POV ni Enrico
Dinilat ko ang mga mata ko, umaasa paring nasa lumang bahay namin parin ako. Pero hindi talaga. Hindi ako sanay sa paggising sa isang bahay na hindi ko kilala. Ba't naman kasi kailangan pang lumipat...
Intindi ko naman. Malayo kasi yung pinagtatrabahuan ng Papa ko. Yung kuya ko pang college freshman, kailangan pa mag-dorm dahil kay layo naman ng university niya. OK lang sana lumipat, pero ang dami namang mawawala sa akin. Yung mga kaibigan ko, yung buhay ko dati. Hay.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Rico, ingat ka lagi bebe ha? Yung cellphone at kaperahan mo, bantayan mo lagi," bilin ni Mama.
"Opo, Ma."
Bumaba ako kaagad ng kotse namin. Kahit medyo kinakabahan, gusto ko rin namang madiskubre ang magiging buhay ko dito sa bagong eskwelahan. Pagpasok ko ng school gate, hinintay kong salubungin ako ng barkada ko. Nakalimutan ko na namang hindi ko to skul dati. Huminga ako ng malalim. Hindi nga ito ang unang pagkakataon kong mag-hayskul. Graduating na nga ako eh, pero bakit ang nararamdaman ko yung parang feeling ko nung freshman pa ako?
Parang five minutes pa bago ko nakita yung klasrum ko. Ang dami naman kasi. Sa private school, hanggang tatlo lang yung section tapos dito parang tribu-tribo na ewan ko ba. Daldalan to the max yung mga magiging kaklase ko habang naghihintay para sa teacher. Medyo awkward nga eh. Sa school ko dati ako yung pinakapopular, tapos dito, kahit isang ulo walang lumingon man lang. Ay, tama na nga yang memories etching na yan. Umupo na lang ako sa isang tabi, yung upuang wala pang nakaupo sa katabi, tapos yung isang side naman yung wall. Parang ganun.
Matagal-tagal akong walang katabi. Nagbabasa lang ako ng libro (medyo mahirap nga lang kasi ang ingay) ng biglang tumahimik ang lahat. May nag-iisang babaeng estudyanteng pumasok ng klasrum. Ayun nga, nag-iisa, pero mukha siyang di-affected. Mukha siyang matapang na confident na mayabang na hindi mukhang forever alone na ewan. Parang yung...mataray? Ay ewan. Basta parang ayaw ko siya. Kaya nagpanic ako nang makita kong wala ng ibang upuan kundi dun sa upuang katabi ko. Naku naman!
Lumakad yung babaeng parang walang pakialam sa mundo. Hindi tumitingin sa mga mata ng iba. Nang nginitian ko siya bilang sign of respect, hindi man niya ako binigayan ng 'hello' o 'hi' man lang. Naririnig ko yung mga whispers in the night ng mga kaklase ko tungkol sa kanya, pero parang hindi niya pinapansin at simple lamang nagdodrowing dun sa notebook niya ng bulaklak.
"Uy, yun si Lai Mataray, diba?"
"Kainis naman, kaklase ko pa yang babaeng yan. Masisira ang buhay ko dito."
"Bad trip naman, to o! Sana dun na lang siya kasama ng mga amiga niya last year. Nasa ibang section eh. Sayang."
Tiningnan ko ulit ang babae kung aalma siya o ano. Pero wala eh.
OK 'tong girl na to ah.

BINABASA MO ANG
Taray Queen
Dla nastolatkówMabait naman si Liwayway Angeles. Medyo mataray nga lang. Ayun ang unang katangian niyang mapapansin mo. Pero kapag kinaibigan mo siya (at hindi ito masyadong madali) at kinilala mo, isang makabuluhan at madamdaming buhay ang iyong madidiskubre.