Diploma

1 0 0
                                    

20/03/2018

Gaya nga dati, may ispasyo na naman akong inilaan para sayo.
Hindi ko man alam kung tama pa ba o kung aasa pa ako?
Gayunpaman, sana'y pakikinggan mo itong munting dalangin ko
Na sana, sana ating bilugang mga mata'y muling magtagpo.
Upang muli ay maawitan kita ng mga binubulong nitong ako na mula sa kahapon.
Siyang ako, na punong puno ng mga bagay na itinago at ibinaon noong nagdaang panahon.
Kung saan kasabay ng bawat lumipas na oras, araw at buwan, kailan ma'y hindi na mahahawakang muli.
Hindi na kita mahahawakan pang muli.
Hindi ko na madadama ang init at lambing ng presensya mong naghehele sa akin upang makamtan ko ang aking ulirat.
Hindi na, sapagkat ang iyong sariling diwa'y tinakasan na rin ang 'yong kaibuturan.
May mali ba akong nagawa?
Ako ba ay isang kaluluwang nararapat ng masunog sa impyerno?
Wala ba akong karapatang damhin ang simoy at ihip ng hangin sa parang kung saan sabay nating binuo ang pangarap na kay tayog at kulay.
Wala ba? Kasi ako, walang wala na ako sa sarili ko, sa buhay na kasama kitang binuo, sa katinuan ko kasi hanggang ngayon umaasa pa din ako na babalik ka.
Na dadalhin ka muli sa akin ng tadhana.
Kasi kung alam ko.
Kung alam ko lamang na sa pagpatak ng hatinggabi, kung saan payapa akong natulog malayo sa iyong tabi, ay siya ring nakatakdang oras ng pagbawi niya sayo sa akin, sa amin, hindi na sana kita iniwan na nagiisa at nagdadalamhati.
Kasi, ito, itong dugong dumadaloy at nanalaytay sa aking katawang tao ay nabubuhay lamang sa init ng yakap at haplos mo.
Nabubuhay ako, dahil sa pagiingat ng mga kamay mong hinubog ng panahon.
Nabubuhay ako pero bakit wala ka na sa tabi ko,
Nasaan ka na?
Hinahanaphanap ko parin ang iyong tinig, ang yong mga paalala, ang iyong mga mata.
Mga mata na akala ko ay siyang aking makikita kapag tumungtong na ako sa entablado para kunin ang aking diploma.
Diploma. Hindi ba't iyon ang pangarap mo sa akin, ooh aking mama?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 23, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ink StainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon