Primrose Castiel PovKasalukuyan kaming nasa loob ng train, patungo sa Cullen Barnaba , subrang bilis ng takbo ng train.
Dumadaan ito sa gitna ng naglalakihang mga kahoy sa maluwang na masukal na lupain. Napabuntong hininga ako, kaharap ko sina mommy at daddy dito sa loob, kanina pa sila palihim na nag susulyapan, akala nila hindi ko napapansin.Halos dalawang araw na namin sa loob ng train, hindi pa namin nararating ang lugar na pupuntahan namin, I gguess this trip is forever. Yong ibang pasahero nakababa na sa mga nadaanan naming station maliban sa amin , Malayo na kami sa Bayan ng Grim yon ang bayan na kinalakihan ko.
Tinignan ko si Mommy dahil sa pag kulbit niya sa kamay kong nakapatong sa mesa , nakita ko sa mukha niya ang kakaibang kislap, I don't know what's into her expression, nagpalipat lipat lang ang tingin ko sa kanila ni Daddy, sa totoo lang? Sa tagal namin sa biyahe hindi ko na alam kung saang station na kami.
Natigilan nalang ako ng biglang huminto ang train at, tumayo si Dad sunod so mommy, hinintay naman nila akong tumayo mula sa kinauupuan ko. Tinignan ko ang paligid sa labas ng bintana habang naglalakad kami.
Napakunot ang noo ko? Is this even a place? Bakit gubat naman? Where are the houses? Gosh gustong ma drain ang dugo ko sa katawan ko. This place sucks, nasa bakante kaming kalupaan na puro puno at naglalakihang damo lang ang makikita mo.
Wait Baka naman nasiraan lang ang train?
Mommy? Daddy? Malapit na ba tayo?
Tanong ko sa kanila.Sabay pa silang napabuntong hininga at nagkatinginan, anong nangyayari bakit ganito sila? Are they hiding something from me? I would want to know!
Maya maya narinig ko ang pagtawag ng kung sino sa labas ng train.
" Station 19, Cullen Barnaba! "
Natigilan ako sa sigaw ng kung sino, so andito na kami naunang lumabas ng Train si Dad, ganon parin sumunod si mom at ako, my mouth open because of shock habang nakatingin sa labas ng train. Ready na ba talaga ako sa pag apak sa estrangherong lugar?
" Tara na Anak "
Napalingon ako kay Mommy, so this is it.
Naglalad ako palapit sa kanila, napakurap ako habang pinag si sync in ko sa utak ko kung nasaang lugar kami, lumingon ako sa train, hindi parin ito umaalis? Bakit kaya?
Guess what? We are in the middle of nowhere, malinaw na sa akin nasa Cullen Barnaba na kami, kagubatan naman ito eh! Susmaryosep! Hunted forest baka may mga abductors dito tulad nong mga monster sa wrong turn. Bayan ba ito? Nasaan ang kabahayan?
" Hinihintay na tayo ng Aunt Cray mo "
Si Tita Cray ang nag iisang kamag anak ni Daddy, kapatid niya ito, wala sa sariling naglakad ako kasabay nila, hindi parin ako makapaniwalang ganito ang magiging hide out ni Daddy. Baka naman naliligaw kami? Pero hindi .
Nakatira si Aunt Cray sa Bayan ng Cullen Barnaba o Cullen Wood, barnaba means wood! Realization hits me! Wood kakahuyan! Napangiwi ako sa joke ng utak ko. Nababaliw na ata ako jusko po.
Hindi naman mukhang station ito eh, para itong lumang platform, may lumang bench at sa tabi nito may lumang lamp shade na halos matumba narin, bumabagsak narin ang bubong.
Yong mga gamit namin halos mabalutan ng alikabok! Aish! Napayuko ako para tignan ang sapatos ko na naka apak sa platform na gawa sa lumang kahoy.
Nag kabutas pa ata dahil sa bigat ko, haha excuse me readers hindi ako mataba! Mukhang pinaglumahan ang lugar na ito.
BINABASA MO ANG
PURE BLOOD ( On going )
FantasyMy Family we're new comer to Cullen Barnaba. Hindi ko alam kung bakit kami lumipat sa lugar na ito. Ang alam ko lang ay nagtatago si Daddy sa mga serial Killer na gustong pumatay sa kanya, pati kami ni Mommy nadadamay sa gulong napasok ni Daddy. A...