Entry 1: "First Day High"

38 1 0
                                    

Dear Journal,

Sabi ko sa'yo i-shi-share ko ang mga nangyari sa school kanina diba?

So eto na.

Ililista ko lahat ng naobserve ko kanina:

-Ang ganda ng Star Academy. Sobra! (>.<)

-Ang babait ng mga professors.

-Ang gugwapo at ang gaganda ng mga studyante!

-Naka-aircon ang lahat ng classrooms

-May swimming pool sa building ng school gym

-Napakasosyal ng canteen doon. Pangmayaman kasi (ang mga stalls, Jollibee, McDo, Starbucks, etc.)

Yan. Ilan lang yan sa mga observations ko.

Hay nako! nakakaloka ang first day ko.

Mabait naman halos lahat ng classmates ko.

May naging kaibigan pa nga agad ako kanina eh. Chelsea ang pangalan niya. Seatmate ko siya. Sabay kaming naglunch kanina.  Medyo matanong siya pero masaya naman akong sumasagot sa lahat ng tanong niya.  Tinatanong ko rin siya ng kahit ano. Nalaman ko pa nga na ang daddy niya ang may-ari ng Solemate, isang sikat na tindahan ng mga sapatos na panlalaki at pambabae.  Ang dami na kayang branches nun.

Pinakilala rin ako ni Chelsea sa dalawang bestfriends niya, sina Althea at Danica.

Mabait din silang dalawa. Napag-alaman ko na sila Althea ang may-ari ng My Closet, isa sa mga pinakasikat na clothing store dito sa Pilipinas, at sila Danica naman ay may-ari ng Posh Salon, ang paboritong salon ng ilan sa mga kilalang artista dito sa bansa.

Bigtime yata tong mga naging kaibigan ko. Haha.

Ako naman, siyempre hindi ko ikinahiya ang mga magulang ko, sinabi ko na ang mama ko ay nagtatrabaho sa bangko at papa ko ay sa isang accounting firm.

Hindi gaanong kalakihan ang suweldo nila pero naiibibigay naman nila ang mga kailangan namin.  At higit sa lahat, hindi sila nagkulang sa pagpaparamdam sa amin na mahal nila kami.

Masaya naman akong tinanggap nila Chelsea, Althea at Danica sa grupo nila.  Sana nga maging matalik na kaibigan ko sila. :)

Journal, siguro curious ka kung may naging crush ako no?! haha.  Para namang may pakiramdam ka eh. LOLxD

Pero, siyempre MERON.

Sa kadami-dami ba namang mga gwapo dun, imposibleng wala akong crush noh. (^____^)

Alexander ang pangalan niya.

"Xander" ang tawag sa kanya ng mga kaklase namin.

Sabi nila Chelsea, ang pamilya daw nila Alex ang may-ari at ang nagpapatakbo ng Star Academy.  Eh sa tuition palang na binabayaran ng isang estudyante, nakakalula na, pano nalang kung pinagsama-sama pa lahat ng tuition fees, tiyak ang yaman talaga nila Xander.

Crush daw siya ng halos lahat ng girls sa classroom namin.  Kasali na dun sina Althea, Danica at Chelsea.  Pano ba naman kasi, gwapo na, matalino, at gentleman pa.  Akalain mo yun?! Halos lahat na yata ng hinahanap ko sa isang lalaki nasa kanya na. haha.

Palakaibigan daw talaga yun si Xander.

Gusto siya ng mga teacher namin.

Hindi niya ipinagmamayabang na sila ang may-ari ng school.

Simple lang siyang manamit.

Approachable din daw siya.

Meron nag-iisang bestfriend si Xander, yun ay si Liam.

Sabi ni Chelsea, total opposite daw ni Xander si Liam, kung gaano kabait at approachable si Xander, ganun daw ka suplado at ka unsociable si Liam.  Si Xander lang daw talaga ang kaibigan niya.  Sabi ni Danica, crush daw nga niya dati si Liam nung nasa junior high pa sila kaso hindi na daw niya siya crush nung malaman niyang ganun ang ugali ni Liam.

Ano kayang nakita ni Xander kay Liam at naging magbestfriends sila?  Kwento ni Althea matagal na daw talagang magkaibigan ang dalawa, magkababata daw kasi sila.  Sa iisang subdivision lang kasi sila nakatira.

Mabait lang talaga siguro si Xander kaya sila magkaibigan.

Naalala mo bang sinulat ko kanina na mabait halos lahat ng kaklase ko?

Oo, sinadya ko yun.

Halos lahat lang, kasi meron akong mga kaklaseng matataray!

Isang grupo sila ng mga babae na maldita at pakiramdam nila sila ang mga pinakamayaman at sosyal sa buong school.

Mas kilala sila sa campus bilang "Mean Girls" pero ang totoong pangalan ng grupo nila ay "The Clique" at ang queen bee nila ay si Sofia.

Sinabihan ako ni Danica na wag daw akong lalapit sa grupo nila Sofia kasi mapangmata sila at napaka-mean nila.  Mas mabuti nalang na umiwas ako para wala ng gulo.

Naku, hayaan na natin sila.

Wala pa naman silang ginagawa sa akin.  At sana nga wala silang gawin sakin kasi hindi ako magpapatalo sa kanila.  Wala akong pakialam kung mayaman sila o kung mean man sila, kasi hindi ako pumasok sa Star Academy para lang magpaapi. (-__-)

---

Meron akong 7 subjects: English, Filipino, Science, Math, History, Arts, and PE.

Sana wala nalang PE, hindi pa naman ako mahilig sa sports.

Pano kung may swimming???!!

Hindi ako marunong lumangoy.  T.T

Ayoko din sa History.

Napakaraming kailangang tandaan na dates at pangalan ng mga tao. Tsk.  Oo, matalino ako, pero nakakatamad kasi tsaka medyo boring.

Pero kung talagang aim ko na ma-maintain ang scholarship ko, kailangan kong galingan sa lahat ng subjects na yan.  Kaya ko toh! First day palang naman eh.  Promise, gagraduate ako with FLYING COLORS!

Antok na ako. Bukas naman ulit. :)

xoxo,

Candace <3

- - - - - - - - - - 

Author's Note:

Ayan.  Tapos na ang first day ni Candace sa school!

Natuwa ako kasi may 10 reads ako sa Prologue. hahaha.  Thanks for reading! Abangan ang next update!  Hindi ko man kilala kung sino kayo pero natuwa talaga ako.. Sana mag-comment kayo para madedicate ko ang next chapter sa inyo. Thank you ulit.

Please Vote, Comment, and Spread! Thanks <3

xoxo,

Ms. DG

Journal ni CandaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon