PLK: Ang pagkikita

55 4 4
                                    

Red

Nagtext sakin si Elaine, ang bestfriend ko. Napansin kong parang masaya siya dahil daw may bago kaming kaklase at lalaki daw iyon.  Napasmirked na lang ako at hindi masyadong inisip iyon.

Elaine: Galing daw siya Eastfield high!

Me: Oh talaga? E'di matalino iyan.

Elaine: Oo naman ah! Syempre Eastfield High iyon saka balita ko may kapatid din siyang mag aaral satin kaso mag gragrade 8 pa lang.

Me: Ugh. Ganoon ba. Haha. Baka gwapo iyan shems 💜

Elaine: Sabi nila gwapo daw at matangkad. Maputi rin daw.

Napaisip ako. Nakuu, heartthrob na naman iyan sa school. Baka mamaya iba na naman ang mangyari sa school. Picture dito, doon.

Maya-maya ay hindi na ako nakapagtext. Kinuha ko ang wallet ko at lumabas kaming magpipinsan. Bakasyon kasi ngayon at malayo ako sa mga kaibigan ko. Nasa Balangkas kasi ako kung saan dito ako pinanganak. Gusto kasi ako ng mga Grandparents ko na dumito na muna kaming magpipinsan para makasama naman kami.

"Kailan ang pasukan niyo Kiyora?"sabi ng nakakatanda kong pinsan na si Kuya Uk.

"June 1 na Kuya. Malapit na nga e"malungkot na sabi ko sakanya at napayuko. Ang aga-aga naman kasi ng pasukan. Hay!

"E saan mag aaral si Arturo mo?"tukoy niya sa boyfriend ko na hindi naman Arturo talaga ang pangalan. Ang pangalan kasi nito ay Jade. Ewan ko ba sa mga pinsan ko. Iba't-iba ang tumatahak sakanilang isipan e.

"Eastfield University Kuya Uk."

"Ugh ganoon ba. Ingat kamo siya"sabi na lamang ito at pinaandar na ang kotse. Mag gagala kasi kaming magpipinsan.

Napatingin ako sa pinsan kong si Miles. Natatawa ako dahil kanina pa siya kalikot ng kalikot doon sa cellphone niya.

"Ate Kiyora naman bakit tumatawa ka?"

"Wala lang masama bang tumawa?"

Natahimik siya doon at ipinagpatuloy na lamang ang gagawin. Tinignan ko ang cellphone ko at napansin kong ilang text messages na ang dumating.

Jade: Nasan ka na?

Jade: Ingat ka ah?

Jade: Huwag kang lalayo sa mga pinsan mo.

Napangiti ako at nagtext back din sakanya. Si Jade ang boyfriend ko since Grade 8 pa lang ako. Oo na, maaga kasi akong lumandi noon. Kaya hanggang ngayon ay kami pa rin. Still strong pa naman. Nasa La Fili siya at nagbabakasyon din. Sa August pa kasi ang pasukan nila kaya mahaba pa ang bakasyon niya. Kainggit nga e.

"Nandito na tayo. 7-eleven na lang ang drinks natin"sabi ni Kuya Mar at bumaba na kaming lahat para bumili ng mga snacks para mamaya sa laro. Masaya ako kahit na mga lalaki ang mga pinsan ko. Si ate ko kasi may pasok kaya minsan lang siyang nakakapunta dito. Pero okay lang masaya naman ako dahil nakasama ko mga pinsan ko at ang grandparents ko.

Pangarap Lang Kita [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon