Forever

1 1 0
                                    

Sa araw ng mga puso maraming bulaklak, tsokolate, love letter, lobong hugis puso.Nariyan rin ang mga COUPLE na magkapareho ng t-shirt, bracelet, necklace, cap, shoes, at kung anu-ano pa at syempre di mawawala ang mga taong pinaglihi sa ampalaya o what they call 'Bitter' --- mga taong sukang-suka kapag nakakakita ng mga couple na masyadong makapag PDA, mga couple na sobrang kasweetan lalanggamin na, yung mga couple na feeling nila sila lang ang tao sa EARTH.

Sa halos lahat ata ng sulok ng mundo may mga taong BITTER.Kahit saan may maririnig kang, 'Magbe-break din yan!' o di kaya'y, 'Wala nga kasing forever!Iiwan ka rin nyan!' at meron pa ngang, ' Pusta bente, ilan araw lang yan'.Mga katagang kabisado ko na yata dahil araw-araw ko ng naririnig.

Bakit nga ba may mga ganitong tao, mga bitter??Dahil ba hindi sila naniniwala sa FOREVER??Bakit ng ba maraming tao ngayon ang hindi naniniwala sa forever?Dahil sa sinaktan, iniwan o kaya nama'y pinaglaruan sila ng mga taong sobrang minahal nila. Ganun naman diba? Kapag naranasan mong masaktan, maloko, maiwan at paglaruan, matatakot ka ng magmahal ulit. Alangan namang magpa-party kapa dahil sinaktan ka ng mahal mo. Syempre maiisip mo na kapag nagmahal ka ulit mararamdaman mo na naman ang sakit na naramdaman mo noon, na sasaktan ka lang din nya o di kayay paglalaruan.

Hindi rin natin masisisi ang mga bitter sa love kung bakit sila naging ganun.Sa mundo kasi walang permanente, lahat magbabago.Kung hindi mo man maranasan sa kanya ang forever na inaasam mo, malay mo hindi lan talaga sya yung taon meant to be para sayo.Darating din yung taong nararapat sayo, yung taong mamahalin ka katulad ng pagmamahal mo.Wag kang magmadali darating din yung one true love mo, konting tiis lang darating din sya.Malay monatraffic lang diba???Kapag sinabi mo kasing walang forever para mo naring sinabing walang tatagal sayo, mapagamit man o tao.Wag mon sirain ang Konsepto ng love ng dahil lang sa maling tao na akala mo tama na pinapasok mo sa buhay mo.Dahil kahit anong sabihin mo, lahat n bagay may katapusan pero atleast kahit na ganun may mga bagag parin naman na matagal mawal.

Ang hangganan o katapusan, hindi ibig sabihin na WALA NG FOREVER. Ang Forever kasi ay kung paano mo, niyo naramdaman ang kakaibang saya sa maikling panahon na parang hindi na matatapos.

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon