Dear Journal,
Ayoko na! T.T
Ayoko nang mag-aral sa Star Academy.
Please lang.. sana panaginip nalang ang lahat ng ito!
(T____T)
Bakit??
Bakit ako pa?
Bakit siya pa??
---
Napaka-nonsense ba ng mga pinagsusulat ko?
---
Ang hirap lang kasi talaga tanggapin na siya ang partner ko sa PE.
Si Liam ang tinutukoy ko...
Oo. Siya ang partner ko sa PE para sa buong taon!
WASAK na ang mga pangarap ko. huhuhuhu.
---
Pano ko siya naging partner?
----
Ganito kasi yun:
Nung PE na namin, pagkatapos naming magbihis ng 'Magic Friends" sa locker room, dumiretso na kami sa school gym.
Masaya ako kasi, pumayag na si Chelsea magpartner kami..
Kaso..
Nung dumating na kami sa room, sinabi ng PE Instructor namin na dahil sa pantay ang number of boys and number of girls sa klase namin, gusto niyang lalaki at babae ang magkapartner.
Medyo nadisappoint ako. Naisip ko na okay lang. Magpapaturo nalang parin ako sa mga kaibigan ko..
Ang problema...
Para daw fair... hindi kami ang pipili ng parner namin kundi bubunutin namin ang pangalan ng makakapartner namin.
Ang girls lang ang bubunot ng pangalan at ang pangalang mabubunutan namin, iyon na ang magiging partner namin.
Ipinagdasal ko talaga na sana si Xander nalang ang mabunot ko para naman maging masaya ako....
Sa kasamaang palad....
Nabunot na ni Sofia ang pangalan ni Xander!
Natakot ako..
Wala na akong pag-asa.
Naisip ko na bahala na si Lord kung sino man ang mabunot ko..
at ayun na nga.. ang nabunot ko ay:
"William Enriquez"
(O_____________________O)
Isang malaking W-H-A-T?????!!!!!!!!
Si Liam ito diba?!!!
Pa'no yun? Pa'no ko sya maaapproach kung si Xander lang ang gusto niyang kausap at kasama?
Paano kami magko-collaborate para sa practicum namin?
Nadismaya ako pero nilapitan ko parin siya nung sinabi ng instructor namin na "be with your partners"..
Sinubukan kong mag-hi at magpakilala..
Pero mukhang hindi niya yata ako nakita kasi hindi niya ako sinagot.
Nagpakilala ako, "Ako nga pala si Candace Manansala ako ang magiging partner mo, ikaw si Liam Enriquez diba?"
Langya journal! Hindi ako kinibo. >_<
---
Nang magsimula ng magdiscuss ang guro namin.. Hindi nakikinig si Liam. Naka-earphones siya. Pano niya malalaman ang mga sinasabi ng instrutor namin kung hindi siya nakikinig??
BINABASA MO ANG
Journal ni Candace
JugendliteraturExcited si Candace kasi papasok siya sa Star Academy, isang famous elite school. Sinimulan niyang gumawa ng isang journal. Doon niya ilalagay lahat ng memorable experience niya sa bagong eskwelahan. Magkakaroon kaya siya ng mga kaibigan? Makakahana...