Kard

5 0 0
                                    


Grado, Numero.
Natutuliro, Napapatango.
Saan nga ba nagkulang?
Saan ba dapat lulugar?
Sa hagdan ba ng pangarap?
O dili kaya'y sa dagat ng kasawian?
Nagtatanong, nagugulumihanan.
Ang batang anak ng tinubuan.
Dapat pa nga bang tahakin
Daang matuwid na alay sakin
O tuluyan ng babaybayin,
Daloy na taliwas sa simoy ng hangin
Pagkat ako'y hindi hayop.
Ako'y isang tao.
Nilalang na may dunong at puso.
Nakapag-iisip, nakagagawa.
Nakasisilay, nakadadama.
Nakakabuo, nakadudurog.
Napapatango, natutuliro.
Umiikot na mga numero.
Nakapanlulumong grado.

Ink StainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon