Throwback muna tayo. hehehehe
------------------
EightStephen John D. Fortejo
Mea's POV
"PAT-PAT?!" mariin akong napapikit sa sigaw niya.
"Who's pat-pat Steph?" takang tanong ni Arjhann sa lalaking kaharap ko ngayon.
"That girl" seryosong sabi niya saka tinuro ako ng lalaking kinamumuhian ako noon..
"Magkakilala kayo?" obviously Arjhann.. Utak paganahin minsan.
"Yeah" tipid kong sagot. di pa din siya nagbabago...
"Di mo naman sinabi edi sana hindi ko na kinaladkad to.." pagmamaktol ni Arjhann kasabay ng pagpadyak niya..
It's been a year Stephen.. At hanggang ngayon at sakit pa rin na iwan mo ko sa ere..
Flashback
2 years earlier...
Masaya akong gumagala sa centennial park ng may nakasalubong akong nakasalamin na batang umiiyak..
Kahit elementary student pa lang ako ay medyo matino na ako mag isip. Hehe.. Hindi naman ako tulad ng ibang bata na hindi pa matured. Kaya naawa ako sa batang ito na uhugin na sa kakaiyak. Psh.
"Uyy.. Bata!" tawag ko sa kanya tapos lunapit ako..
"A-Ano?" pilit niyang sinabi kahit umiiyak siya..
"Anong iniiyak mo? Alam mo bang nakakaturn off sa babae ang mga lalaking umiiyak?" sabi ko habang naka cross arms ako.
"Ehh kasi.. May n-nililiga-wan k-kasi a-ako p-pero hi-hindi ni-niya a-ako s-sinagot. Hi-Hindi niya d-daw ako ka-kayang ma-mahalin kasi m-may mahal na d-daw siyang i-iba" Anak ni tinola naman! May diperensiya ba to sa pagsasalita.
"Umayos ka nga! Hindi kita maintidihan ehh.. Tara doon tayo! May upuan" hila ko sa kanya tapos pinaupo ko siya sa upan na nakita ko.
Buti na lang talaga may dumaan dito na nagtitinda ng dirty ice cream.. Pero malinis to!
Bumili ako ng dalawang ice cream tapos inabot ko sa kanya ang isa.
"Oh. Para tumigil ka na sa kakaiyak bata" inabot ko sa kanya ang ice cream pero di niya kinuha. Tinitigan niya lang ako habang pinupunans niya ang uhog niya.
"Kukunin mo o isusungalngal ko sayo to. Mamili ka" irita kong sabi. Ehh potek! Tumutulo na kaya ang ice cream.
Buti na lang ay natakot sakin kaya agad niyang kinuha saka kinain. Aba! Buti naman!
"So? May niligawan ka pero di ka sinagot ganern?" tanong ko sa bata
"Oo kasi daw hindi kami bagay sa isa't isa.. Pangit kasi ako. huhuhu" and he started to cry again.. psh!
"Sino yung babaeng yun? At masapak ko! Peste siya! Aarte pa siya ehh" sabi ko saka nagcross arms. Syempre pakita mo sa kanya matapang siya para di malungkot..
"Ikaw naman At---" di ko tinuloy sasabihin niya.
"Don't you dare to call me ate, Màgkasing tanda lang tayo. Call me Mea for short" taray ko diba? Bata pa lang nag e-english na. Saka hindi ko muna binigay ang tunay na pangalan ko. Baka sindikato to. Nag iingat lang hehe.
BINABASA MO ANG
My Cute Boyfie
Teen FictionSi Mea ay isang babaeng walang kamuang muang sa pag-ibig. Walang plano sa buhay kundi puro aral, maging top natcher sa room nila at kung anu-ano man basta tungkol sa pag aaral, makichikahan sa kakilala niya.. wala sa isip niya ang magkaroon ng 'love...