CHAPTER 33

5.3K 140 2
                                    

SAM POV

Pag sinusuwerte ka nga naman nakatabi ko na nga sya sa bus tapos ngayon naman kasama ko pa sya sa kwarto pinaglalaruan ba tlga ako ng tadhana imbes na umiwas ako sa kanya para mawala tong nararamdaman ko sa kanya eh! Lalo pa tuloy akong napapalapit sa kanya

Tapos kanina nakita niya pa ang birhen kung katawan akala niya di ko pansin kung gaano niya pinagpantasyahan tung sexy body ko kunsabagay di ko sya masisisi .
Naisip ko lang sino kayang mas sexy sa amin ni Maria fe malamang ako eh ang payat nun kung hihipan mo yun baka tumumba na yon

Isa pa palang problema ko iisa lang ang kama namen ang mabuti pa humiga na ako baka mamaya maunahan pa ako ng mobi na yun

Pag katapos kung mag blower at uminom ng gatas humiga na ako at nag hahanda na sa pagtulog

Habang nakahiga ako narinig ko ang pag bukas ng pinto ng cr mukang tapos na sya maligo
At nakita ko naka damit na sya at magulo ang buhok aaminin ko cute talaga sya pero syempre di ko yun sasabihin sa kanya ano ako bale

"Hoy! Sam alam kung gising ka pa iisa lang ang kama kaya sa lapag ka matulog "
Nainis naman ako sa sinabi niya kaya napabangon ako

"Ang kapal mo din eh Noh!!!"
Ibinato ko sa harap niya ang isang unan at isang kumot

"Yan sayo yan dyan ka sa baba "

"Ayoko nga ang tigas tigas ng sahig mamaya sumakit pa likod ko dyan "

"Problema mo na yun "
Pag kasabi ko non pinulot niya ang kaninang ibinato ko at tumabi sa akin

"Hoy!! Sinong may sabing tumabi ka sa akin "

"Wala pero gusto ko ayaw ko sa baba at malamang ayaw mo rin sa baba kaya wala tayong magagawa magkatabi tayong matutulog and besides teammates tayo dahil magkasama tayo dito "
Sabi niya habang humihiga na

"No way "

"Yes! Way kaya kung ako sayo matulog kana "
Tumayo na sya at pinatay ang ilaw
Pero mabilis akong nag protesta

"Ano kaba wag mung patayin ang ilaw kundi ikaw ang papatayin ko! "

"Pero di ako nakakatulog ng may ilaw "

"Basta ayaw ko takot ako sa dilim"
Pag mamakaawa ko sa kanya

"Ahhh!! Nakakainis ka na talga ha "
Kasabay ng pagrereklamo niya binuksan niya ang dalawang lampshade sa kaliwa at kanan ng kama

"Siguro naman yan pwede na ayoko ng masyadong maliwanag di ako makatulog"

Tumango naman ako bilang pagsang ayon humiga na sya at hinila ang makapal na comforter
"Hoy iisa lang yan kaya pati yan share tayo wag ka ngang sugapa"
Saway ko sa kanya

Pero nag bingi bingi han lang sya kaya humiga narin ako at hinila ko rin yung comforter di ako patatalo

Hinila niya nanaman pabalik sa kanya pero syempre di ako papayag tagisan kame ng lakas hinila niya ulit kaya huminga muna ako ng malalim para maipon ko ang pwersa ko

Hinila ko ng buong pwersa ko ang kumot kaya ang nangyari sumubra ang hila ko sanhi para malaglag ako
"Arayyyy!!!"
Sigaw ko habang himas himas ko ang pwet ko

"Hahahahaha!!!! Ano masakit ba"
Dinungaw niya ako para pagtawanan lang kaya tumayo na ako at syempre dahil suwerte ang araw ko ngayon nag kauntugan pa kame

"Ouch!!!"sabi niya habang hinihimas ang namumula niyang noo "san ba gawa yang ulo mo sa espalto ang tigas grabe "

"Ang sakit non ah! "
Humiga na ulit ako at nag share na kame ng maayos sa kumot

I'm In love With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon