Unang Kabanata

24 1 0
                                    

Unang Kabanata

"May pupuntahan lang ako. Magkita nalang tayo around twenty to thirty minutes sa parking lot." Bilin sakin ni Knover.

Tumango ako bago sya umalis. Tinitigan kong mabuti ang likod nya hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin ko.

Hinatid nya lang ako dito sa coffee shop kung saan kami magkikita ng mga kaibigan ko.

Tinanaw ko ang kabuuan nitong Architecture's Garden bago lumapit sa table na inu'ukupa ni Ylaine. Bumeso ako sa kanya at umupo sa kanyang harapan.

"Aray ko naman!" Reklamo ko ng batukan ako bigla ni Ylaine.

"Muka ka kayang tanga. Don't tell me sa dalawampu't isang taon na bestfriend mo yang si Knover ay hindi ka padin nai-immune sa karakas nya?" Di makapaniwalang tanong nito.

"Panong mai-immune yan 'Be, ee inlove nga." Singit naman netong si Yvonne sabay abot samin ng frappe.

"Napaka-supportive nyo. Alam nyo yun?" Sarkastikong sabi ko.

Yes. Knover and I were just friends. Hindi naman na ako humihiling ng higit pa dahil kuntento na ako ngayon sa anong meron kami. Wala naman kasi syang girlfriend kaya okay lang.

"Pero alam mo 'Be, feeling ko may gusto din sayo yang si Knover ee. Di nya lang sinasabi." Seryosong saad ni Yvonne.

Napataas naman ang kilay ko. Ayokong sumakay sa sinasabi nyan ni Yvonne. Baliw yan ee.

"Seryoso ka?" Tanong ni Ylaine.

"Muka ba akong nagbibiro? Here, isipin nyo nga, bakit palagi ka nyang hatid sundo?"

"Kasi magkatabi lang kami ng bahay?" Patanong na sagot ko.

"Bakit palagi ka nyang kasama sa lahat ng lakad nya? Bakit alam mo lahat ng secrets nya? Bakit napaka'sweet at caring nya sayo?"

"Kasi bestfriend ko sya?"

"Gandang sagot aa! Ee bakit hanggang ngayon, no serious girlfriend padin sya?"

Nag'isip ako. Bakit nga ba?

"Kasi ayaw nya pang seryosohin masyado ang buhay? Kasi hindi nya pa nakikita ang taong dapat nyang seryosohin? Kasi... kasi. Ano ba Yv? Naka'drugs ka ba?"

"Wrong answer! Kas—" Sigaw nito.

"Wait, Yvonne, bakit ba si Kara ang tinatanong mo? Direktahin mo kaya si Knover." Sabay irap nito sa kaibigan namin.

"Hey. I'm boosting Kara's confidence up here." Sabi nito.

"But I don—" Ylaine cutted me off.

"No Yv. You're giving her false hopes." Sabi nito.

Natahimik bigla ang table namin.

"Restroom break." Sabi ni Ylaine at tumayo ito ng di tumitingin samin.

Natawa nalang kami sa asal nya. Hindi ako na'offend sa sinabi nya. Ikaw ba masasaktan ka pa kung araw araw na nyang sinasabi yun? Though, truth really hurts. Pero wala na sakin yun. Sanayan nalang.

"Ylaine is one hella bitter girl." Natatawang sabi ni Yvonne. "I think she's not over with Josette yet." Dagdag pa nito na sinang'ayunan ko.

Inantay naming makabalik si Ylaine bago kami pumunta sa car park kung saan naghihintay sakin si Knover.

Si Ylaine ang maghahatid kay Yvonne since madadaanan naman nito ang bahay niya.

"Bakit nakabusangot si Ylaine kanina?" Tanong ni Knover habang nagmamaneho.

Forgotten UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon