CHAPTER 24

5K 161 0
                                    


MOBI POV

"Hey!! Para kang baliw kanina kapa nakangiti nakakatakot kana ah! "
Siko sa akin ni kenn nandito kame sa room ko nakadapa habang nanonood ng movie

"Ang weird mo mobi hindi naman comedy o kaya love story yung pinapanuod natin eh! Kung makangiti ka wagas "

Ginulo ko agad ang buhok nya

"Tsk! Masaya lang ako "

"At bakit?"

"Kasi may bago na akong kotse "

"Tss! Eh ano naman kung may bago kang kotse ako din naman pareho lang tayo "

"Teka oo nga pla sinong bumili ng new car natin "

"Ha!!! Hindi mo alam kung sino anong klaseng anak ka sino pa edi si tito mike gift nya sa akin ang car ko birthday gift daw kasama panga ako kahapon nung binili yun ang sabi nya naging good girl kana daw kaya ibibili ka na nya ng car akalain mo yun ang isang Mobilyn Suarez nag papakabait na hahahaha"

"Talaga hindi ko akalaing seseryosohin ni pare ang sinasabi nya sa akin "

Nakita ko naman ang pagtataka ni kenn sa mukha niya Kaya hinampas ko sya ng unan at ang loko hinampas din ako walang galang

•••

tamad na bumangon ako sa minamahal kung kama pano ba naman lunes nanaman hay! Naku pasok na naman

Nag shower na ako at nag handa na para pumasok humarap ako sa salamin para mag suklay bakit ganito ang pakiramdam ko parang ang bigat tapos nilalamig ako hay!! Baka tamad lang ako pumasok talaga "dapat nga mobi exited ka kasi may new car ka na " bulong ko sa sarili ko

Bumaba na ako at nakarinig ako ng mga ingay galing sa kitchen nakita ko si mom si dad si tito migs at si kenn mukang maaga silang lahat nagising at nag aalmusal na
"My god mobi lagi kang tanghali magising "
Sermon agad ni dad pero imbes na patulan ko pa ang sinabi nya tumabi na ako ng upo kay kenn na tawa ng tawa
"Kuya wag mo na sermonan si mobi masyado pang maaga "
Pagtatanggol sa akin ni tito migs
Buti pa si tito migs hay!!

"Cge po dad mom tito kenn alis na ako "
Paalam ko sa kanila

"Cge Ate mobi mauna kana kasi pupunta rin kame ni dad sa school mo mamaya doon narin ako mag aaral "
Sabi ni kenn sabay inom ng juice
Agad naman akong lumapit sa kanya inilapit ko ang bibig ko sa kanya
"Hoy! Kenn bakit biglang ate ang tawag mo saken "
Bulong ko sa kanya
Agad naman syang ngumiti at aaktong bubulong din
"Syempre nasa harap nila tayo nakakahiya baka sabihin nila wala akong galang " bulong na ganti nya

"Oh! Cge ATE Mobi lumakad kana baka ma late kapa"

Sabi nya na talagang pinagdiinan niya pa ang salitang ate
Nag wave lang ako at umalis na

Mga ilang sandali lang nasa school na rin ako agad kung pinark ang sasakyan ko nakita ko naman si Maria fe na pababa na rin kaya nag madali na akong bumaba
"Maria fe!! "
Tawag ko sa kanya na agad naman nyang tinugon at lumapit sa akin
"Wow!!! Ang ganda nyan ah! Astig "
Puri nya sa kotse ko
"Alam ko astig to halika na sabay na tayo "
Kumapit na sya agad sa braso ko
Nang makapasok na kame sa room namin makikita mo na agad yung mga kaklase naming walang kupas sa kaingayan

"Hey! Alam mo bang nandito na si kennilyn sa pinas "
Sabi ko habang inaayos ang gamit ko

"Talaga kelan pa! "
Gulat na sabi niya

"Kahapon pa nakakatuwa nga eh!"

"Oh! My God namiss ko yung bata na yun "
Nakangiting sabi niya sabay upo at humarap pa sa akin

"Naku for sure hindi karin niya tatawaging ate "
Sabi ko habang naglalaro ng PSP

"Huh! Bakit naman "
Takang tanong niya

"Kasi 19 na daw sya kaedad na natin ang mokong "

Narinig ko naman ang pagtawa niya kasabay non ang pagdating ng Prof namin

At nag bell na rin hinanap ng mata ko si Sam bakit parang wala sya hindi ba sya papasok
Hay feeling ko lalong sumama yung pakiramdam ko

"Mukang wala nanaman yung campus princess mo ah "
Bulong ni Maria fe sa akin

Denedma ko nalang sya ano nanaman kayang trip nito

It's a boring day ewan ko ba eh! Kung tutuusin parepareho lang naman Ang nangyayari dito sa school mag tuturo ang teachers mag iingay ang students that's it matatapos na ang buong mag hapon

Nag lakad na ako papuntang parking naisip kung umuwi nlang hindi naman sana ganito ang plano ko dapat sana yayayain ko si sab na lumabas nimimis ko na rin sya kaso ewan tinatamad ako

Papasok na ako sa loob ng kotse ko ng biglang tawagin ako ni Maria fe

"Mobi!!!!!!"
Sabay. Takbo palapit sa akin

"Oh! Bakit?"

"Uuwi kana ba! "

"Oo bakit?"

"Wow himala bago yan ah! Mukang nagpapa good girl kana tlga kaya deserve mo yang new car mo "

"Tss! Ang dami mong alam ano bang kailangan mo "

"Ang taray ah! Sasabay na ako sayo pag uwi dadaan muna ako sa bahay nyo dadalawin ko si kenn "

"Ah sure oh! Tara na! "

"Cge!"
Sabi niya sabay alis

"Hoy! Akala ko ba sasabay ka san ka pupunta "

"Oo nga sabi ko sasabay ako di ko sinabing makikisakay ako sayo I have my own car "

"Tsk! Bahala ka magulo ka kausap "

Sumakay na ako at pinaharurot ang kotse ko bahala na si Maria fe sa buhay niya

At kapag sinusuwerte ka nga naman ng mga sampung beses eh umulan pa tsk! Tsk! Tsk!
"Ang suwerte ng buong hapon kooooo!"
Sigaw ko sa loob ng kotse ko

Habang nag da-drive nakapansin ako ng yellow car sa gilid ng kalsada at may babaeng sinisipa ang gulong ng kotse niya dahil flat ito basang basa narin sya ng ulan kaya nilapitan ko sya at ibinaba ang window ng car ko

"Miss need help "

Lumingon yung babae sa akin at tumibok ng malakas yung puso ko pakiramdam ko yung mag hapon na boring at parang may kulang eh bigla nalang nabuo sobra pa nga nag tatatalon yung puso ko sa saya na miss ko ba talga sya

Ano ba to gusto ko ba sya
Di na to normal

Problema to di ako pwedeng ma in love sa kaaway ko



**************

Salamat po sa mga nag vote at mag vovote palang
:-)

Pasensya na po sa mga error ko kayo nalang po ang bahalang umintindi salamat...
God bless

I'm In love With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon