Jaydee's POV
Sa dami dami ng nangyari sa buhay ko may isa talagang tao na nandiyan at di kailan man ako pinabayaan. Si Shandy Cali ang babaeng nagpapasaya at laging nandiyan sa tuwing malungkot ako. Kakaiba siya at para sakanya tung kantang tu.
Nandito ako ngayon sa music room para practisin yung performance ko para sa BAP bukas. Isa kasi ako sa mga napili ng ad. para mag bigay ng presentation.
--------------
Shandy's POV
"Nak magpahinga ka nalang muna kaya , wag ka munang pumasok"
"Pero ma di pwede magpapractice pa kami para bukas"
"Tignan mo nga yung mukha mo eh namumutla ka na nga eh"
"Ma please I can handle myself , pain reliever lang ang katapat nito" nandito nga pala ako sa main gate pinapauwi ako ni mama kasi nga may red velvet ako tapos medyo masakit pa yung puson ko , pero di nga kasi ako pwede umabsent kasi may practice kami kawawa naman si Jaydee wala siyang partner kung uuwi pa ako.
"Ok ok! Pero just contact me pag di muna kaya , at agad akong pupunta dito"
"Sige na ma , I'll go na"
Ang sakit sakit talaga ng tiyan ko. Afterwards ay pumunta ako ng classroom at agad agad na tinapos ang walang hanggang na thesis na pinapagawa ng ad. Para sa opening prog sa BAP.At pagkatapos kong gawin ang thesis na pinapagawa sakin. Ngayon naman papunta nako sa audi
"Aray, bwesit naman kasi akala ko pa naman dito sasakit" sabi ko sa sarili ko ng makasalubong ko yung nerd na may gusto sakin."Ahmm Shandy may pro-problema ka ba? Parang namumutla ka kasi?"
"I'm okay don't mind me"
"Oh sayo nalang tung juice ko , natural juice yan" bigay abot niya sakin nung juice niya
"Thank you" sabay kuha nung juice. Parang no effect naman tu huh! At parang maasim ay bahala na nga
"Sige bye!" Sabay alis niya
"Di ko na talaga kaya , nanlalamig na yung pakiramdam ko nangiginig nako sa sobrang sakit" huminto at nagpahinga ako sa isang upuan malapit sa music room ng madatnan ko si Ashley.
"Shandy? Bakit namumutla ka anong nangyari sayo?"
"Ang sakit talaga ng puson ko Ash"
"Huh? Nako naman Shandy! Tara pumunta tayo sa clinic"
Sinubukan kong tumayo , pero bago pa man ako makahakbang ay bumagsak nako at nawalan ng malay.
-----------------
Ashley's POV
Tinulungan kong tumayo si Shandy para sabayan siya papunta ng clinic ng biglang nawalan siya ng malay.
*boogsh natumba kaming dalawa pero sinubukan kong saluhin si Shandy kaya ayon mas naging malakas yung pagbagsak ko at natukod ko yung mga tuhod ko sa sahig yun tuloy nagkasugat ako, Bibili na naman ako ng mga concealer nakakahiya kaya mag perform sa harap ng tao ng may sugat sa dalawang tuhod. Hay nako!
"Anong nangyari dito?"
"She collapse---"
"Umalis ka diyan" napangiti nalang ako sa ginawa niya , weird diba? He supposed to that thing on me before.
"Bring her things" sabay karga niya kay Shandy , he looks so worried pero di ba niya naisip kung anong mararamdaman ko right now? Sabagay he doesn't like me anymore.
Nandito na kami sa clinic ngayon. I think Shandy will be okay it is just a dysmenorrhea haler, ang OA lang talaga ni Jaydee hindi niya kasi alam yun.
"What have you done?" ah! ano bang ginawa ko , dapat nga magpasalamat siya sakin eh
"Ano ba sa tingin mo ang ginawa ko huh?"
"Would you please stop bothering Shandy!!"
"Tinulungan ko siya, dapat nga magpasalamat ka"
"Huh! Alam mo kung nandiyan ka hinding hindi ako nauubusan ng problema?"
"Bakit ka ba ganyan Jaydee? Why are you so cold all of a sudden? Wala akong nagawa sayo at wala akong ginagawa."
"Hindi mo talaga alam? See this" biglang tapon niya ng mga pictures ko with a guy.
"Nakunan yan nung 5th monthsary natin , and opps! Nothing to explain all about tapos na tayo kaya tama na."
"Hahahaha Hahahaha! Jaydee, paniwalaan mo kung anong gusto mo" biglang alis ko sa clinic , yung mga picture na may kasama akong lalaki it is all true but duh , yung lalaki nayun he's my cousin from Canada kahit tanungin niyo pa si Dwayne kilala niya yon. Palibhasa seloso kaya ayun.
Papunta nako sa music room para practisin ang ipeperform ko bukas , yung kanta nato ay 'let's just say na theme song namin ni Jaydee' . Ito yung gustong gusto niya na kanta na isa sa pinaka ayaw ko. Yung 'I won't give up' obviously hindi ko siya gusto kasi pang broken sya.
"Shandy!"
"Kean , oh kamusta na kayo ni Suzy anong balita"
"Good news and bad news" biglang tabi niya sakin.
"Ano na? Kayo na ba?" bago siya sumagot ay may kung ano siyang kinuha mula sa bag niya. BAND AID
"Mag ingat ka kasi sa susunod" sabay lagay niya nito sa magkabilang tuhod ko. I forgot may sugat pa pala ako
"Salamat Kean" sabay patong ng ulo ko sa balikat niya
"So what's the good news and a bad news?" sabay sabi ko ng nakapatong parin ang ulo ko.
"She also likes me but the news is She likes me as a friend"
"Oh good ay este bad pala"
"Ashley naman eh, suportahan mo na nga lang kaya ako"
"Suportahan? Pagkatapos mo ko pa inumin ng kung ano anong flavor ng wine sa bar niyo at iwan sa kalasingan dahil kay Suzy? May pa support support ka pang nalalaman." sabay suntok ng mahina sakanya
"Aray ! Aray ! Aray ! Sorry na babawi nalang ako sayo! Sorr- aray! "
"Sige bumawi ka, Ilibre mo ko ng pagkain sa canteen tara na" sabay hila sakanya papunta sa canteen.
"Ang takaw mo talagang babae ka."
-------------------
Jaydee's POV
Pagtawanan ba naman ako , bwesit talaga yung babaeng yun. Ano ba kasing nangyari dito kay Shandy?
"Ahm Ashley?" Gising na si Shandy sa wakas
"Shandy? Okay ka na ba? Anong masakit sayo?"
"Ah wala na salamat , eh si Ashley nasaan siya , hindi pa ko nakakapagpasalamat sa kanya"
"Pasalamat? Yun ang dahilan kung bakit ka nandito eh"
"Anong siya? Hindi siya ang may dahilan , kasi nga may dysmenorrhea ako sa halip nga ay tinulungan niya akong makapunta dito pero nawalan ako ng malay kaya bumagsak siya dahil sinalo niya ko"
"Ganun ba yon?"
"Oo , bakit ano bang akala mo?"
"Ah eh wala."
BINABASA MO ANG
Unexpectedly (On-going)
Novela JuvenilPara sa mga paasa , pinaasa , nasaktan , sinaktan , na fall at mga pa fall at hanggang ngayon ay sawi parin. Sa dami ng hugot ko , nako! sigurado sapul talaga kayo. Bato-bato sa langit ang matamaan wag magalit. Plot: Jaydee and Dwayne is one of the...