Second Day

42 2 5
                                    

Dear Diary,

Mahal na mahal kita! Bakit mo ako iniwan?!... Cheret!

Ooookay! 2nd day of school not sure if this day would be fun but hopefully it wont sucks. Englisher me.

Eto na pangalawang araw ng college-life ko. Ngayon na magsisimula yung totoong klase, dugo ilong, manas utak, di-gaanong tipikal na naririnig mo sa mga college-student.

Kung pag-aaral lang naman, wala talaga akong problema don, problema ko lang talaga teachers at kaklase. Mga baliw kasi yung mga previous classmates and teachers ko kaya katamaran-strikes ang peg ko noon araw-araw, although wala ako ni-isang bagsak, para naman akong napipilitan pumasok araw-araw.

By the way, move on na doon. Sana nga matino yung mga classmate at mga teachers ko. Kung hindi mukhang araw-araw akong tatamarin, hindi na pwede 'yun, college na ako kaya kailangan mas pagtinuan ko kahit papaano yung pag-aaral ko.

So now, I'm on my way to school. I drive on my own, may student license na ako.
Pagkahinto ng kotse ko sa car park tinignan ko yung oras sa relo ko, 25mins. left bago ang first subject ko. Makakagala pa ako ng kaunti.

Nag-gala ako saglit, pumunta sa garden tapos nag-picture ng kung ano-ano. I love photography, isa na rin sa nag-udyok sa akin para kumuha ng MassCom ay yung photography. Ang cool lang kasi you capture every moments, then there - you have a memory stock on a camera/micro SD.

5mins. before yung first class ko, sinigurado kong nasa room na ako. Mahirap na baka mapagalitan pa. English yung first subject ko, then ang teacher ko si Sir Galvez. Bata-bata pa, tantiya ko mga nasa 25 to 28 years old lang siya pero magaling siyang magturo atsaka mahilig magpatawa.

"Okay, class get 1/4 sheet of paper, we have a seatwork." Sabi ni Sir Galvez. Kaya kumuha na ako ng 1/4 sa bag ko.

"Uy, Nikolai! May 1/4 ka pa? Naiwan ko yung 1/4 ko e," Nangangamot ulong pagka-usap sakin ni John.

"Oo, meron pa. Eto o," pag-respond ko naman sabay abot ng 1/4.

"Salamat,"

"Welcome,"

"Sir! Wam-port?!" narinig kong sigaw ng isa kong kaklase

"Pauli-ulit?! I said one-fourth SHEET of paper. Nakakaimbyerna ka, sana inuna mong maglinis ng tenga bago magpabango ng bunganga. Joke! Sige na kumuha na ng one-fourth bago pa magkasakitan, cheret!" In-emphasize talaga ni Sir yung word na 'sheet', with matching mataray na baklang accent. Yes, bakla po siya.

Nang naka-ayos na kami sinimulan na ni Sir yung klase.

"Okay, guys. I want all of you to write down the elements of a story, no description needed. I know it's basic kaya sana naman wag na kayong magkopyahan. After writing down those elements, pass the paper here in front," Mahinahon at propesyonal na pagpapaliwanag na ni Sir Galvez. Frank Galvez ang whole name ni Sir, para sa mga curious kung ano ang buong pangalan ni Sir.

Sulat dito, sulat doon. Blah-bleh-bleh, si Drac ng Hotel Transylvania lol. Pagkatapos, pinasa ko na sa harap yung gawa ko. Nung sigurado nang nagpasa na ang lahat, sinimulan na ni Sir Galvez yung discussion about elements of story. Basic? Yes, but not that as simple and as easy di-tulad noong highschool mas tinalakay ng mabuti yung every elements at nadagdagan pa yung mga kaalaman ko tungkol sa parts ng story.

The discussion went well. Bago umalis si Sir sinigurado niyang mag-iiwan talaga siya ng aral na may halong biro, para mas memorable daw.

Pagdating naman ng recess, as usual magkakasama pa rin kami ng mga kaibigan kong kumain sa canteen.

Hindi ko pa nga pala napapakilala ng husto yung mga 'yan. 'Wag kayo mag-alala, ie-elaborate ko yung buong pagkatao ng bawat isa sa kanila.

Karlona Abacos - Ang bespren ko. Loka-loka, malakas mang-asar pero asar-talo din naman. Siya ang taong hindi marunong tumanggap ng salitang "hindi", pero pag-ayaw talaga, wala talagang magagawa, ganun talaga.

Diary Ng Single... Since BirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon