It's 5:30 in the morning and I sit here in my room's balcony casually indulging myself in a cup of coffee and a Jennifer Smith novel.Ganito ka peaceful ang mornings ko. I wake up by 5:00 am and try to have a decent alone time before I do my morning routine. After that I join my family for my actual breakfast bago ako pumasok ng school.
Makalipas ang ilang minuto napag-desisyunan ko nang maligo at ihanda ang sarili ko. Kailangan ko ring pumasok ng medyo maaga dahil may reporting pa kami sa first period.
Hindi na rin ako masyadong nagtagal dahil limited lang ang oras ko. Bumaba na ako agad sa kusina para mag-almusal.
Nangingibabaw ang amoy ng masarap na pagkain sa buong kusina na para bang mas nagpapagutom sa akin.
"Ang aga mo naman yata" bati sa akin ni mama. Nagluluto pa sya ng almusal pero halos patapos na rin siya.
Nagsibabaan na rin ang family ko. Naunang bumaba yung dalawang kong kapatid kasama si papa.
Sina Beck Harold Ranaldi at Dustin Harry Ranaldi. They're twins but they're opposites. Beck's more of a carefree, laid-back guy while Dustin is more mature pero madalas siya pa yung makulit. They're currently in the 9th grade samantalang ako on the way na sa Senior High.
Sa aming lahat si mama ang pinakabusy, she works as a PR or Public Relations and Marketing Manager for a record company. Siya ang bahala kung kanino at papaano ibebenta ang bawat single at album ng isang artist.
Si papa naman, more of a calm work. He's a brain surgeon. Madalang namin siyang makabonding ng masyado dahil bawal siyang ma-stress.
"Ma pwede na ba akong kumuha nagugutom na ako!" pangungulit ni Beck.
"Akin yung isang bacon dyan ah" depensa naman ni Dustin na nagmadali ring pinuntahan si mama.
"Teka, saglit" medyo natataranta niyang pagbaw sa dalawa.
"Tumigil nga kayo, kala mo mga bata eh"
"Grabe si ate, daming alam." pang aasar ni Dustin.
"Ewan ko sayo mukha kayong mga tanga. Mga ampon!" sagot ko.
"Ikaw yun, ikaw lang weirdo dito eh" natatawa niyang banat.
"Tama na, late na kayo oh" utos ni mama.
We made it a daily basis to bicker with each other. Siguro inborn na saamin yung araw-araw na pang-iinisan.
"Sige na po ma, pa, alis na kami may reporting pa kami ngayong first period" paalam ko sa kanila.
Lumabas na ako kasama ang mga kapatid ko at nagpahatid na papuntang school. Echosmith's "Bright" blasted thtough my earphones as I go through another positive day.
This is how the life of Selestine Harriette Ranaldi goes. Simple, normal, walang masyadong echos. Hindi ganun ka popular pero hindi rin naman loner. Matalino pero hindi top one. Just a regular teenager in her regular life.
Medyo may kalayuan yung school from home. Often times inaabit ako ng twenty minutes bago ako makarating kaya extra effort if gusto kong makarating ng maaga.
Dumaan muna ako sa locker ko to get some things, dun ko nakasalubong ang isa sa mga popular yet pasaway na lalake sa batch namin. He was my classmate last year at hindi lilipas ang araw na hindi siya nasesermonan o nai-special mention man lang.
He was notorious to teachers who have handled him. He was the one and only Timmy Jared Samuels.
Pumunta na ako sa classroom para maibaba ko na 'tong mabigat kong bag. Besides, ayaw ko ring maencounter si Timmy because he's a douche.
YOU ARE READING
A Thousand Probabilities
Teen Fiction"We all live in this world full of twist and turns, nothing is certain and each little choice cost more than the previous one. All you have to do is indulge yourself in this world full of things that are likely to happen" -Untold Philophobic