CHAPTER 26

5.1K 151 4
                                    

SAM POV

mag hapon lang akong tambay gusto pa nga ako samahan ng dalawa pero di na ako pumayag lagi nalang akong bad influence sa kanila

Kaya umuwi nalang ako tutal wala na rin namang klase at isa pa di rin naman ako pumasok

Nag drive na ako pauwi.
sa condo ako ngayon dideretso malakas ang ulan kaya nag miminor lang ako sa pagtakbo ng kotse ko ng biglang nakarinig ako ng pagsabog at sa tingin ko galing yun sa kotse ko kaya bumaba na ako para i check yun nakakainis dahil kailangan ko talagang bumaba para ma check yung tire ko baka kasi sa akin talaga yun

At tama ang hinala ko sa kotse ko nga yun sumabog ang gulong ko
Nakakainis talaga nabasa na ako ng ulan sinipa ko ng sinipa ang gulong ng kotse ko
Nang biglang may nagsalita sa likod ko

"Miss need help "

Yung boses na yun namiss ko lumakas nanaman yung tibok ng puso ko ayaw ko syang lingunin pero yung katawan ko may sariling utak at humarap ako sa kanya halata sa kanya ang gulat hindi niya siguro inaasahan na makita ako

Nakatingin lang sya sa akin napansin ko pang bumaba yung tingin niya sa lips ko tapos ibinalik niya ulit sa mata ko

"I don't need your help shu!!!! Alis na "
Mataray na sabi ko kailangan manatili kameng galit sa isat isa para di na lalong mag grow up ang feelings ko sa kanya

"Edi wag napaka arte mo kung ayaw mong mag patulong edi wag mo tss ikaw na tong tutulungan "
Inis na sabi niya

"Sino bang may sabing tul________..."
Di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil pinaharurot niya na ang kotse niya

Sobrang basa na ako ng ulan kaya pumasok na ako sa loob ng kotse ko

Diko alam ang gagawin ko nilalamig na ako wala pang taxi na dumadaan mahihirapan akong makahanap ng taxi kung nandito ako sa loob kaya lumabas nalang ulit ako para makahanap ng taxi

Ilang segundo palang akong nakakatayo eh! Nakaramdam akong may nagpayong sa akin gamit ang isang jacket kaya naman mabilis ko itong nilingon

"Ikaw!"

"Oo ako nga halikana "

"Ayoko nga bitawan mo nga ako "

"Ayoko nga Sam pwede ba wala ako sa mood makipag talo sayo tingnan mo basang basa kana gusto mo bang mag kasakit "

"Bakit ba bumalik ka pa diba sabi ko sayong di ko kailangan ng tulong "
Nanginginig kung sabi nilalamig na ako kanina pa kasi ako basa

"Please Sam nababasa na rin ako"

Mag sasalita pa sana ako kaso mabilis na niya akong niyakap
Yung lamig na nararamdaman ko kanina napalitan ng init init na sobrang sarap sa pakiramdam
Na miss ko to yung nakakulong sa mga bisig niya

"Sam please sumama kana sa akin ihahatid na kita "
Bumitaw na sya at hinawakan ang kamay ko mabilis na tumakbo kame papunta sa kotse niya

"Ihatid mo ako sa condo ko..ituturo ko sayo ang daan "
Mahinang sabi ko

Tahimik lang kame buong biyahe paminsan minsan sumusulyap ako sa kanya ng patago napansin kong maputla ang kulay niya ngayon may sakit ba sya

Mamaya lang nakarating na kame
"Salamat sa paghatid mo "
Sabi ko sa kanya at aaktong bababa na kaya lang hinawakan niya ang kamay ko nakaramdam ako ng kurywnte sa pag hawak nya sa akin kaya nilingon ko sya ng may pagtataka
"What? "

"Pwede ba akong makiinom ng tubig "
Mahinang sabi niya

"Okey sige tutal hinatid mo naman ako "
Pumayag na ako naawa nman ako sa kanya hindi naman ako ganon kasama kaya pinasama ko na rin sya sa akin
.
.
.
.
.
.
"Pasok ka maupo ka muna "
Agad naman syang umupo sa mini sofa

Kumuha ako ng tubig at towel na rin para ibigay sa kanya

Bumalik ako para iabot sa kanya ang tubig at towel pero naabutan ko syang natutulog habang nakaupo nakapikit sya para syang angel kung matulog kaya lumapit na ako sa kanya at Hinawakan sya sa pisngi para sana gisingin sya kaso halos mapaso ako sa sobrang init niya hinipo ko rin ang leeg niya at noo sobrang init niya

" oh my God mobi ang init mo "
Nagising naman sya ng bahagya

"Si-sige Sam uuwi na ako "
Pagkasabi niya non tumayo na sya pero di pa niya naiihakbang ang paa niya natumba na sya at napaupo sa sofa

Nataranta ako anong gagawin ko nawalan na sya ng Malay patay na ba sya naku anong gagawin ko e! Kung itago ko sya sa cabinet ko at hayaang don nalang mabulok makukulong ako neto ahhh di bagay ang kagandahan ko sa kulungan
Helppppp!!!!

"Sam!!! "
Mahinang tawag niya sa akin

"Mobi hay salamat buhay kapa "
Inalalayan ko sya papunta sa kama para doon ihiga

Nagpakulo ako ng tubig para may pang punas ako sa kanya ganito yung nakikita ko sa tv eh!

Kumuha na ako ng towel at sinalin na ang tubig sa isang lalagyanan
Binabad ko don ang towel na may alcohol yung dilang pang pamilya pang sport pa piniga ko na ang towel at ipinunas sa kanya nag umpisa ako sa mukha sa leeg napapalunok nalang ako ng laway sa tuwing mahahagip ng mata ko ang mapupula nyang labi na parang sinasabi "come on kiss me " napailing nalang ako sa naiisip ko pagkatapos ko syang punasan kumuha ako ng damit para ipalit sa kanya nabasa rin kasi sya ng ulan kaya lang ang problema di ko sya kayang hubaran naiilang ako

"Kaya mo to Sam wag ka nga matakot bibihisan mo lang naman sya hindi rereypen "
Sabi ko sa sarili ko kaya naman buong tapang at lakas kong hinarap ang takot ko na baka imbes na bihisan ko lang sya eh! Kung ano pa ang magawa ko

After 300 yrs. Nagawa ko na ring palitan ang damit niya sa wakas
Kumuha narin ako ng gamot para ipainom sa kanya

Ng makita kung medyo okey na sya nag shower nalang muna ako baka kasi pag di ko ginawa yun baka ako naman magkasakit basang basa pa naman ako sa ulan

Ilang minuto lang natapos narin ako nag bihis at nag blower narin ako habang ginagawa ko yun narinig kung umungol si mobi kaya mabilis akong lumingon sa direksyon niya

Nilapitan ko agad sya nanginginig sya kaya kinuha ko ang makapal na comporter
Pero di yun sapat para tumigil sya sa panginginig nakakaramdam ako ng kaba at takot kaya niyakap ko nalang sya mahigpit na yakap ang ibinigay ko sa kanya yun lang yung naiisip kung paraan pero mukang effective naman
Hanggang sa makaramdam narin ako ng antok at unti unti nang nakatulog..

I'm In love With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon