CHAPTER FIVE

17 1 0
                                    

ALMOST 3 MONTHS NA NGA. GAYA NG SABI KO SAINYO KANINA.

3 months na kaming wala, pero sa totoo lang hanggang ngayon, pinagsisisihan ko pa rin yung nagawa kong pangangaliwa sa kanya. Kahit na ilang beses kong nilalagay sa utak ko na siya din naman yung may kasalanan, wala ee. Pilit pa ring sumisigaw yung puso ko sa sakit.

Ang tanga ko nuh. Kung kelan wala na kami tsaka ko lang marerealize na mahal ko pala siya. Mahal na mahal ko pala siya. How pathetic di ba? Ang tanga ko kasi ee.

 Nung nagbreak kami, wala na akong kabala-balita sa kanya. Twing makikita ko yung pinsan niyang si Chris, lagi kong tinatanong kung nasan na ba si Kisler, kung kumusta na ba? nakauwi na ba sa kanila? nagtext ba sa kanya?.. Pero .. WALA...kahit siya mismo wala pa rin daw balita. Pati yung mga classmate ko na nakakakilala sa kanya tinanong ko na, pero wala talaga.

Hindi ko alam kung tinataguan niya ba ko? Ginagantihan niya ba ko. Kasi sa totoo lang, panalo na siya. Kasi nasasaktan na ko ng sobra-sobra.

Nung nagbreak kami,marami na ring nanligaw sakin. Pinayagan ko sila para na rin mabaling ko yung atensyon ko sa iba, pero nag end pa rin sa pambabasted ko sa kanila. Ang sakit tanggapin na may nasasaktan ako dahil sa kanya. Na sa kahihintay ko sa kanya, may naiiwan at nasasaktan pa kong iba.

Pero sino nga ba ako para masaktan, ee in the first place. Ako yung nanloko, nagpaasa at nang iwan.

PansamantagalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon