A/N:
Heya! Since mala-prologue naman na ang description ng story ko. Wala ng prologue! Tadah!Paalala: Kung sakaling may typo o magulong pangungusap, pakiintindi na lang po. Bangenge na po kasi ako habang sinusulat ko po ito. Enjoy!
------------------------------------------------------------
Dear Diary,
Sana ay nasa mabuti kang kalagayan... joke!
Hey! Ang ganda ng araw ko, first day of school ngayon, at ngayon din ako magsisimulang magsulat sa diary na ito.
Umpisa pa lang puro kalokohan na agad ang nilalagay ko. Well ano namang ine-expect mo? Cheesy lines? NBSB nga ako, 'di ba?
So ayun, first day of school ko as a college student sa Mapua-ang Lupa College University. Mass Communication ang course ko, freshmen, coz I'm fresh as always. Hehe.
First day of school so technically wala pa akong kakilala dito, may kaibigan naman ako pero alam ko late sila, for sure. Dahil first day of school at 2hrs pa naman before ang class ko ('di ako excited mag-college, 'di halata) naglibot muna ako, siyempre para naman maging pamilyar na ako kahit papaano, una kong hinanap ang building ng mga 1st year communications students, ayaw ko namang magkumahog maghanap kung kailan nag-bell na. (Highschool student pa lang po ako.Wala pa po akong alam sa college-life kaya pakitama na lang po kung mali, tysm!)
After kong gumala sa halos buong campus, bumalik muna ako sa kotse ko sa may car park ng school (yayamanin), magpapalit lang sana ako ng top kasi medyo pinawisan na ako. Habang naglalakad ako patungo sa pinag-park-an ng kotse ko biglang may sumigaw, kasabay ng pagdamba nito sa akin mula sa likod.
"Bespren!" sigaw sabay damba ng isa sa aking mga kaibigan. Si Karlona. Isa sa mga matitindi mang-asar sa aming magkakaibigan.
"Hello, bestie," Parang batang pagbati with matching pambatang kaway naman sa akin ng isa ko pang kaibigan. Si Lanea. Siya ang pinakabata sa aming magkakaibigan.
"Uy! Jeje yung nanay, kaya jeje ang pangalan." Mapang-asar na pagbati naman sa akin ni Cess. Ang isa sa mga bully sa aming magkakaibigan.
"Hi, Ate Niks," Malumanay na bati naman sa akin ng isa ko pang kaibigan na si Lila.
"Zzup ma' nigga!" Maangas naman na pagbati ni Leng. Ang dyosa sa aming magkakaibigan.
"Uy! Ahahaha!" Bungisngis na bati ni Kath. Ang pinakamalusog sa aming magkakaibigan. Peace hehe.
"Uy, beh!" Tipikal na tawag naman ni Kianne. Ang baliw-baliwan sa aming lahat.
"Good morning? 15mins. na lang at bell na, 'lam niyo 'yon?" Medyo yamot ko nang sabi sa kanila. Ang tagal kaya nila puro "OTW" makikita mo sa GC pero maliligo pa lang naman, at nag sabay-sabay pa talaga sila ng dating, ah? Bahala silang maghanap ng room sa bawat subject nila, di ko ituturo yung bulding, hmp!
"Easy-han mo lang, bespren. First day of school pa lang, ang init agad ng ulo mo. Red tide?" Pagpapahinahon sa akin ni Karlona.
"Oo nga, may 15mins. pa kami para maghanap ng room namin sa first subject, okay?" Dagdag pa ni Kianne.
"Ah, okay. Palit lang ako damit." Simpleng saad ko na lang, magpapalit na ako ng shirt sa kotse, anong oras na.
"Sige, see you na lang sa break time. Maghahanap pa kami kung nasaan yung room ng first subject namin. Alam mo na, good girls kami." Mapagbiro lang talaga si Lanea, 'good girls' daw e.
"Okay," okay mode-on kong balik na lang, bago tuluyang pumasok sa loob ng kotse ko para magpalit ng shirt. FYI, tinted 'tong kotse ko kaya hindi ako masisilipan dito, kahit pa magpalit ako ng damit.
.
.
.First subject ko English and as expected palagi sa first day, magpapakilaka kayong lahat sa harap. Okay naman yung teacher, mabait at magaling magturo. Buti hindi bugnutin kung hindi isa to sa mga katatamaran kong klase, major pa naman.
Marami akong nakilalang bagong kaibigan, di ko sure kung tao or plastik na nagpapanggap na tao yung mga nakilala ko. Basta gumagalaw at nagsasalita pwede na 'yun. Pero iba pa rin yung mga baliw kong "bessy". Totoo 'yun, for sure. Mga pranka nga sila e, hindi ka-plastikan, at least tao silang tunay.
Ayon pagdating nga ng break time sabay-sabay kaming kumain ng mga kaibigan ko. As usual pinagtitinginan madalas kasi kapag nagdidikit-dikit kami, ay mali. Kapag nagdidikit-dikit SILA nagiging magulo at maingay ang isang lugar, kung ano-ano pa yung mga pinaggagawa nila. Lakas-tama 'yang mga yan. Pero okay lang, sanayan lang yan, di ba?
Natapos ang break time nang puno ng kalokohan ng mga kaibigan ko. Masaya naman, na medyo kahiya-hiya dahil kung ano-ano yung mga ginagawa nila.
Dumaan yung oras di ko namalayan na uwian na pala. Nagkita-kita kaming magkakaibigan kaso yung iba hindi pa dismiss kaya hinintay namin saglit. Then ayon nagba-bye na kami sa isa't-isa, nagsakayan sa kanya-kanyang kotse. RK kami e. Then ayun, uwi na. Nakakapagod din kasing magpakilala sa buong araw ng paulit-ulit kaya rest muna. Kumain muna ako, naglinis ng katawan, nagpalit ng damit, at nagsipilyo. Ngayon naman matutulog na.
Goodnight, Diary. Sa susunod na magsulat uli ako. Pag may ganap, ku-kwento ko. Hehe. =)
Ang cute na singleforevs,
Nikolai dela Cruz
------------------------------------------------------------
Happy 2nd, mga Bessy!
Naway 'wag niyo kong pagtawanan pag nabasa niyo 'to.
BINABASA MO ANG
Diary Ng Single... Since Birth
Roman pour AdolescentsPara sa mga NBSB na may goal sa buhay, kaya ayaw mag-boyfriend. Para sa hindi lang talaga ligawin. Para sa mga third-wheel sa date ng kaibigan tuwing February 14. Para sa mga taong gustong-gusto ng lumandi kaso hindi pwede, at para sa mga taong sing...