2 // the orphic

25 4 1
                                    


Nang dumating ang third period, underworld's gate opened at inilabas nito si ma'am Mao, Haley Mao. Ang pinaka-terror na teacher ng batch namin.

Ewan ko nga kung bakit third period sa umaga sya naka-schedule. Paano ba naman, umaga pa lang pero yung mga mukha namin pang-last period na. Mukha kaming mga inutangan at nalugi. Tapos after nito lahat kami either frustrated or nawawalan ng gana for lunch dahil sa stress.

Agad niya kaming pinatayo at inutusang pumunta sa likod ng classroom. Napairap ako habang simultaneous na buntong hininga ang inilabas ng mga kaklase ko. Iisa lang ang nasa isip namin, seating arrangement again.

Hindi siguro impossible na dahil sa subject na 'to magiging katabi mo lahat ng mga kaklase mo. Understood ko na every subject, kadalasan may mga seating arrangement. Pero exceptional siya dahil siya ang pinaka-madalas na magpabago-bago ng magiging seatmate namin.

This may have to do with the things that happened yesterday after that cheating incident during our quiz.

"Ranaldi, dun sa harapan ni Scott. Pennford, sa tabi ka ni Ranaldi" utos nya.

Hay, ano pa bang magagawa ko, kahit mahilig mangopya yung nasa likuran ko hindi naman ako pwedeng magreklamo.

Okay lang yan nasa unahan ko naman si Heather Mekayla Naverette. Transferee sya pero super friendly kaya first week palang naging close ko na sya.

Nang ma-settle na lahat, inutusan kami ni ma'am na mag-take ng notes habang nagdidiscuss sya. Wala ako sa mood makinig ngayon, alam ko naman na kapag mahaba ang discussion, sisingitan niya yan ng life stories nya.

I just stared at the guy next to me, sya yung magiging seatmate ko from now on para sa period na 'to.

Sylver Shiloah Pennford, pagbasa ko mula sa I.D. nya.

Medyo tahimik kasi sya kahit marami naman siyang friends. Not to metion that he's too underrated kahit popular siya.

I stared curiously at his features habang nagsusulat siya. Suddenly I found myself observing him. 

He has a chiseled chin and his hair seems so soft kahit medyo mahaba na. Hindi rin yun styled hindi tulad ng ibang guys na laging nakatayo ang buhok.

Simple lang yung sa kanya pero ang perfect pa ring tignan. Nainggit tuloy ako bigla.

And his lips has that vibrant natural red color at ang smooth pa ng face nya. Yung maganda niyang mga mata seryoso ang tingin sa sinusulat nya.

Napansin ko rin na maganda yung penmanship nya at ang smooth ng galaw ng kamay nya sa bawat salita na sinusulat nya.

Sa unang tingin hindi mo aakalain na totally crushable pala sya. Hindi ko inakalang gwapo din sya tulad nung ibang popular kids sa school na 'to.

"Yung ganitong klase ng lalake ang dapat hinahabol eh. Matalino na ang gwapo pa" sabi ko sa sarili ko kahit medyo masungit nga lang siyang tignan.

Kamukha niya pa nga yung nasa manga na hilig kong basahin.

You know that thing every girl has whenever they analyze a guy? Well karaniwan na para sa isang babae na gumawa ng standards for his dream man. I could say na dalawa agad ang nacross out ni Shiloah in just two weeks.

"Hi" nag-aalangan niyang bati. Natauhan ako sa boses niyang napakagandang pakinggan. How could he make a one word greeting sound so handsome.

Bakit ang cliché ko ngayon, ang baduy ko, ugh. I should snap out if this trance, it's giving me pure disgust.

A Thousand ProbabilitiesWhere stories live. Discover now