POV ni Enrico
Inis na inis na ako sa kanya. Akala niya maganda 'tong asal niya na pagiging snob. Di niya ba alam ang importansya ng kaibigan? Siya na nga lang ang katabi ko eh. Inaasahan ko pa namang magiging close kami. Pero binalewala niya lang ako. Bakit kaya ganun kasama ang ugali niya?
Pero bakit ganun....galit ako sa kanya, pero hanggang ngayon tinatry ko paring kausapin siya. Para kasing may feeling ako na iba ang nararamdaman niya sa nararamdaman ng isang pangkaraniwang student tulad ko. Parang...may iba sa kanya. Hindi ko alam, pero kahit ayaw ko ang ugali niya hindi parin ako sumusuko para makausap at gawin siyang kaibigan.
"Huwag mo nang habulin yan," sabi ng isang boses galing sa upuan sa likuran ko." suplada si Lai. Wala talaga iyang kaibigan except nung kababata niyang si Kim. Basta, huwag mong lalapitan ang halimaw na babaeng yon."
Napatingin ako sa lalaking nagsalita. "Weh. Mukha naman siyang maayos ah." At ngayon ipinagtatanggol ko pa. Nakuyiiiiee.
"Ha, hindi mo pa kasi siya kilala. First day pa nga lang sininghalan ka na niya. Better beware dahil hindi nagbabago ang modos ng pagtrato niya sa mga kaklase. Baka ikaw na ang next victim na pagsusupladahan niya."
"Totoo?"
"Sasayangin ko ba ang laway ko para sa isang bagay na hindi naman talaga totoo? Pero ako pala si Vincent. Kabatch ko din si Lai nung dumating siya nung first year kami. Ang panget ng experience ko nung na-meet ko sya, pre.
"Ganun ba? Eh...ako si Enrico Gonzales," sinagot ko kaagad.
"Alam ko kung sino ka, pre. Pinaguusapan ka palagi ni Drew eh, yung mortal enemy ni Lai. Gusto ka niya yata." Kindat-kindat pa.
"Ano! Hindi ko nga siya kaklase eh. Ang dami natin sa batch tapos kilala niya pala ako. Ang bilis naman. Mga one week pa lang tayo ah."
"Ang popularity ay iyong makakamit kapag gwapo ka."
Tamang-tamang pumasok si Lai na may kasamang lalaking hindi namin kaklase. Ngayon ko lang nakita si Lai na nakangiti. Akala ko hindi iyon marunong maging masaya.
At para na naman yung dati, pagkaalis ng lalaki nakasimangot ulit at parang galit sa mundo. Gusto ko sana magtry kausapin siya ulit, pero this time takot na talaga ako. Ano nga ba ang problema ko na gusto ko siya i-friend?
"Uh..ah..."
Shocks, tiningnan niya ko. Umupo siya agad sa chair nya.
"Ano?" Hindi ko ma-describe kung paano niya sinabi yon. Masayang galit na ewan.
"WALA! Wala...."
At nagdrowing na naman. Wala na ba siyang ibang alam gawin kundi mag-draw?
Binulungan ako ni Vincent. "Sabi ko sayo snob yan eh."

BINABASA MO ANG
Taray Queen
Подростковая литератураMabait naman si Liwayway Angeles. Medyo mataray nga lang. Ayun ang unang katangian niyang mapapansin mo. Pero kapag kinaibigan mo siya (at hindi ito masyadong madali) at kinilala mo, isang makabuluhan at madamdaming buhay ang iyong madidiskubre.