Chapter 11

186 4 0
                                    

Madilim na ng nakarating kami dito sa Pangasinan..at hindi ko maiwasang maamaze sa nakikita ko nandito kasi kami sa hundred islands which is may rest house pala sila dito na ngayon ko lang nalaman at kahit na napakalapit na sa amin ang lugar na ito ngayon lang ang nagawi o nakapasyal dito and I'm glad and happy at the same time dahil siya yung kasama ko.

"You like it?" Bigla nitong tanong na nasa likod ko na pala pinauna na niya kasi ako kanina dahil kinausap pa niya yung caretaker ng rest house nila.

"No, but I love it." Nangiti kong sagot sakaniya."ang ganda kelan pa to?" Tanong ko naman sakaniya na ang tinutukoy ko ay ang rest house nila.
Then he smile me back, parang ang tagal ko ng hindi nakikitang ngumiti siya ng ganung katamis..

"Last month ko lang to nabili," sabi nito dahil siguro sa nakikita niyang pagtataka sa mukha ko. But wait...ko? Ibig sabihin binili niya to in his own?

"Yeah, I bought this in my own money para may invest din ako na pwedeng pasyalan and to unwind." Mind reader na ba siya?

"Yeah, uhmm,,,maganda nga yung ambiance eh, saka napakafresh yung hangin. Pero bakit gabi ka nag-aya hindi ko tuloy masiyadong maenjoy kasi parang ang sarap maligo sa dagat ang daya mo hindi mo sinabi na malapit sa beach yung pupuntahan natin I dont even bring any swim wear.." Mahabang sabi ko na nilangkapan ko ng himig pagtatampo. Pero siyempre joke lang yun.

"Sorry for that Nessa I just want to surprise you thats why? And I've been too busy but don't worry I'll will bring you here again on your vacation." Sagot nitong napakasincere. Uhhmmm..parang gusto ko tuloy dito icelebrate yung graduation party ko kahit malayo alam kong magugustuhan nila sabihin ko kila mommy they will rent the whole place.

"It's alright Migs, kahit saglit lang at rush yung pagdala mo sa akin dito hindi matatawaran yung saya na nararamdaman ko ngayon." Dahil solo tayo. Gusto ko sanang idagdag pero hindi ko na isanantinig pa. At sakto naman na tinawag na kami ng caretaker nila na hindi ko pa nakikilala.

"Mga anak halika na kayo ng makakain na para makspagpahinga na rin kayo." Tawag ng matandang babae sa amin.

"Ah, sige nay. Siya nga pala ito po si Vanessa girlfriend ko. And Babe this is nay Pacing sila ng asawa niyang si tay Cardo ang ngbabantay dito." Pagpapakilala niya sa aming dalawa. Napatango at napangiti nalang ako ng pilit hindi dahil sa hindi ko gusto ang matandang babae kundi dahil sa kabang nararamdaman ko dahil sa pagpapakilala niya sa akin bilang girlfriend daw niya. Ano naman ang naisip nito at ipakilala ako na girlfriend niya..haytss..wag magassume Nessa baka kaibigang babae lang yun, sabi ko nalang sa isip-isip ko.

"Naku napakagandang dilag naman ang kasintahan mo anak." Puri naman ni nay Pacing sa akin. Na siya namang paghapit niya sa beywang ko. Sh*t ano bang ginagawa ng isang to.

"Hey, lets go baka magtampo pa yung grasiya." At inakay na niya ako na patungo sa dining area ng rest house na hindi bumibitaw sa akin nagpatianod nalang ako kahit pa na kinakabahan ako sa nangyayari ngayon pero sa kabilang banda parang ang sarap sa pakiramdam ang ginagawa niya.

"Eat well Nessa, para naman magkalaman ka," sabi nito na naglalagay ng pagkain sa plato ko ng nasa harap na kami ng hapagkainan. Nakatingin lang ako sa ginagawa niya at hindi kk maiwasang kiligin kahit pa na naguguluhan ako sa mga ginagawa niya una niyaya niya ako ng pabigla-bigla tapos pinakilala pa akong girlfriend niya at ngayon ang sweet sweet niya. Dati naman siyang ganyan pero mga bata pa kami nun.

Natapos kaming kumain na parehong nakatuon sa pagkain ang atensiyon namin naisip niya kaya na mali yung ginawa niya dahil may Eliza siya na dapat niyang kasama ngayon at pinakilalang girlfriend niya.

Secretly Inlove To His BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon