3 // the persistent curiosity

23 3 0
                                    


Late na akong nakapasok and today I'm wearing a dark shade of frustration under my eyes.

Hindi kasi ako agad nakatulog kagabi. I was busy reviewing, or atleast trying to,  but my thoughts about a certain person often interferes. Eto ako ngayon, clueless sa kung anong isasagot sa exam.

Pinuntahan ko si Cassey pagdating ko sa classroom. Naabutan ko siyang nagrereview kaya napagdesisyunan kong sabayan siya. Hindi sapat na completely akong umasa on my stock knowledge. I have grades to maintain.

Ibinigay na ni ma'am yung test paper after 15 minutes, barely enough for me na kabisaduhin ang iba't-ibang elements ng isang stage play.

Hinanda ko nalang ang sarili ko sa kung ano mang ibabato ng test na 'to.

What fresh hell is this? 

I immediately channeled my inner Chanel Oberlin nung nakita ko yung questions. Twenty items na identification agad ang haharapin ko.

I mentally made a vow na from now on, I will never let my thoughts meddle while reviewing, kahit gaano pa ka-misteryoso at ka-interesting ang iniisip ko. Lesson learned Selene, lesson learned.

Huminga ako ng malalim at sinumulan nang magsagot. Inuna ko nalang muna yung essay, kahit na hindi ko alam yung topic nya, kaya ko naman siguro tong sagutan. Nakahinga din ako ng maluwag nung nakakita ako ng matching type at multiple choice sa likod, which indeed seemed like a salvation.

Matapos ang ilang mahabang sentences ng essay at mga chinambang multiple choice nakita kong tumayo si Sylver at nagpasa ng papel nya.

Lumingon ako sa paligid ko para tignan kung sino pang nagsasagot dahil baka sa sobrang tagal ko ako nalang ang hinihintay.

To be honest, sa sobrang stress ko sa exam na 'to, I turned completely unaware of my surroundings. But, thankfully,  nagsasagot pa naman yung top 3 ng klase.

Darn, napaisip tuloy  ako kung straight niyang natapos yun. Like I said, nagsasagot pa yung top 3 ng klase, at may remaining 25 minutes pa oh. Ganun ba yan kadali para sa kanya?

Anyways bago pa ako maubusan ng oras, sinagutan ko na ang katakot-takot na identification. Lord, hear my prayers, please.

Matapos ang kalahating araw ng exams, nag-stretch mun ako bago tumayo. May apat pang subjects bukas at this time magrereview na talaga ako.

Agad kong pinuntahan si Cassey at Bri na naghihintay sa labas, nauna silang matapos and I needed to extend 5 minutes to finish math. Buti nalang mabait yung adviser namin dahil pumayag siyang tapusin ko 'yon kahit ako nalang nagsasagot.

"Hey, ano kinaya ba?" masiglang tanong ni Bri. Halata sa mukha niya na naging okay para sa kanya yung exam.

"Ang hirap ng identification!" inis na sabi ni Cassey.

"Hindi ko na nga maramdaman yung kamay ko eh sa haba ng essay dun sa english at parang bibigay na rin yata yung calculator ko dahil sa math" reklamo ko naman.

"Hay naku tama nang reklamo, basta isipin natin papasa tayo! I know, better yet mag-gala nalang tayo." pag-aaya ni Bri.

"Yeah sure, pero i-check muna natin yung rankings. Ang alam ko pinost na nila yun sa main bulletin board."

Patuloy pa rin kami sa paglalakad hanggang sa nakarating kami sa gate. Nakita namin yung bulletin board kung saan nakalista yung rankings sa bawat year level.

#5 Hartman, Bri Fiona - 94.887%
#9 Milave, Cassidy - 90.459%
#12.5 Ranaldi, Selestine Harriette - 87.980%
#12.5 Pennford, Sylver Shiloah - 87.980%

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 07, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Thousand ProbabilitiesWhere stories live. Discover now