Ikatlong Kabanata
Hindi ko alam kung ano ba talagang meaning ng intimate para kay Bliss. Niloloko lang yata ako nito nung sinabi niya sakin yun e. Isang daang tao lang naman ang imbitado para sa kasal niya. Isang daan lang naman. Nasaan ang intimate doon?
"I told you, I invited your friends, Ate, kaya dumami. And Hunter's family are big. Okay lang naman na madagdagan, we ain't running out of money." Inirapan pa ako nito.
Kaya naman ako naiirita sa dami ng bisita ay dahil sa pagbibigay ng invites dito. She wants us to deliver it personally. Kahit pwede naman ang courier.
"Napa-courier ko na ang mga invites sa Cebu. Yung dito lang sa Manila ang kailangan. Besides, we need to know how they would go there. Sasagutin namin ang transpo ng magsasabay sabay sa isang flight."
Tumunganga lang ako sa kanya habang patuloy siya sa pagsasalita. Kasalukuyan kami ngayong nasa boutique ng designer na napili niya para gumawa ng kaniyang wedding gown.
"You're done, Bliss." ani Marcus ng matapos sukatan ang kapatid ko. "Ikaw naman, Kara."
Ibinaba ko ang hawak kong catalogue at tumayo na ako para makalapit sa designer. Pero bago pa ako tuluyang makalapit ay tumunog ang wind chimes, indikasyon na may pumasok.
Ang makapal nitong kilay ay nakakunot ngunit ng tuluyang humarap sa amin ay umaliwalas rin ang mukha nito. Labis ang pagkabog ng dibdib ko ng. magtama ang mga mata namin.
Putangina, paanong kaya niya parin patibukin ang puso ko na siya ang dahilan ng pagkadurog?
Ngunit sa kabila ng nararamdaman ko ay nagawa ko paring itaas ang noo ko at nanatili lamang akong nakatitig sa kaniya gamit ang mukha kong walang emosyon.
"Oh, Knover! You came." bati ni Marcus sabay lapit dito para bumeso. Talagang kasabay pa namin ang appointment nito ha? Talaga?
"Marcus, I'm sorry, I'm late. I had to finish my meetings." Umirap ako. Sana tinagalan mo pa ng konti. Yung tipong nakaalis na kami.
"Ano ka ba! It's okay, you can always come here in your free time."
Napatingin ako kay Bliss na ngayon ay nakangisi sakin ngunit agad ding nagpatay malisya at nag-iwas ng tingin.
"Knover, how are you?" Bati pa nito. Nang makalapit ay bumeso din.
"I'm good, Bliss. Congratulations again. Hindi ba kayo nag-engagement party ni Hunter?"
Sinimulan na ako ni Marcus na sukatan para sa susuotin kong gown sa kasal ng kapatid ko. It isn't as grand as Bliss' gown but I'm sure it'll also be beautiful. Pinipilit kong mag-focus sa mga ipinapagawa sakin ni Marcus kagaya ng pagtaas ng kamay, ikot at kung ano ano pa ngunit talagang umaabot sa tenga ko ang pinag-uusapan nila.
"I want my wedding grand, Knover, and without the Santillians in it, it will not be!" Eksaheradang sabi ng kapatid ko.
"Sana ay Santillian nalang ang pinakasalan mo." Biro nito na nakapagpasimangot kay Bliss. Same thought, Knov, same thought.
"You're done, too. Ipagpatuloy mo na ang pamimili ng design habang susukatan ko si Knover."
Hindi pa ako nakakasagot ay mabilis na itong umalis sa tabi ko para puntahan si Knover. Napaismid nalang ako at dahan dahan ang lakad na bumalik sa inuupuan ko kanina kung saan ko iniwan ang catalogue.
BINABASA MO ANG
Forgotten Us
RomanceKara Chermeigne Montesclaros. She's well-known, intelligent woman in her batch. People are usually got intimidated by her presence but she doesn't care. She almost had it all. ALMOST, dahil hindi naman lahat ay makukuha mo. Isang malaking parte ng k...