Dear Diary,
It's been awhile since huli 'kong sulat sa'yo. Sana'y di ka nagtatampo. Hehe.
Heya! It's been what? Days? Weeks? Since last na sulat ko dito.
Well, okay naman ang lahat except when I met HIM.
Do you wanna know kung anong meron sa kanya? Then lend me your ears at iku-kwento ko na.
Friday - the most exciting day in my current life. Sino bang may ayaw? Pagkatapos ng araw na 'to uwian na tapos next day weekend na, it means wala ng pasok. Makakapagpahinga na rin ang utak.
Dahil good-mood ako ngayon ang aga 'kong
naghanda para sa pagpasok. As usual ano pa bang ginagawa pag papasok? Maglalaba? Malamang naligo ako, nagbihis, kumain, nag-toothbrush with toothpaste, at nagpaalam sa pamilya ko, and nag-drive of course papuntang school.Siguro nacu-curious kayo sa kung anong klaseng pamilya ako nanggaling? Next time ko na iku-kwento yun, okay?
Nang makarating na ako sa school bumaba na ako sa kotse ko. Hindi mataas ang kotse kaya "bumaba" ang term na ginamit ko, I mean lumabas na ako mula sa kotse ko. In-explain ko talaga.
Pagkababa ko pa lang sa kotse biglang may bumunggo sa akin, hindi kotse kung hindi tao na naka-bike.
"Aww! WTH!" Sigaw ko nang daganan niya pa ako. Lang 'ya!
"Ay! Sorry, miss!" Sabi niya sabay bangon tapos tinulungan niya akong tumayo.
"Sakit, ah!" badtrip na singhal ko na naman sa kaniya.
"Sorry na, miss. 'Di ko naman sinasadya, wala kasi akong break eh, pasensiya na." sabi niya pa sabay kamot sa ulo.
"Hays! Sige na nga, 'wag mo na lang ulitin. Buti hindi ako nagkasugat kung hindi, mayayari ka sa magulang ko." totoo, mas conscious pa ang magulang ko kesa sa akin pagdating sa sugat. Ewan ko ba.
"Sorry talaga, miss." pagpapaumanhin niya pa ulit.
"Oo na, okay na ako." sabi ko sabay talikod, pupunta na ako ng room baka kung ano pa ang mangyari sa akin na mas malala.
Pumunta na ako sa room, hindi pa naman nagsisimula ang klase, wala pa nga si Sir e. Nag-check muna ako ng gamit kung nadala ko na lahat ng kailangan ko.
'Di rin naman nagtagal dumating na rin yung subject professor ko. Nagsimula na ang klase nang biglang magbukas ang pinto. Mukhang may late na mapapagalitan.
"Good morning, sir. I'm sorry, I'm late." sabi niya nakasuot siya ng snapback at nakayuko kaya hindi ko makilala.
"Your late, pero dahil good mood ako. Palalagpasin ko 'to since mukhang ngayon ka lang pumasok sa class ko. Pero please lang, don't wear caps and hats in my class. Hindi open ground ang classroom, walang araw dito. Okay, you may take your seat." sabi ni prof dun sa bagong dating.
Tinanggal na nung bago yung snapback niya bago umupo sa upuan 2 seats away sa akin mula sa kanan.
Shemay! Siya yung bicycle boy na bumangga sa akin kanina. Talagang magkaklase kami, ah. -_-
Nagsimula na yung klase, tahimik naman siya. Bago pa e.
Nang natapos na ang klase namin ay napag-alaman kong Drexler Morales ang pangalan niya. Ngayon lang din siya nakapasok sa school dahil daw galing sila ng pamilya niya sa bakasyon sa probinsiya nila. (Such a stalker) eww no!
Ayun, nagdaan na ang iba ko pang mga subjects. Masaya naman though minsan nakaka-stress, eh wala tayong magagawa, kailangan makatapos. Sayang pera pambayad ng tuition, hello?!
BINABASA MO ANG
Diary Ng Single... Since Birth
Teen FictionPara sa mga NBSB na may goal sa buhay, kaya ayaw mag-boyfriend. Para sa hindi lang talaga ligawin. Para sa mga third-wheel sa date ng kaibigan tuwing February 14. Para sa mga taong gustong-gusto ng lumandi kaso hindi pwede, at para sa mga taong sing...