Chapter 2

40 3 2
                                    

Shandy's POV

Nako naman kasi eh! Kundi na sana kinausap ni Jana yung lalaking yun , kanina pa sana namin nasundan yung destiny ko. Ngapala nandito kami ngayon sa classroom namin ako nagmumokmok si Jana naman bumili ng makakain. Teka mukhang kanina pa yun si Jana huh! Parang antagal naman nya ata asan na ba kasi yun.

Bogsh!!

May lalaking tumakbo papunta sa classroom namin at sumigaw ng
"May babae dun sa canteen ka block natin. Pinagtitripan ni Dwayne" Napatayo ang lahat sa sinabi nung lalaki kasi halata sakanyang mukha ang takot at kaba kaya napatayo lahat ng ka-block namin


"Ni Dwayne?" Girl 1

"Sino yun?" Girl 2

"Gang leader ba yun?" Girl 3

"Si Dwayne Stanford , isa syang napaka gwapong lalaki napinag papantasyahan ng marami pero sa likod ng napaka perpektong mukha ay ang ugaling mala demonyo." sabi nung babaeng kapapasok lang she's pretty pero maypagka swag manamit hindi yung tipong girly

"And the worst is , he's the gang leader of the Precious High " sabi nung babaeng ka sabay ng unang babaeng kapapaso---- Agad akong tumayo at mabilis na pumunta sa canteen .

"Kawawa naman yung babae diba!


"Ano kaya yung gagawin sakanya ni Dwayne? "

"Ang kulit kasi niya yan tuloy natapunan si Dwayne "

"Ang lakas rin ng loob nya noh?"


Yun yung mga narinig ko habang papunta ako sa canteen natatakot ako kasi malaki ang chance na baka si Jana talaga yun. Sa kakulitan ba naman nung babaeng yun. Hay nako!

At ang nadatnan ko isang kumpulan ng mga estudyante at pumpagitna dito si Jana at yung Destiny ko yung gwapong lalaki kanina , hay sa wakas nakita ko na sya sa waka--- Si Jana? Nasa harap ng Destiny ko? habang nakayuko na parang umiiyak. Ang ibig sabihin nito ay yung lalaki nayun ay si Dwayne na Destiny ko? Na leader ng gang sa eskwelahan nato?At si Jana yung babaeng sinasabi nung lalaking ka-block ko kanina?Na pinagtitripan daw nung Dwayne nayun? Oh no kailangan kong mapaalis si Jana dyan.

"First day na first day, sinisira mo mood ko , etong suit ko? Mas mahal pa to kaysa sa buhay mo bwisit!"

-------------------

Jana's POV

"First day na first day sinisira mo mood ko , etong suit ko? Mas mahal pa to sa buhay mo bwisit!" Hindi nako makatungo ng maayos sa lalaking to dahil sa kahihiyan na pinag gagawa ko.

Flashback.....

"Hay salamat nandito narin tayo ang laki rin pala ng ng eskwelahan nato noh? Diba Shandy?" Tanong ni Jana

"Oo , pero Jana naman sayang makikilala ko na sana yung destiny ko kaso nag abala ka pang kausapin yung stranger na yun"

"Ay sorry na po, sorry na hayaan mo babawi nalang ako sayo"

Unexpectedly (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon