PLK: Sayo

19 3 0
                                    

Red

" Minsan oo, minsan hindi
Minsan tama, minsan mali
Umaabante, umaatras
Kilos mong namimintas
Kung tunay nga ang pag-ibig mo
Kaya mo bang isigaw
Iparating sa mundo"

Minsan hindi natin namamalayan na napapakanta na lang tayo. Minsan pa nga LSS diba? Last song syndrome. Ito iyong paulit-ulit na lang natin na kinakanta. Iyong parang wala ng katapusan. Katulad ngayon, na LSS na ako sa Sayo ng Silent Sanctuary.

"Kanta na naman?"tanong sakin ni Esha.

"Napapa LSS ngay talaga ako. Ang hirap alisin"ngumiti ako sakanya at tumawa siya sa sinabi ko.

"Oo nga e. Halatang-halata. Kanina mo pa kinakanta. Mag isip ka ng bagong kanta"sabi nito.

Nagisip ako ng kanta at maya-maya'y BOOM! nakaisip na ako. Paano ba magmahal by Sarah G and Piolo Pascual. Gusto kong kantahin ito. Ang cute ng combination at iyong words patama talaga.

"Kahit pilitin pang sarili
Ibigin kang mali
Ako'y mali
Ako'y mali

Paano ba magmahal
Palagi bang nasasaktan?
Umiiyak na lang palagi
Gusto ko ng lumisan

Paano ba magmahal
Kailangan bang nasasaktan?
Lagi na lang 'di maari
Hindi kayang lumisan"

"Ang galing mo talaga kumanta"sabi ni Esha sakin. Ngumiti ako at nagpasalamat.

"Syempre maganda ako"sabay flip hair.

"Dictionary ka talaga haha jk"sabi niya sakin at nag-peace sign. (Translation: Ang kapal mo)

Lumapit sakin si Danrica. Hiniram niya ang cellphone ko. Naglaro na naman siya ng color switch. Ang highest score ko ay 50. Ang baba pa nga e. Ang hirap naman kasi.

"Pag nahulog itong bola, mahuhulog ka rin sakanya"sabi sakin ni Danrica.

What the heck. Pinagsasabi nitong babaeng ito. "Pinagsasabi mo?"sabi ko sakanya. Tumawa siya at binigyan ng makabuluhang tingin. Iyong tipong may meaning talaga pero hindi ko naman gets.

"Gawa tayo ng vines"bungad naman samin ni Mae.

"Literal na vines ah"sabi naman ni Ria at natawa kami sa corny niyang joke.

Lumapit samin si Elaine na may hawak na libro. "May assignment pa tayo guys"

Ginawa na namin ang asignment namin. Huwag niyo kaming tularan. Ang assignmnt kasi ginagawa sa bahay. E' matagal na tong pinaassignment kaso hindi pa namin nagagawa dahil busy na rin kami.

4:30 Pm

Napansin kong nakapalumbaba si Raze sa upuan niya. Tapos nakapikit. Natutulog ba siya? Pagod siguro ito. Pumunta ako sa upuan ko at umupo. Nagbasa ako at nagpatugtog. Maya-maya'y narinig ko ang boses ng kaklase kong kakapasok lamang.

"Okay ka lang Raze?"sabi ni Kate at nilapitan ito. Hinipo ni Kate ang noo ni Raze at nagsalita.

"Hala nilalagnat ka, psst. Okay ka lang?"sabi ni Kate na napatayo na lang ako. As a classmate and friend syempre concern pa rin ako.

Nilapitan ko na rin si Raze at hinipo ang noo niya pati na rin ang leeg. Oo nga nilalagnat siya. Ang init-init niya. Kinuha ko ang tubig ko na nasa bag, hindi ko pa naman naiinuman ito. Wala kasi siyang tubig. Kinuha ko na rin ang gamot na nasa bag ko. Yes, girl scout yata ito.

"Raze kumain ka na ba?"tanong ko sakanya.

Lumapit sakin si Kate. "Puntahan ko lang si Nurse. Ayaw niya yatang pumunta sa clinic hiramin ko lang iyong temp"

Tumango ako at binalikan ng tingin si Raze. "Kumain ka na ba?"tanong ko ulit sakanya. He nodded naman.

Inabot ko sakanya ang tubig ko at ang gamot. "Ito oh, inumin mo. Huwag kang magalala malinis iyong bottle ko"ngumiti naman siya at nagpasalamat.

Naiwan na kaming dalawa ni Raze dito sa room. As a friend talaga sinamahan ko na muna siya. Tinabihan ko at nagpatuloy sa pagbabasa.

"Bakit ayaw mong pumunta sa clinic"pambabasag ko sa katahimikan. Gising na kasi siya at parang ayaw niya na yatang matulog.

"I don't like it. Hindi ako kumportable sa clinic"sabi nito at inabot sakin ang bottle ko.

"Matulog ka na kaya"sabi ko sakanya. Napansin kong yumuko na siya.

Jade: Hindi niyo pa uwian?

Me: Hindi pa. Mga 5pm

Jade: Okay, ingat ka. Baka hindi na ako makatext. Busy e. Bye, I love you.

Me: Sige, bye. I love you, too. Take care rin. 😊

Tumayo na ako para ibalik ang bote sa bag ko. Doon na rin ako uupo sa upuan ko ng biglang...

"Wait don't leave me here"

Napatingin ako kay Raze at nagulat ako ng mahawakan niya ang kamay ko. Parang nagslow-mo ang paligid tapos nagplayback sa isip ko iyong Sayo talga.

"Tumingin sa aking mata
Magtapat ng nadarama
Hindi gusto ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
kung maging tayo, SAYO lang ang puso ko"


"R-raze"kinakabahan tanong ko habang tinitignan ang kamay niya na nakahawak sa left hand ko. Then may narinig kaming pumasok.

"Nandito na iyong..."

---

Sorry guys kung short update. Actually short naman lahat e. Pero ang short talaga nito kaya pasensya na by the way po thank you! 💕

Pangarap Lang Kita [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon