Ikalawang Kabanata

19 1 0
                                    

Ikalawang Kabanata

"What? Liliparin mo nanaman ang kalahati ng mundo? You only stayed here for a month, for fvck's sake, Kara!"

"Correction, Maria Ylaine Abueva, almost three months na ako dito. At tapos na ang trabaho ko, so, I should go home na."

My flight's tomorrow afternoon. At bago iyon ay niyaya ko muna sina Ylaine at Yvonne na mag-dinner.

"But this is your home, Kara." Mahinahon na sabi ni Yv sakin.

Umiling ako. No. Matagal ko nang kinalimutan ang lugar na to. Home is where you find comfort and I'm sure as hell, I'm not comfortable here.

"Doon na ako naka-base. At kaya lang naman ako narito ay dahil sa may tinanggap akong trabaho sa Urdaneta. Marami pa akong naiwang trabaho dun and I don't think I can afford to work later  than my clients' expectation. You know me. I'm true to my words."

"Of course we know that! Pero hindi mo na ba talaga gustong bumalik nalang dito? For good?" Naningkit ang mata ni Yvonne sakin habang pinagmamasdan lamang ako ng maigi ni Ylaine. "Why did you leave in the first place?"

I smiled awkwardly. Of course, hindi nila alam kung bakit. Naipaliwanag ko na sa kanila kung bakit nawalan ako ng komunikasyon at iyon ay dahil sa naging abala ako sa trabaho. Naintindihan naman nila na halos sa iba't ibang bansa ako nagtutungo at wala na akong panahong umuwi o makibalita man lang sa kanila. Though, that's a big lie. Sinadya kong wag bumalik at makibalita. Sa mga mahahalagang okasyon ay ang pamilya ko ang pumupunta ng New York para makasama ako. Yes. My mom, dad and Bliss still lives here.

Ako lang naman ang umalis. Ako lang naman ang nasaktan. Ako lang naman ang lumayo. After all, mas matapang parin pala sakin ang kapatid ko. Kahit na ilang ulit na syang ipinagtabuyan noon ng taong mahal nya. Nanatili siya.

Matapos ang ilang taon ay tsaka na lamang ako tumanggap ng trabaho dito sa Pilipinas. Pakiramdam ko kasi ay handa na ako. Naisip kong kaya ko na at kailangan ko nang bumalik at humarap sa kanila.

I know, hindi normal ang ginagawa kong pagiging hands on sa interior designing pero dito ako nakilala at dahil din naman dito ay natutupad ko ang isa sa mga pangarap ko, ang malibot ang mundo.

"Welcome back, Ms. Montesclaros."

Pagpasok ko palang sa building ng opisina namin ay narinig ko na ang pagbati ng mga empleyado ko. Tatlong taon bago napasakamay ko ang noo'y isang palapag lamang na building na ito. Dati itong pag-aari ng family friend namin at inoffer nga itong lugar na ito kay Daddy noon dahil lumipat na ng Boston ang mag-anak.

"Gusto mo ba ng property sa New York, Carlos? May ino-offer kasi akong isang palapag na building doon. Yung dating lugar ng Convenient store namin."

"Pati ba ang negosyo mo'y inilipat mo ng Boston?"

"Oo. Maganda naman ang kita noon nung nasa New York at negosyo yun ni Analy kaya sya ang namamahala noon. Mahihirapan sya kung di iyon ililipat. Maganda ang puwesto roon. Maaaring pagtayuan ng opisina o firm at halos parte na iyon ng time square."

Ng marinig ko ang pag-uusap na yun ay doon ako nagka-ideya na doon magtayo ng firm. Alam kong mahihirapan ako ngunit nanaig sakin ang determinasyon na lumayo at magsimula muli.

Kinumbinsi ko ang aking ama doon na ako manirahan at kalaunan ay sinuportahan nya naman ako. Nagsimula ako sa lilimang empleyado lang. At ang building ay hinulugan ko buwan buwan gamit ang sarili kong pera kasabay noon ang pagpapa-renovate ko at pagpapadagdag nga ng isa pang palapag. Hindi naging biro ang paghihirap ng firm namin na umangat nung una nitong taon ngunit dahil na rin sa sipag at tiyaga ng miyembro ng team ay nagtagumpay kami. Ngayon ay halos dalawampung tao na ang meron ako. Wala naman na akong planong magdagdag. Quality over quantity.

Forgotten UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon