Taray Queen

96 1 0
                                    

POV ni Lai

"Ano ka ba, Lai, nakasimangot ka na naman diyan. Tatanda ka kaagad. Hindi ka na makapag Mi-miss Universe niyan eh."

Ayan na naman si Mama. Napakataas ng pangarap niya para sakin. Eh ngayon nga, kahit mga grades ko hindi ko maitaas. Beauty pageant pa kaya? Hindi naman ako mayaman. Hindi naman ako maganda. Hindi naman ako matalino. Anong ipanlalaban ko? 

Palibhasa, kasalanan ko lang din naman kung bakit kinukulit ako ng nanay ko. Pangarap ko kasi naman din dating maging beauty queen. Dati, ako yung mahinhin at mahiyain na bata. Dahil dun, target ako ng mga bully. Hindi naman kasi ako marunong lumaban. Wala akong pakialam kung i-bully man ako ng mga kalaro ko, basta't hindi ako pisikal na sinasaktan. Tumagal yon hanggang sa nakarating nako sa Grade 6. Dumating ang punto na hindi ko na nakayanan ang panunukso nila. Sumusobra na 'tong mga 'to.

"Nasan ba ang tatay mo, Liwayway? Baka naman iba talaga ang nangyari tungkol dun sa mga magulang mo. Iyan tuloy, iniwan na lang ng basta basta yang nanay mo." 

Patawa-tawa pa. Lunurin ko kaya siya sa Pasig River?  Hindi ko na yon mapapalagpas. Ibang usapan na yan kung idadamay pa ang nanay ko.

"Hoy, walang karapatan yang bibig mong puno ng mga ngiping may streptococcus mutans at yang humihigahos mong halitosis na bastusin ang nanay ko. Sipilyuhin mo nga yang glossopharyngeal cavity mo! Your breath smells like rotten eggs dipped in vomit. And that's so freaking disgusting."

Mas nagulat pa ako sa sarili ko kaysa sa mga bully na yon. Pero hindi ko pinakita, syempre. Umuwi na lang ako nang tahimik. Hindi ko kinakausap si Mama hangga't hindi niya ako kinakausap.

Kinabukasan, nagulat ako ng walang sumalubong sakin. Kadalasan kasi, papasok pa lang ako sa school eh iinisin na nila ako. Sari-sari ang mga tukso nila. 

"Bakit ang tahi-tahimik mo? Cat is got you tongue?" Tapos tawa. As if ang galing nila mag-English.

"Beauty queen kamo? Eh mas may chance ka pang manalo sa lotto eh!" Tapos tawa. As if ang gaganda nila. Ok, pwede. Pero nakakasuka naman ang mga ugali at ang nasa kokote nila.

"Panget ka daw, sabi nung crush mong si Bryan." Tapos tawa. As if may kilala talaga akong Bryan.

Pero ngayon, paglabas ko ng bahay. Wala. As in wala. Medyo nagwork yata yung...pagsasalita ko kahapon. Eh di naging ganun na ang way ko magsalita. Natigil na din naman ang bullying. Kahit konti napadali ang buhay ko.

Nagbago din ang tawag nila sakin. Dati, kilala nila ako bilang isang mahiyain at hindi mahilig magsalita na beauty queen-wannabe. Ngayon, tawagin man nila ako sa full name ko na Liwayway o ang nickname kong Lai, kilala na nila akong si "Liwayway/Lai Mataray".

From beauty queen to taray queen. Ay naku.

Taray QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon