SIMULA

39 2 0
                                    

Simula

"Mabuti naman at nakarating ka na? Kanina pa ako nandito." Inip na sabi sakin ng matalik kong kaibigan na si Heyt.

"Bat kasi ang aga aga mo?" Tanong ko dito.

Tinignan ko pa ang orasan ko at nakitang sakto lang naman ang dating ko sa napag'usapan.

Hindi ito sumagot at pumasok na sa loob ng Babylon. Birthday ngayon ng dati kong kaibigan. Na kaibigan rin ni Heyt. Dalawang taon ang tanda sakin nitong Bestfriend ko.

Sinalubong kami ng mga kakilala namin noong college. Mukang madami nga talagang imbitado tuwing birthday ni Yvonne.

Ngayon lang kasi ako nakapunta sa party nya magmula nung nag'graduate kami ng college. Nagtatampo na nga daw sya sakin.

"Oh my ghad Kara! Heyt! Buti nakarating kayo!" Sabi samin ng kaibigan namin-slash-bestfriend ni Yvonne na si Ylaine.

"Buti kamo nakarating si Kara. Palaging busy to ee!" Sabi ni Heyt na sinang'ayunan naman ni Ylaine.

Niyaya nya kaming puntahan si Yvonne sa may bar counter. Hindi pa peak ng party kaya hindi pa masyadong wild ang mga tao.

"Happy Birthday Yvonne." Bati ko dito.

Tila nagulat naman sya sa pagdating ko.

"Oh my Ghaad, Kara! Nakarating ka!" Tuwang tuwang sabi nito.

Niyakap nya pa ako. "I missed you!" Ang tagal na din kasi naming hindi nagkita. Actually, namiss ko din naman sila. Super close friends kami nitong apat dati ee. Pero syempre, Heyt's ahead so madalas tatlo lang kami.

"Ako walang yakap?" Eksena naman ni Heyt.

Nagtawanan nalang kami. Nagkwentuhan kami dito sa may counter. Agad kaming binigyan ng shots of Martini.

"In'invite ko ang Divine. Tutugtog sila mamaya pag peak na ng party." Masayang sabi ni Yvonne.

"Seryoso!? Omighaad!" Naalala ko tuloy ang avid fangirling days naming magbabarkada.

Ako, si Ylaine, si Yvonne at... iba pa. Nae'eng engan si Heyt sa mga pinaggaga'gawa namin noon.

Hindi ko alam na buo pa pala ang Divine. Wala na din kasi akong balita tungkol dun. Apat na taon na din simula ng nag'graduate kami. Simula ng pinutol ko ang koneksyon ko sa banda at sa barkada.

Pumunta kami sa isang table malapit sa stage. Nag'umpisa na kasi ang peak ng party.

"Whoa!" Napasigaw talaga kami ng umakyat na sa stage ang Divine.

"Hi people!" Nagtilian ang mga tao ng magsalita si Silver, ang vocalist ng banda. "Happy Birthday Yvonne. Kung di ka mahal ng banda, hindi na kami magsasama sama ulit sa stage." Humiyaw nanaman ang mga tao ng magsalita siya muli.

So wala na pala ang grupo nila. Hindi na ako magtataka sa ginawa ni Yvonne. Noon pa man ay malakas na talaga kami sa Divine.

"Dahil Birthday mo. Kakantahin namin ang favorite song mo. Happy Birthday ulit."

Nag'strum si Eduard ng kanyang gitara.

Tumugtog ang paboritong kanta ni Yvonne na You and I ng One Direction.

Sumabay kami sa pagkanta ni Silver sa chorus ng kanta. Wala pa rin syang kupas. Napakagaling padin.

Ang mga sumunod na kanta ay ni'request ng mga guests. Haya't kinanta nila ang Science and Faith (The Script), Goodnight Goodnight (Maroon 5) at syempre, ang Don't (Ed Sheeran) na paborito naming apat.

"Okay. Last song na to. Anong banda or sinong singer ang gusto nyo?" Tanong ni Silver.

Panlimang kanta na ito. Huli na nga daw sabi nya.

Forgotten UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon