PLK: I suggest

20 3 2
                                    

Red

Kinabukasan ay nagayos ako para mamaya sa performance. Napatingin ako sa kalendaryo at nakita kong September na rin pala. Performance day namin ngayon. Nang makita kong tapos na ako sa aking sarili ay umalis na ako. On the way na ako sa school ng magtext sakin si Elaine.

Elaine:

Where are you?

Me:

I'm on my way. Nakasakay na ako sa bus. Ikaw?

Elaine:

Ingat. Well here pa rin, late na nga e. Hindi pa nakakasakay. Huhu 😭

Me:

Take care too. Sige na bye na muna. May babasahin lang ako. Text me up kung malapit ka na sa school. Sayonara! 🙌

I locked my cp. (Screenlock) Kinuha ko ang earphones ko at nagplay na naman ng music but this time iyong MP3 ko naman ang gamit ko. Sayang sa batt sa cp e. Baka malowbat. Nilabas ko sa bag ko ang libro na kakabili ko lang kahapon.

In the middle of reading nagpara itong babaeng katabi ko at bumaba na at nagsakay naman ng pasahero itong konduktor ng bus. Umusog ako sa right ko na malapit sa bintana. Hindi ko na lamang pinansin at nagpatuloy sa pagbabasa. Then I heard someone saying my name. Repeatedly

Hindi na pangalan pati ang dalawang pagkuldit sakin sa shoulder. Tumingin ako sa side ko then I saw Raze. He was smiling at me. I smiled to him. "Goodmorning" then I greeted him.

"Goodmorning too"

Maya-maya'y tumahimik na ang paligid. Sanay na ako kay Raze, minsan kasi nakakasabay ko siya. Nakakatabi minsan sa paguwi at iba pa pero by the way naiinis ako sa librong binabasa ko. Why? Because the boy was so TORPE. He can't admit his feeling that is true. Hindi niya kayang sabihin sa babae na mahal na niya ito. Sabagay ganoon din iyong babae. They've been secretly loving each other. I hate it.

Napatigil na lang ako sa inis ng sumigaw iyong konduktor ng bus. "Malapit na po tayo"

I lowered the volume of my MP3 at tumayo na. Nakita ko ring nakatayo na si Raze. Nauna na nga siya doon sa labasan ng bus e. Pagkababa ko ay sumakay na ako ng tricycle which is kasama ko si Raze at ang kapatid niya.

Inabot ko ang bayad ko ng nasa tapat na kami ng school. Then naglakad na ako papasok sa school kasama ang iba pang tao. Syempre may nakakasabay ako. Pagkapasok ko sa room ay nakita ko si Mae na nandoon na. Ang aga talaga ng babaeng ito.

"Kain tayo" sabi niya habang kasama sila Danrica, Esha, at Maria. Sila iyong mga bago namin kaibigan. Dumami kami lalo at mas okay iyon dahil masaya. Bale anim na kami at sakto iyon.

"Wala naman kayong binili sakin"I sounded like I was a retarted old lady.

Tumawa sila sa pagtatampona kunwari lamang. "Sorry, next time na lang"sabi naman ni Esha.

They're eating Pansit. Yes, pansit sa umaga at hindi kalamansi ang nilalagay nila. Kundi suka talaga. Nasanay na kami sa ganyan. Every umaga talaga pansit minsan naman tinapay. Para kaming nasa bahay, nag aalmusal ulit kasi kami sa umaga sa school.

Pangarap Lang Kita [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon