Dear Journal,
Hindi parin ako nakaka-getover sa mga pangyayari nung Acquaintance Party.
---
Pero mas lalong hindi ako maka-getover sa mga nangyari kanina...
---
Akala ko, hindi big deal para sa mga mayayaman kung sino man ang maparangalang Acquaintance Prince and Acquaintance Princess..
Pero, nagkamali ako...
Pagkarating ko sa school, halos lahat yata ng mga kaklase ko bumati sa akin ng "good morning". Ang babait nila sa akin. Meron pa ngang nagbigay ng mga flowers. Mga kaklase kong lalaki na ngayon ay mga tagahanga ko na daw..
Ang ganda ko daw kasi talaga.
Ang haba naman ng hair ko!! hahaha.
Dahil lang sa ayos ko nung party nagbago na ang pakikisama ng mga kaklase ko sa akin?
O______O
Masaya naman ako.. Sino ba naman ang hindi matutuwa kapag hinahangaan ng mga tao diba?
Pero simula ng marami na ang nakakapansin sa akin at marami na rin ang gustong makipagkaibigan, hindi na ako pinapansin ni Xander.
Hindi ko alam kung talagang nabusy lang din siya kasi siya ang Acquaintance Prince at gaya ko, marami rin ang lumalapit sa kanya o ayaw niya lang talaga akong pansinin..
Nung nagkasalubong kasi kami sa hallway kanina, napa-"hi" ako sa kanya at may ngiti pang kasama.. pero parang wala siyang nakita.. hindi niya ako pinansin..
Wala naman siyang kasama at alam kong nakita niya ako.. pero ba't ganun?? Ba't hindi niya ako pinansin? Kahit na nginitian niya lang ako.. masaya na ako eh..
---
Nung PE time na namin, inatasan kami ng aming PE instructor na sumama sa aming mga partner.
Lumapit ako kay Liam.
Naalala ko parin ang ginawa niya para sakin nung Acquaintance Party..
Dinala ko din ang blazer na pinahiram niya sa akin nung gininaw ako..
Nilabhan ko pa yun kasi nakakahiya naman kung ibabalik ko lang na hindi nalalabhan diba?
Nung sinubukan ko ng ibalika ng blazer, sinabi niya sa akin na ayaw niya na daw sa blazer na yun at akin nalang daw iyon.
Aanhin ko naman ang blazer na panlalaki?
---
Ipinagbigay-alam sa amin ni Sir Valdez na sa katapusan ng buwan na kami magpe-perform ng unang practicum namin.
Naku kailangan na talaga naming magpractice ni Liam.
Kinausap ko si Liam at nagulat ako ng sumasagot siya kapag tinatanong ko siya.
Hindi siya nagmatigas o naging suplado. Tipid siyang sumagot pero nakikipagtulungan siya sa akin sa pagpapaplano para sa practicum.
Sinabi kong hindi kami makakapractice sa bahay dahil wala kaming malaking lugar kung saan pwede kaming makagalaw-galaw.
Iminungkahi ko nalang na sa school na lang kami mag-eensayo. Sinabi ko na tuwing uwian nalang kami magpapraktis sa may gym..
Pero hindi ko inasahan na iaalok ni Liam ang bahay nila upang doon kami makapag-ensayo. Malaki naman daw ang bahay nila.. at walang problema kung doon kami magpapraktis. Wala na akong nagawa kundi ang sumang-ayon sa suhestiyon niya. Mas mabuti pa kasi yun kesa sa naisip ko.
BINABASA MO ANG
Journal ni Candace
Teen FictionExcited si Candace kasi papasok siya sa Star Academy, isang famous elite school. Sinimulan niyang gumawa ng isang journal. Doon niya ilalagay lahat ng memorable experience niya sa bagong eskwelahan. Magkakaroon kaya siya ng mga kaibigan? Makakahana...