO SA KANYA.

BINABASA MO ANG
Pansamantagal
Teen FictionThis story po is for my friends na gusto pong malaman kung paano at bakit kami nagkahiwalay ng EX boyfriend ko. Kung bakit ko nagawang makipag-hiwalay sa kanya kahit alam ko sa sarili ko na mahal ko siya.Teka mahal ko pa nga ba siya ? EWAN ! Basta...