PLK: Kailangan kita

31 3 0
                                    

Red

"Kailangan kita, ngayon at kailanman 🎶" nagulat ako ng marinig kong sumabay sakin sa pagkanta si Raze.

Nandito na kami sa room at talagang nakakahiya dahil ang daldal ko kanina sakanya. Recess na at nagpaiwan na muna ako sa room. Nagpaiwan din pala si Raze sa mga kaibigan niya. Naalala ko na naman kanina. Nakakahiya talaga kanina! Nadulas lang naman kasi ako.

"Hello naman diyan Ruis at RED!"sigaw samin ni Mae.

Nagulat ako at ng makatapak ako ay nadulas ako. Bigla akong sinalo ni Raze na nasa likod ko dahil pinauna niya akong pumasok.

"Yieeee"I mean everyone in this room.

Napatayo na lang ako at nagthank you kay Raze. Nag welcome naman siya. Wala naman malisya iyon sakanya. I know na hindi naman magiging big deal sakanya iyon. Pero sakin napakabig deal! Bakit ganoon?

Sinasabayan niya na naman ako. Kinuha ko ang libro ko na nasa bag then I start reading again.

--

Pumasok na lahat ng mga kaklase ko sa loob kasama na rin sila Elaine, Mae, Danrica, Esha, at si Ria. Kasama si Ma'am Thea at Sir Kc.

"Let's practice na. Nakapractice na ba ang mga sasayaw?"sabi ni Ma'am Thea sa mga sasayaw sa Buwan ng Wika.

"Yes Ma'am!" Napansin kong kasama si Jesha, Ria sa sayaw.

Tinignan nito ang papel kung saan nakalista ang mga students na sasali sa bawat contest.

"Sa poster making? Ang tema ay chuchuchu" at sinulat iyong tema na para sa Buwan ng Wika. Sinulat ito ni Ma'am sa Whiteboard.

"Yes Ma'am, nakapractice na nga kami e diba Kent?"sabi ni Mae kay Ma'am Thea at kasama nito si Kent na magpoposter making. Bale dalawa lang ang pwede sa poster making.

"Oo naman"

Napatango naman si Ma'am Thea. Tinignan ulit nito ang paper na hawak. "E' sa Isahang pagkanta?"

"Ma'am ako talaga?" Napatingin kami kay Elaine na kinakabahan. Pero alam kong sanay na iyan. Sumali na iyan noon. Kaya niya iyan, bestfriend kaya namin iyan.

"Kaya mo yan"sabi naming lahat at napangiti na siya.

"Opo Ma'am. Meroon na rin minus one"sabi ni Elaine kay Ma'am Thea.

"Sa pag gawa ng poem? Ipasa mo sakin Danrica okay? Titignan ko ang ginawa mo"

Tumango si Danrica. Ito na next na kami.

"Ruis at Kiyora, nakapractice na ba kayo?"tanong naman samin ni Sir Kc na tahimik lang kanina. Napatingin samin lahat ni Ruis.

"Y-yes Ma'am"sabi ko. Kinakabahan ako.

"Sample, sample, sample!"sabi nilang lahat.

Tumingin ako kay Raze na napapangiti. Nahihiyang ewan. "Come on, tara na dito sa harap. Para naman marinig namin"sabi ni Ma'am Thea.

Pangarap Lang Kita [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon