Dear Journal,
Malapit na ang katapusan ng buwan kaya puspusan na ang pag-eensayo namin ni Liam.
Dahil pagod na ako kada uuwi ako ng bahay, hindi na ako masyadong nakakapagsulat dito sa journal.
Sa araw-araw na pumupunta ako kina Liam, masasabi kong naging kumportable na ako sa bahay nila. Dun na nga ako kumakain ng dinner minsan. kapag natatagalan kami matapos magpractice.
Minsan, hindi namin namamalayan ang oras dahil masyado kaming determinadong matapos na ang routine namin para pag-polish nalang ang puproblemahin namin.
Masyadong makulit si Trixie kapag nandun ako sa bahay nila. Kada breaktime namin, kinakamusta niya ako at nagkukwento siya ng kung anu-ano.
Nagpapa-advice din siya tungkol sa crush niya. Gio daw ang pangalan. Sinabi ko nalang na hindi ako marunong magbigay ng advice dahil nga nbsb pa ako..
Sabi naman ni Trixie, parehas lang daw kami ng kuya niya, wala pa ding nagiging girlfriend ang kuya niya, dahil wala naman daw itong nililigawan.
Aloof daw ang kuya nito sa mga babae, ang dami na nga daw nagkandarapang mga babae sa kuya niya pero walang pakialam si Liam sa kanila.
Meron pa nga daw mga babae na sila mismo ang nanliligaw kay Liam pero umuuwi lang din silang luhaan kasi napakasuplado ni Liam sa kanila.
Sabi din ni Trixie sa akin, mapagmahal naman daw talaga ang kuya niya pero hindi lang siya "showy" ng affection.
Napakamaalaga niya daw na kuya..
Lahat ng iyan nalaman ko sa mga usapan namin ni Trixie tuwing pumupunta ako sa bahay nila.
Kapag andiyan naman si Liam, focused lang siya sa pag-eensayo, ayaw niyang magkwento sa akin at hindi niya ako kinakausap kung hindi tungkol sa practicum at sa routine namin ang topic.
Kahit ganun, okay lang naman sa akin kasi atleast hindi niya ako pinagsusupladuhan. Napansin ko nga, na habang tumatagal eh nawawala na yung suplado factor niya...
Oo, hindi parin siya palakibo, pero may pagka-gentleman na siya kahit papaano. Tuwing darating kami sa bahay nila, pinagbubuksan niya na ako ng pinto ng kotse at pinauuna niya na ako sa pagpasok sa bahay.
Nagpapahanda na rin siya sa maid ng pangmeryenda.
---
Kanina sa English, lumapit sakin si Xander at kinamusta niya ako.
Hindi ko alam pero parang nainis ako sa kanya kasi ngayon niya lang ulit ako pinansin.. Sa ilang araw na iniwasan niya ako, ngayon niya lang ulit ako kinausap.
Sinabi niya na kung pwede ba daw eh sabay kaming magmeryenda sa labas pagkatapos ng school.
At dahil wala naman kamin practice ni Liam kanina dahil sinabi niyang may importante siyang pupuntahan, pumayag na rin ako.
---
Habang kumakain kami ni Xander, tinanong ko siya kung bakit niya ako niyaya na kumain sa labas.
Ang sagot niya... namiss niya na daw kasi ako.
Tama ba yung narinig ko?
Namiss niya ako?
Hindi ko alam ang sasabihin ko sa sinabi niya.
Napansin niya siguro yun kaya nag-explain siya.
Gusto niya daw ako.
Simula palang daw, may gusto na siya sa akin.
Hindi niya alam kung anong meron sakin pero wala pa daw ibang babaeng nagpatibok ng puso niya gaya ng ginawa ko. Kaya daw niya ako iniiwasan nitong mga nakaraang araw dahil naisip niya na baka wala lang ang nararamdaman niya. Pero hindi niya kinaya, kaya nga niya ako kinausap.
Hindi parin ako makapagsalita dahil hindi pa nagsi-sink-in sa akin lahat ng sinabi niya.
Alam ko naman kung anong sinabi niya, para lang kasi talagang guni-guni ko lang yun.
Nung napansin niyang hindi ako umiimik o nag-re-react man lang, nagsalita siya ulit. Tinanong niya ako kung papayag ba daw ako na ligawan niya ako..
Haay. Sabi nga sa isang kanta, kung panaganip lang lahat ng ito, ayoko nang magising..
Para talagang panaginip ang mga nangyayari, pero alam ko na naghihintay siya ng sagot kaya sinagot ko siya ng oo, at sobra siyang natuwa..
Sinabi niya pa na gusto niya na daw magsimula ngayon.
Kaya nga pagkatapos naming kumain at dahil gumagabi na rin, nagpresenta siyang ihatid ako dito sa bahay.
---
Nililigawan ako ni Xander.
Ang haba naman ng hair ko!
Sa dinami-dami ng babaeng humahanga at nagpapansin kay Xander, sa akin pa siya nahulog.
Sadyang pinagpala lang siguro ako ni Lord..
Sa loob-loob ko, gusto ko na agad sagutin si Xander. Gusto ko rin naman siya at magiging masaya ako kapag naging boyfriend ko na siya.
Kaso, baka kung ano ang isipin ng mga tao tungkol sa akin.
Baka isipin nila na easy to get ako.
Bibigyan ko nalang muna si Xander ng chance manligaw. Para maramdaman ko naman kung ano ang feeling ng nililigawan.
Pasensya naman. NBSB eh.
---
Nag-group chat kami ng Magic Friends sa FB.
Ikinuwento ko sa kanila ang pag-amin ni Xander.
Siguro kung maririnig ko lang ang boses nila sa mga tina-type nila, nabingi na ako. Naka-CAPSLOCK na nga, may mga exclamation points pa! Hahaha.
Sabi ni Danica, matagal niya na daw talagang naisip na kami talaga ni Xander ang para sa isa't-isa.
Nagulat naman ako dahil tumutol si Chelsea. Napansin niya daw kasi nitong mga nakaraang araw na nagiging malapit kami ni Liam. At para sa kanya, kami daw ni Liam ang bagay sa isa't isa. Nahuhuli niya pa nga daw si Liam na nakatingin sa akin nung minsang kumakain kami ng barkada sa Canteen.
Dumagdag pa si Althea na nakikita niya na rin daw na ngumingiti si Liam simula ng magsama kami dahil sa PE.
Para sa kanya, kahit kanino daw kina Xander at Liam ang makatuluyan ko, magiging masaya daw siya para sa akin at susuportahan niya daw ako.
Sabi ko naman, hindi naman ako bagay, tao ako.. xD
Tinawanan ko lang lahat ng sinabi nila at iniba ko nalang ang topic. Marami pa kaming pinag-usapan hanggang sa nagpaalam na sila dahil antok na daw sila.
---
Sa totoo lang, napaisip ako sa sinabi ni Chelsea kanina. Napansin niya rin pala na medyo nagbago si Liam.
Hindi ko naman talaga iniisip na dahil sa akin yun.
Pero yung sinabi ni Chelsea na nahuli niyang nakatingin sa akin si Liam nung minsang kumain kami sa canteen? Baka naman nagkaton lang yun.
Pero tama din si Althea, nakikita ko na ring ngumingiti si Liam.
Natutuwa ako na kahit papano nagbago na si Liam. At hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko, isa nga ako sa mga dahilan.
xoxo,
Candace <3
BINABASA MO ANG
Journal ni Candace
Teen FictionExcited si Candace kasi papasok siya sa Star Academy, isang famous elite school. Sinimulan niyang gumawa ng isang journal. Doon niya ilalagay lahat ng memorable experience niya sa bagong eskwelahan. Magkakaroon kaya siya ng mga kaibigan? Makakahana...